Hindi ako nakatulog kagabi, kung ano-ano yung gumugulo sa isip ko. Mga conclusions na di ko alam kung dapat ko bang i-conclude.
Maaga akong bumaba para intayin sana si Kuya, para sa kanya ako magtanong kasi nahihiya ako magtanong kay Doc. Kaso tanghali na, wala pa rin siya.
Pumunta ako sa kusina para initin yung niluto ni Dad na tuna pasta kagabi, maaga din ata umalis si Dad kasi tinry kong kumatok sa kwarto niya pero walang sumasagot.
Habang kumakain mag-isa, nagchat si Eli, bakit daw hindi ako pumupunta sa kanila ngayon e sabado, kakaintay ko kay Kuya, nakalimutan ko na si Eli.
Papanik na ko sa taas nang dumating si Kuya. He looks so tired. Umupo siya sa sala. Kaya lumapit muna ako sa kanya.
"Kuya."
"Yes?" tanong niya habang nakahiga sa sofa.
"Do you kung sino si Aquil."
Humarap sa'kin si Kuya with his confused looks. "Why?"
"Wala lang. May nakita kasi ako last night. May kapatid pa ba tayo?"
Hindi sumagot si Kuya. Biglang nag-ring yung phone ko. Si Eli, tumatawag. Hindi ko na inintay yung sagot ni Kuya, tumakbo na ko papuntang kwarto para gumayak.
Pagpasok ko sa kwarto ni Eli, nakahiga siya sa kama niya habang nakalaglag ang ulo sa side ng kama.
"Anog ginagawa mo? Para kang tanga." bungad ko.
"Ay ang sungit ah. Ang tagal-tagal mo kaya. Inip na inip na ko. Gusto ko na gumala."
Tumayo siya sa kama at kinuha yung garapon ng Ideate of Gala namin. Bumunot na agad siya na parang bata na ngayon na lang ulit makakalabas.
"Pinto Art Museum" basa niya sa maliit na papel tsaka sumigaw.
Hinila na niya yung kamay ko pababa at tinawag ang driver niya. Pagkasakay namin sa van, nakita ko sa phone ni kuya na 2 hours magiging byahe namin from here to Antipolo.
Tahimik lang ang buong byahe at nakatulog din si Eli.
Nagpasak ako ng earphones sa tenga dahil ang corny ng mga rap na pinapatugtog ni kuya.
Hindi pa rin mawala sa isip ko yung tungkol kagabi.
Kaya ba nag hiwalay sila ni Mom dahil nagkaanak siya sa iba? Bakit parang ayaw sabihin ni Kuya, alam kaya niya? Si Doc kaya ang reason kung bakit sila naghiwalay? And where's Aquil? Ipinaampon niya na ba yung anak niya?
Dumating kami sa place pero wala talaga akong gana gumala ngayon. Pero I don't want to ruin Eli's mood, masyado siyang masaya para hawahan ko ng kalungkutan. Pinicturan ko na lang siya ng pinicturan all the way.
Matapos namin maikot yung buong museum, dumiretso kami sa souvenir shop.
Habang tumitingin ng mga pwedeng bilhin para kay Doc at Kuya, nakabangga ako ng babae.
"Ay sorry miss." napatingin ako sa kamay namin na sabay sinalo yung mga dala niya.
"Olee?" isang pamilyar na boses. Isang masakit na ala-ala ang bumabalot sa nickname na Olee.
Dahan-dahan akong tumingin sa mukha niya at hindi nga ako nagkamali.
"Uhm yeah? Hi, sorry di ako tumitingin sa dinadaanan."
"No, it's okay." isang malungkot na ngit ang binitawan ng mga labi niya.
"Friend eto na mga bibilin ko, tara na sa counter." napansin ni Eli si Emily.
BINABASA MO ANG
The Last Day of Sadness
RomanceSolenn was once bright, happy and ambitious. She had dreams and wants. Her smile can brighten up a someone's mood. Yet, one day, her mom passed-away and along with this is her first heartbreak. Smiles quit to happen, or if they did, they look so dea...