"Ahm, Solenn!"
Pasakay na ko ng tricycle nung tinawag ako ni Eadie.
"Tara sa bahay niyo." tapos sumakay na siya sa loob ng trike, kaya sumakay na din ako.
Pagdating namin samin, binati ko kaagad si Mom, medyo nagulat pa siya nung kasama ko si Eadie.
"Ahm, hi Tita.. Pwede po ba kami ni Olee tumambay sa dalampasigan?"
Tumango-tango naman si Mom tapos tumingin ng nagtataka sakin, nagkibit-balikat na lang ako.
Dumiretso kami ni Eadie sa dalampasigan. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa na curios na talaga ako kaya nagtanong na ko.
"Bakit? May problema ba? Ayaw na ba sayo ni Heather?"
Tumingin lang siya sakin tapos ngumiti.
"Hindi naman, actually siya ang nag sabing puntahan kita."
"Bakit naman?" takang tanong ko.
"Ayaw niya kasi mag karoon ng koneksyon sayo. President siya at Muse ka, hindi naman pwede na hindi kayo mag-uusap kapag may laban kaya tuwing may laban ka, ako ang makakasama mo, parang magiging handler mo ko ganon." tapos ngumiti siya sakin.
"Yun lang? E bakit sumama ka pa dito sa bahay namin?"
Pumikit siya tapos tumingala. Hindi niya sinagot yung tanong ko.
Hinayaan kong maging tahimik yung pagitan naming dalawa. Tanging simoy ng hangin at hampas ng alon ang maririnig.
"Namiss kita." malungkot na sabi niya. "Pano, una na ko? Baka gabihin ako pauwi e, sabihin mo na lang kay Tita. Bye!"
Tapos tumakbo na siya palayo. Naiwan akong naka-upo pa rin sa buhangin. Pero ilang minuto lang tinabihan ako ni Mom. Wala siyang sinabi. Inakbayan niya lang ako at hinagod yung ulo at likod ko hanggang sa natapos na namin yung sunset.
"Sunnnnnnnnyyyyyy!!!" hindi pa ko nakaka-pasok ng classroom nang binungad niya ko ng pagkalakas-lakas.
"Ano bang problema mo? Kaingay mo! Tsaka bakit hindi mo ko sinabayan pumasok ngayon?"
"Nauna talaga ako dito sa school para malaman ko kung pasok ka sa SWP."
Bigla akong kinabahan, ngayon nga pala ilalabas yung results.
"PASOK KAAA!! Tara dali tignan mo"
Hinila ako ni Eli hanggang sa bulletin board, at kitang-kita ko yung pangalan ko. Pasok nga ako.
"At dahil pasok tayong dalawa! i-treat natin ang mga sarili natin." tapos hinila na ulit ako ni Eli pabalik ng room.
Pagupo ko sa pwesto may tumusok sa tyan ko galing sa ilalim ng desk.
"Woah, kanino galing yan?" kinuha ni Eli yung bulaklak na hawak ko. "I'm happy to see you being confident like that. Well done!" tumitig siya ng nanunukso sakin. "Ikaw ah! May manliligaw ka di mo sinasabi, sino to?"
Kinuha ko sa kanya yung bulaklak. "Sira, wala akong manliligaw no." Tinitigan kong mabuti yung sulat kung makikilala ko. Hindi familiar yung hand writing niya. "Hindi ko kilala yung sulat."
Tumayo si Eli at tinanong nang tinanong yung mga kaklase namin kung nakita nila kung sino nag lagay ng bulaklak sa desk.
"Wala naman daw silang nakitang pumasok dito na ibang estudyante e. Wala ka bang idea?"
BINABASA MO ANG
The Last Day of Sadness
RomansaSolenn was once bright, happy and ambitious. She had dreams and wants. Her smile can brighten up a someone's mood. Yet, one day, her mom passed-away and along with this is her first heartbreak. Smiles quit to happen, or if they did, they look so dea...