*Adventure is waiting for us! Adventure is waiting for us! Adventure is waiting for us!*
Sa dinami-dami ng pwedeng ringtone ng alarm, hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit line ni Nana; character sa ML, ang napili ko. Lakas maka-motivate ng umaga 'no? Pero hindi yun ang purpose ko. Naku-cute'an lang talaga ako sa boses niya.
First day ng klase ngayon at first year college na din ako. Directing ang kinuha kong course. Yun lang kasi ang profession na alam kong magaling ako.
"Buenas dias, young lady!"
"Good Morning, doc. What's our breakfast for today?"
"Kahit naman maghanda ako ng kahit ano, cereal mo parin ang kinakain mo."
"Uh-huh, you're memorizing my way of living."
Kinuha ko yung box ng cereal sa cabinet at gatas sa fridge. This food was my last breakfast with Mom. Kaya gusto kong simulan ang araw ko with this.
"Good morning Dad!"
"Hello there, son!"
"Naamoy ko yung bacon kaya ako nagising."
"Tama! Umupo ka na. Dadalin ko na dyan."
Umupo si Kuya katapat ko. Tumingin siya s'akin tapos ngumiti.
"You're causing negative vibes. Can you just try, even once, to smile?"
"My name is Solenn, and you know what it means."
"My name is Saber, pero bakit hindi naman ako nakakasugat o nakakasakit?"
Binaba ni Doc yung bowl ng sinangag tsaka bacons sa lamesa.
"Can you guys stop? Para kayong mga bata."
"Dad, I'm only 20, so I'm still young."
"What I mean is, wag kayong magbangayan ng ganyan. Tuwing umaga na lang, Saber."
"Paano naman ako hindi titigil sa kakapuna sa kanya? Every morning, ang unang taong kaharap ko, hindi man lang ngumiti. Dad, you know me. I hate black auras."
Whaaaaaaat!? Nakaka-amazed naman 'tong taong 'to. Pati kulay ng aura nakikita. May samangkukulam ata 'to e.
"Hayaan mo na ang kapatid mo. She's still adopting."
"Dad, halos two weeks na siya dito but I never saw her smiling. Akala mong sa kanya pinapasolve kung paano mawawala ang traffic sa EDSA."
This young man is too loud. Nakakairita.
"I'm done. Bye doc. Pasok na ko. Ayokong malate sa unang araw ng klase."
Umalis na ko ng bahay at naglakad. Actually, sobrang aga pa. Nine o'clock pa pasok ko at seven pa lang ng umaga kaya hindi big deal kung maglalakad ako palabas ng village na 'to. Hindi naman sobrang init kasi may mga puno sa gilid ng sidewalk kaya konting sinag lang ng araw ang tumatama sa balat ko. I miss this. Walking in a peaceful place, with Mom.
Nakarating ako sa gate ng village at doon nag abang ng jeep na pwedeng sakyan.
Kailangan ko na atang masanay mamuhay dito sa Manila. Galing ako sa Siargao. Dun ako lumaki. My parents are separated. Four years old ako nun at five si Kuya nung naghiwalay sila at kay Mom ako napunta. Wala ako masyadong maalala about kay Doc. Nasa trabaho kasi siya lagi nung bata pa ko.
Bago lang ako dito sa Manila. Two weeks to be exact. Halos two months ng wala si Mom. Hindi ko na alam kung saang blackhole na siya pumasok at kung nasaang dimension na siya ng universe.
BINABASA MO ANG
The Last Day of Sadness
RomanceSolenn was once bright, happy and ambitious. She had dreams and wants. Her smile can brighten up a someone's mood. Yet, one day, her mom passed-away and along with this is her first heartbreak. Smiles quit to happen, or if they did, they look so dea...