Chapter 9

347 18 4
                                    

Irene's POV

Pumayag ako na makilala ang Mommy niya kaya pumasok na kami at nakita ko na napaka laki din ng bahay nila. Nilibot ko ang tingin sa buong kabahayan at napansin na halos kada sulok ay may naka display na paintings. Ganon na din ang saya na naramdaman ko sa loob dahil may bago akong nakilala na gaya ko ay mahilig sa arts

Maya maya naman ay may lumapit kay Ali na medyo may edad na babae na siguro ay isa sa kanilang mga katulong  "Andito ka na palang bata ka, bat ngaun ka lang?kanina ka pa hinahanap ni Mam Stella" rinig kong pagtatanong kay Ali

"Uhh ano po kasi Manang may inayos pa kong mga papeles kaninang umaga hehe and nakita ko pa po tong friend ko so ayon medyo nag usap kaya po natagalan ako makauwi"

Medyo nagulat ako sa narinig ko dahil dinamay niya pa ko sa kasinungalingan kaya pasimple akong lumapit at kinurot siya kasabay ang pag bulong sakniya "Huy! bat ka nagsisinungaling at dinamay mo pa ko huh?"

Pasimple itong gumilid at bumulong din "Shhh explain ko nalang next time"

"Ano pinagbubulungan nyo jan?" kuryusidad naman na pagtatanong ng tinatawag na "Manang" ni Ali

"Uh eh wala po hehe. Manang this is Irene pala my friend" pagiiba ng topic ni Ali

"Nako Ali sino ba naman ako para hindi makilala si Ms Irene. Fan na fan kaya kami ng mommy mo ng mga marcos" masayang sambit nito bago ako nginitian kaya naman ngumiti din ako pabalik at nag pasalamat "Salamat po sa pag suporta sa pamilya namin ha, magandang umaga din po pala"

"Nako Ms. Irene isa ho ako sa mga hindi tumigil sa pagsusuporta sainyo kahit pa pilit kayong pinapaalis ng ibang tao noon" ngumiti muli ito at muling nag salita "Osya ipaghahanda ko muna kayo ng makakain. Ali umakyat na muna kayo, panigurado ay namiss ka na non at matutuwa yun na kasama mo si Ms. Irene"

Sumangayon naman si Ali doon at sinundan ko lang siya hanggang sa makaakyat at marating ang pintuan ng kwarto ni Mrs. Elazigue. Hindi niya rin pala ako kaagad pinapasok dahil sabi niya ay gusto niya isurprise ang Mommy niya kaya ayon hinintay ko nalang na tawagin niya ako

Makalipas ang ilang minuto ay bumukas ang pinto at bigla itong humawak sa braso ko habang hila hila ito papasok sa kwarto at nakatingin sa Mommy niya "Tadaaaa the one and only Irene Marcos is here Mom and she's here for you. I hope you like my surprise" masayang sambit ni Ali habang ako naman ay kitang kita si Mrs. Elazigue na halatang halata na may sakit pero nakangiti parin at napansin ko ang magandang mukha ni Ali na sakaniya namana

"Hello po good morning" nakangiti kong bati na siya ding ikinangiti ni Mrs. Elazigue 

"Hello Ms. Irene Marcos" rinig at dama sa boses nito ang hirap na sa pagsasalita at pinipilit lang kayanin. Sa totoo lang ay naaalala ko ang daddy ko na halos ganto din ang pinagdaanan bago mamatay. Nakaramdam ako bigla ng lungkot pero ayoko naman na ipakita yon sakanila kaya naman ngumiti akong muli at nag salita "Masaya po ako na mameet kayo"

Nagsimula akong kausapin ito at halos puro tango, iling at ngiti ang binibigay niyang sagot dahil na nga sa sakit na iniinda nito. Si Ali naman ay nagpaalam muna na lalabas para tulungan si Manang sa paghahanda ng lunch.

Tumagal ang pag uusap namin lalo na ng malaman ko na painter pala sya dati kaya panigurado sakanya namana ni Ali ang pagiging artistic.

Ali's POV
We're done preparing food so binalikan ko na sila sa kwarto ni Mommy "Mukhang nageenjoy kayo sa kwentuhan ha" panimula kong sabi

"Oo nga eh, mahilig din pala si tita sa paintings kaya ayon medyo napatagal kwentuhan" masaya namang sagot ni Irene sa akin

"Sorry to interupt but mom you have to eat na po and mamaya magpeprepare pa tayo dahil aalis tayo dba, Since I told you yesterday na gagala tayo and that's today" I get the wheelchair after saying that at tinulungan din ako ni Irene masakay si mommy then after that we go in our dining room na

"Uhm tita hindi na po pala ako makaka stay for lunch ha sorry po, may practice pa po kasi ako this afternoon" pagpapaalam naman ni Irene na hindi ko na ikinagulat dahil nabanggit niya ito kanina nung malaman na dito ko sana siya paglalunchin

"Sayang naman pero sige magiingat ka, next time uli. I hope to see you again" sagot ni Mommy at ngumiti kay Irene

Yumakap naman si Irene kay Mommy pagtapos nun. Palabas na siya ng pintuan ng mahabol ko ito at nahawakan sa braso "Uhm Irene here pala oh" inabot ko ang isang paper bag at rumehistro sa mukha nito ang pagtataka kung ano iyon kaya muli akong nagsalita "Packed lunch ang nasa loob nan. Hindi ka kasi makakakain kasama namin so I decided to give this nalang para naman matikaman mo ang fav ko, kaya ayon. Masarap yan promise, kainin mo after your practice ha" masaya kong sambit habang hawak hawak parin ang paper bag at umaasa na tatanggapin niya iyon. 

Hindi ko alam kung anong meron ngunit nakatitig lang siya sakin na naging rason ng pamumula ng aking pisnge kaya naman napayuko ako. Mukhang nakahalata naman siya kaya kinuha niya na yung paper bag kaya napaangat na muli ako ng tingin

She gave me a sweet smile na nagpatigil sa buong sistema ko at sunod ko nalang naramdaman ay ang pagyakap niya sa akin "Thank you Ali, I will surely eat this after my practice" pagtapos non ay bumitiw na siya sa yakap habang hindi parin nawawala ang ngiti na nagpapabaliw sakin

"N-no worries" utal kong sagot kaya napakamot ako sa aking sintido dahil sa hiya na naramdaman ko at narinig pa ang mumunting tawa nito dahil siguro sa kaewanan ko.

Pagkatapos ng pag uusap na iyon ay inihatid ko siya sa gate ng bahay hanggang sa makapasok na ito sa sasakyan niya. Nagpasalamat itong muli bago tuluyang umalis 

Me: uhm Irene thank u for making my mom happy atsaka pala about yesterday im really sorry and thank u na den for taking care of me*i smiled*

Irene: No prob, thank u den sa food, see you tomorrow:)

Me: sige ingat ka
.
.
.


Irene's POV
3:30 pm, nasa Music School na ako practicing with my co-musicians. It's our break time at naalala ko na may packed lunch nga pala ko from Ali so ayon ang kinain ko at ang sarapppp

6:00 pm naman when I finally arrived in my house. Nakakapagod ng sobra yung practice but ofcourse I enjoyed it. I'm just now resting so naisipan ko itext si Ali

To: Ms. Aliana Elazigue
Hey what's up? I just got home from my practice grabe nakakapagod haha but anyways ang sarappp nung seafood grabe thank uuuu!

From: Aliana Elazigue
Hi! Im glad you liked the food. Btw tomorrow you're going to check the filipiniana and I'm thinking since magkikita naman na tayo bukas, after our working hrs lets have a dinner? Bawi ako for all ur help so pls say yes?


To: Aliana Elazigue
Sure! Saan tayo? tuloy ba natin yung naudlot na dinner dito sa bahay ko? hahaha

From: Aliana Elazigue
Ikaw gusto mo ba jan? pero im planning kasi to go somewhere if okay lang naman don nalang tayo?

To: Aliana Elazigue
Oh sige go, its fine naman saken kahit saan.

From: Aliana Elazigue
Okay thank you!!! See you tomorrow :3

La Ragazza Dei Miei Sogni(gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon