WARNING! This is a fanfic story, which means all the events that will be put in here are not true or not connected in real life. You are free to skip this chapter or the other scenarios. It's your choice nalang if you want to read it or not, ty<33
--------------------------------------------------------------
It's our 4th day being officially in a relationship and since eto din ang last day namin dito sa Ilocos, Nagplan ako ng dinner sa isang beach resort. Gusto ko magpasalamat sa family niya sa pagtanggap sakin mula simula hanggang ngayon na gf ko na si Irene. Actually hindi padin ako makapaniwala na sinagot na niya ako. Sobrang bilis ng mga pangyayari at kung panaginip man toh sana ay hindi na ako magising pa
Andito pala ako sa beach kung saan nag plano ako ng dinner. Kumuha ako kanina ng rooms for the family since we will be here overnight. Sa ngayon ay nakaupo ako sa swing na nasa tabi ng dagat habang pinapanood ang pag hampas ng tubig. Pumikit ako nang medyo makaramdam ako ng antok? kaya dinama ko nalang ang nakaka relax na vibe ng beach.
................
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at liwanag na parang nangagaling sa ilaw mula sa kisame ang aking unang naaninag. Gumalaw ako ng bahagya at naramdaman ko ang isa ding pag galaw ng tao sa gilid. Nilingon ko ito ng onti at hindi ako nagkakamali dahil sa pabango na naaamoy ko ay alam kong si Irene iyon. Tinitigan ko ito at kita sa mukha niya ang pag-aalala. Hinawakan ako nito sa mukha at nagsalita "How are you?"
"I'm okay, paano ako nakarating dito sa kwarto?" mahina kong sambit dahil dama ko ang panghihina na hindi ko alam kung anong dahilan
"You fainted earlier, buti na lang din ay sumunod ako sayo at naabutan para masalo bago pa matumba ng tuluyan" sagot niya at bakas parin ang pag-aalala
Tumango nalang ako bilang tugon dahil hindi ko din naman alam kung bakit ako nahimatay kanina. Siguro'y pagod lng ako, oo tama baka pagod lang ako
Mukhang nababasa ni Irene ang pag iisip ko sa pagkahimatay kaya hindi na siya nagtanong pa kung anong nangyari sakin kanina pero muli itong nag salita "Love gusto ko magpacheck up ka, you know just to make sure na u're okay hmm" malambing niyang sambit at hinaplos ang aking pisngi
"I guess it's just because I'm tired saka medyo mainit kanina pero sige magpapacheck up ako pero sa manila nalang okay?" sagot ko
Alam kong tututol siya kaya bago pa sya muling mag salita ay inunahan ko na ito "Promise I will, pag nakauwi na tayo. For now I want us na mag enjoy muna since last day na natin dito oh please?" palambing kong sambit para mapapayag siya at hinawakan ko din sya sa pisngi
Gumana naman ang paglalambing ko pero bumuntong hininga pa siya bago pumayag. Hinalikan nya ako sa noo pababa sa ilong at syempre sa labi. Nagpaalam din muna ito na kukuha daw siya ng makakain namin at saka para daw makainom ako ng gamot. Umoo nalang ako at pumikit muli para makapag pahinga
Maya maya ay naramdaman ko ang pag haplos niya sa aking pisngi at tila ginigising ako. Dumilat ako at naamoy ang pagkain hanggang sa nilingon ko ang gilid at nakita ko na nakahanda na ang mga ito. Parang nawala naman ang panghihina ko ng makita ko ang mga favourite seafoods ko kaya bumangon ako at halos magka heart na ang mata ko dahil sa ulam.
Yes I love seafoods so much but I love Irene more :p
"Nakita mo lng favourite food mo nawala na ang panghihina sa mukha mo" natatawang sabi ni Irene at umupo sa tabi ko
"Mmmm thank you love, I love you" masaya na may halong lambing ang tono ko at umupo sa lap niya upang bigyan nang mahigpit na yakap
"I love you too my Aliana" sagot niya at bumitiw ako sa mahigpit na yakap para naman halikan siya. Smack lng yun dahil ayoko mapunta sa kung ano noh! masyado maaga hehe joke!
BINABASA MO ANG
La Ragazza Dei Miei Sogni(gxg)
Fiksi PenggemarA fashion designer who did not expect that the girl of her dreams will be her next client.
