Challenges

517 31 6
                                    

Hello guys pasensya na di ako naka update kahapon na busy lang talaga bawi nalang me pamasko hehez , thankyou sa pag support palagi wavyuuuuu <3

===============================

Irene's pov

it's been one month na simula nung nagising si lei medyo hindi pa sya gaaano masydong nagsasalita minsan magtatanong lang sya and yung temporary amnesia nya andun padin malaking tulong yung kambal sa recovery niya dahil napapangiti sya . Unti unti din syang nag tetherapy para sa paglalakad nya sobrang sakit makita na nahihirapan sya napapaiyak sya sa sakit pag pinapalakad sya , tuwing mkikita ko sya naalala ko yung nagawa ko dahil ako ang dahilan bakit sya hirap ngayon hinding hindi ko mapapatawad yung sarili ko .

nag start nadin yung kambal sa highschool mag kaibang school ulit sila pero malapit lang din , iniiwasan kasi namin yung competition sa classroom kasi magaling sila pareho hindi naman pwde na dalawa ang mag top 1 , everyday din sila pumupunta dto sa hospital minsan din dto na sila gumagawa na assignments gsto kasi nila na lagi nakikita si lei very attached sila saknya.

ngayon naman ang ginagawa ko inaalalayan si lei dito sa kwarto naglalakad lakad paunti unti para din ma exercise recommended by her doctor din kasi , sympre lagi ko din pinapaalala saknya kung sino ako sa buhay nya at kinikwentuhan ko sya about sa mga bata para marecall nya manlang .

after that pinaupo ko na sya sa bed nya dahil kakain nadin sya ,  ang ipapakain ko ngayon saknya arozcaldo with shredded chicken hindi pa msydo nag solid food si lei .

" Honey kakain kana ha susubuan kita " i said

" Bilisan mo magpagaling ha para makauwi na tayo " i added

" Sino ka-ba lagi kanalang andito " ang sakit non 

" Asawa mo ko at may dalawang anak tayo " madalas nya padin itanong sakit mga yun

" Ayoko ng kumain busog na ako " she said

" Kaylangan mong kumain dadalawang subo palang yun eh " sinubukan ko sya ulit subuan kaso..

" ANO BA SABING AYOKO NA ! " tinabig nya yung pagkain kaya natapon nagulat naman ako

Di ako nakapagsalita di naman ako pwdeng magalit , kaya nilinis ko nalang yung natapon tapos pumunta ako ng cr para umiyak , siguro nga deserve ko to sa lahat ng nagawa ko  . Hindi ako pwdeng mag reklamo pero sympre napapagod din ako laging puyat tapos inaalagaan ko din yung kambal napapikit nalang ako at nagdasal na kung ito man ang magiging kaparusahan ko tatanggapin ko pero sna bigyan nya ako ng lakas at tibay ng loob . After ko sa cr lumabas nadin ako tinitignan naman ako ni lei siguro dahil sa mata ko na kaggling sa iyak , pinahiga ko nalang sya ulit at umupo ako sa may couch at tumahimik .

* MOMMMYYYYYY WE'RE HERE WAKE UP *

Nagulat ako dahil diko namalayan na nakatulog na pala ako buti nlang dumating na yung kambal mag gagabi na pala. Nakaupo naman sila sa tabi ni lei nakita ko naman na nakangiti na ult sya .

" Twins take care of mom for a while okay ? Bibili akong dinner natin " i said

" Okay mommy take care i love you " liah

" i love you mommy " yosef

* Skipped time *

Naihatid ko na yung kambal sa bahay dahil di sila pwdeng mapuyat maaga kasi pasok . Simula kanina hindi ako msydong kumikibo nagulat lang ksi tlga ako nangyare , nakaupo lang ako at tinitignan ko yung camera namin ni lei dko mapigilang maiyak dahil namimiss ko yung mga bonding namin , nakita ko din yung mga pictures namin nung kasal at first date ang daming memories dto na puro masasaya lang yung mga ngiti nya yung tawa nya yung mga yakap nya halik nya lahat lahat namimiss ko na sakanya :(

" bakit ka umiiyak ? " napatingin ako ng biglang nagsalita si lei pinunasan ko naman agad luha ko

" ah wala to matulog kana late na oh " i said

" di ako makatulog eh " madaldal to ngayon kadalasan ksi puro lang sya tanong

" pwde bang laruin mo tenga ko ? " nagulat naman ako kasi yun yung palagi kong gingwa saknya dati bago matulog

" naalala mo na ? " i asked

" yung ? Dali na ayaw mo ata eh " tumayo naman ako agad at tumabi saknya

Di naman nagtagal nakatulog nadin sya medyo yung mukha nya naka harap sakin kaya tinitigan ko sya diko mapigilan sarili ko kaya hinalikan ko sya sa labi medyo matagal din tapos naiyak ako ult pagtapos nun lumipat nako sa upuan ulit at itinulog ko nalang yung lungkot ko .

==========================

A/N short update lng yan guys malapit na matapos pero don't worry may book 3 naman :) Advance merry Christmas everyone. Mamaya siguro update ulit ako tatapusin ko lng yung paper works ko

Getting The Love We Need (FIWMMT Sequel)Where stories live. Discover now