Kabanata 4

33 11 0
                                    

Comfort

Kagabi ay tinawagan ko si Claire para maibigay niya ang number ko kay Ian. At nang naibigay niya na, Ian called me Friday at night.



Sabi nito isave ko daw ang number niya at sabado namin gagawin ang report na ibinigay ni Ma'am. I was glad that he called me that night. Ilang oras din kaming nag usap sa phone  kagabi. He did comfort me. Ramdam niya siguro ang lungkot ko kagabi. I was not feeling good kasi ng gabing 'yon. Honestly, nalulungkot ako na wala ng oras si Mom and Dad sa akin dahil sa trabaho nila. Madalas ko rin silang nakikitang nag-aaway.




Nasa itaas ako ng tawagan ako ni Nanay Lorde. "Anak, nariyan na ang bisita mo. Si Ian ba 'yon?"



"Opo, Nanay. Bababa na po ako." Sagot ko.



Kinuha ko ang cellphone ko at bumaba. Ngumiti ako ng nakita ko si Ian. He immediately hugged me. Sabay bulong "How are you feeling? Okay ka na ba?"



"Yes. Thank you dahil nandyan ka kagabi para sa akin. Paano ba ahm... sa small cottage nalang tayo gumawa ng report, sa may swimming pool? Mahangin kasi doon at tahimik." He nodded at me after I said that.


Doon namin ginawa ni Ian ang report namin. Calculus iyon buti na lang parehos naman kaming magaling sa math. Nagdala rin ng meryenda si Nanay Lordes para sa amin. Di naman siya nagtataka kung bakit lalaki ang partner ko.



"Ito I-susubstitute lang natin sa x. Tapos we have to find the value of this..." Si Ian.

"Exactly. Pero bakit pag ki-na calculate ko siya... mali?" Tanong.




"Here." Anito. Hinila niya ako palapit sa kanya at tinuro ang paggamit ng calculator.




"Ahh.... kaya pala. So, mali lang ako ng paggamit." Tumingin ako sa kanya pero gulat rin ako ng nakatingin rin siya sa akin.




"Bakit?" I looked at him as I bite my lower lip. Kinakabahan kasi ako.




"Tapos na tayo sa nagawa nating report. Ikaw na ba ang magdadala niyan this Monday?"




"Ah... ako na ang magdadala." Ngumiti siya at pinagmamasdan akong inaayos ang gamit namin.



Mabilis namin na tapos ang report, kapag kasi isa sa amin ang nakakagawa ng error itsini-check naman ng isa para makita talaga kung saan ang mali.



"Alirah.... okay na ba talaga?"






"Oo naman. Wag kang mag-alala. Okay na ako."




"Your parents love you. At tsaka normal lang yan sa mag-asawa... ang nag-aaway." Anito.



"Tama ka naman. Pero kasi. minsan nag-aaway na nga sila.... nawawalan pa sila ng oras sa akin." Napahikbi ako at agad akong niyakap ni Ian.




"Let it out. I'm here... I'm always here. Makikinig ako, Alirah." Si Ian at hinahagkan ako ng mahigpit.





That time, I let my emotion out. Mahirap din kasi kapag wala kang pag lalabasan. I am so grateful na nariyan si Ian para sa akin. Kagabi kahit lagpas midnight na kinakausap niya parin ako.



Hinawakan niya pisngi ko, dahilan ng pagtitig ko sa kanyang mga mata. He comfort me... walang halong kahit ano... he was there listening at my rants and everything. He does hug me... and kiss my forehead.




Nakasandal pa rin ako sa kanya pagkatapos kung umiyak. Inaalo niya ako at pinaparamdam niya sa akin na magiging okay ang lahat. Ian is my comfort... unti unti ko na iyong nararamdaman.




Akala ko hindi ko siya mapagkakatiwalaan pero hindi, he became my comfort... with him I feel not alone... I feel okay and being loved. Unti-unting nagiging okay ang puso ko dahil sa kanya.






"If you want... you can still call me tonight. You want something to tell me, I'll answer your call, Alirah."




Tumango ako sa kanya at niyakap niya ako ng mahigpit. "I'm always here for you. Remember that."





"Thank you for being there." Tumingin ako sa kanya at hinagkan niya akong muli.




Sabay kaming kumain ni Ian sa cottage. Ipinagluto kasi kami ni Nanay Lordes. "Sige pa, kumain pa kayo. Hijo, ikaw na muna ang bahala kay, Alirah. Pasok na muna ako sa loob. Mag-enjoy kayo." Si Nanay. Alam niya kasi na si Ian ang kausap ko kagabi at napaglabsan ko ng hinanakit. Nanay knew that, Ian, calms me. Hindi ko rin alam kung paano nagawa yon ni Ian pero with him mas okay talaga ako. Wala naman akong kapatid kaya wala rin akong mapagsasabihin.


"Alirah!" May tono ng galit ang pagtawag sa akin ni Ian.



"Busog na ako." Sagot ko.




"You have to eat more. Hindi ka naman tumataba, so, you have to eat more." Anito. Napailing na lamang ako.



Patuloy kami sa pagkain at nagkukwentuhan kaming dalawa tungkol sa buhay buhay namin. Nakakatuwa ang mga kwento ni Ian, opposite talaga ng sa akin.




"You finally smiled." aniya at napangiti tuloy ako.


"That's because you are making me smile." I laughed a bit again.



Biglang nag ring ang phone ni Ian kaya nagtanong ako sa kanya kung sino ang tumatawag.



"Mama mo?" Finally na tanong ko na rin.



"Hindi."



"Girlfriend?" Tanong ko.



"Definitely not." Sagot niya. Pero hindi ako naniniwala.




"I don't have a girlfriend." He marks that with finality.




I nodded. Ngumiti ako ng hilaw pero di ko rin alam kung saan 'yon ng galing.



"Alirah, hindi ko yon girlfriend. It's my sister." Giit niya habang pinapakita ang tumatawag.



"Sagutin mo na."



"I already texted her, na may ginagawa akong mas importante. She said, tatawagan niya na lang daw ako mamaya." Si Ian.





Sa pagkakataong 'yon hindi ko alam kung bakit guminhawa ang puso ko ng nalaman kong Ate niya pala. Medyo nawala ang pagtataka kung sino ang tumatawag sa kanya. Hindi nasira ang mood ko at mas lalong hindi na ako naiinis? Yung feeling ko mas magiging okay, may assurance ang sinasabi ng isip at puso ko. At hindi ko talaga alam kung saan nanggaling yon.



"Are you good now?" Aniya at lumapit sa akin.

Chasing Soul (Aliser Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon