Kabanata 20

51 3 0
                                    

A/N

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Him

Naging maaga ang pagtatapos ng finals ko, kaya naman inaantay ko nalang si Mom and Dad na makauwi dito sa USA, New York. Gusto ko na umuwi kami ng Pilipinas this Christmas. Oo, gusto kong umuwi dahil gusto kong makita si Ian. Miss ko narin ang bahay namin doon sa Pilipinas.


Si Nanay Lordes ay hindi natuloy sa pagsama dito sa akin, ang alam ko, dito sya ilalagay ni Mom para kasama ko siya pero mas pinili ni Mama na maiwan si Nanay Lordes sa Pilipinas dahil kailangan siya ni Mom sa bahay. Kaya simula nun hindi na nga natuloy ang pagpunta ni Nanay Lordes dito.



I open the window of my room and tie the curtains. Inaantay ko ang tawag ni Ian. Hindi na kami nagkausap ni Ian simula kahapon. Sabi niya naman tapos na ang finals nila pero nagtataka ako kung bakit hindi na siya sumasagot sa text ko... hindi na rin tumatawag.



"Love?"

"Busy ka ba?"

"Miss na kita."

"Tapos na finals mo, hindi ba?"

"Tawag ka kapag hindi ka na busy."

Mga text ko sa kanya pero hindi man lang nagreply. Hindi ko alam kung may nangyari ba sa kanyang masama o baka naman may iba na siya? Naku! Ano ba itong iniisip ko. Hindi ito tama. Nilibang ko ang sarili.


Wala si Tita Gina at Tito Vince sa bahay, umalis sila at bukas pa uuwi. Sabi kasi may birthday na pupuntahan kaya naman ako at ang mga kasambahay ang naiwan sa bahay. Araw araw naman silang umalis pero minsan nagpapaiwan si Tito Vince. Si Mama La at Lola naman ay umuwi kahapon sa bahay at kaninang umaga umalis dahil busy rin.



Dahil sa wala akong magawa ay sinubukan kong tawagan si Mama. I dialed the number at sinagot naman.



"Yes, my dear? Nasa office ako. Are you okay?" Si Mama.



"Ma? Gusto ko pong umuwi sa Pilipinas. Sa Pilipinas na lang po tayo... mag pasko Ma." ako habang nakaupo.


"Saka na natin yan pag-usapan. Sige na ibababa ko na may gagawin pa ako, anak. Isa pa hindi mo namana kailangan umuwi. Hindi rin kami makakauwi ng Dad mo diyan ng maaga. Sige na ibababa ko na. Tatawag ako mamaya." si Mama kaya naman mas pinili kong wag na lumabas ng kwarto at magmukmok.



I tried calling Claire pero hindi rin sumasagot siguro ay busy. I look back at the conversation that we have of Ian... naseen nya naman pero hindi niya ako nirereplayan. Ayaw niya na ba sa akin?


I called him again dahil online naman siya pero hindi niya talaga sinasagot at in another call pa. Kinakabahan na ako. Dito na ba magsisimula ang lahat ng labuan naming dalawa? Sa walang banda hindi ko na napigilan pang mapaluha. Hindi na ako mapakali.



I tried calling Dad. Sinagot niya naman agad.





"Yes, anak? May problema ba?" si Papa sa linya.




"Pa, tapos na po ako sa finals. Gusto ko na pong umuwi sa Pilipinas. Bukas ko po gusto makakuha ng ticket. Pa, sige na naman po oh. Dad, please?"




"Hindi na. Diyan ka na muna sa bahay. Marami pa akong gagawin, Alirah. Ibababa ko na." si Dad.




Napa-upo ako sa kama at mas piniling manahimik at humikbi. Ilang iras ako nagmokmok doon. Makalipas ang ilang iras ay  may kumatok sa pinto.





Chasing Soul (Aliser Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon