Chapter Thirteen

707 40 3
                                    

Chapter Thirteen

LUSH,

Pinipilit isiksik ng utak ko ang ipinangako ko sa aking sarili limang taon na ang nakakaraan na hindi na ako sasayaw na muli, pero iba ang sinasabi ng katawan ko. Nagtatalo silang dalawa at ngayon hindi ko na alam kung alin ba ang susundin ko. Nagpunta ako sa canteen at bumili ng maiinom. Sumandal ako sa pader habang iniinom ang coke. Biglang lumabas sa isip ko ang alaala na matagal ko ng gustong kalimutan, pero mukhang hindi mangyayari ang gusto ko dahil the more I force myself not to think about it the more I remember it. And I don't know what to feel; should I be happy because I still remember her or should I be sad because the only thing that I remember is the worst part?

Inisang lagok ko ang hawak kung coke at gigil na hinawakan ang walang laman na bottle. Mariin akong napapikit at bahagyang napayuko ng makita ko ang mukha n'ya sa isip ko.
"Sammy . . . "

I was in 7th grade when I met Sammy. We were classmates and we were in the same club. Dance club to be exact. She really loves to dance. She was smart and pretty. Sobrang bait n'ya rin at funny kaya nagkasundo kami agad. Sobrang witty n'ya at mabilis s'yang nakakasabay sa mga kalokohan ko. Hindi rin s'ya nauubusan ng energy at minsan ako ang sumusuko sa kan'ya. We were both a happy-go-lucky person. We became close dahilan para mapalayo ako kay Clau, that time hindi kami magkaklase, at minsan lang magkita dahil malayo ang building n'ya sa building namin. I was so thankful na nakilala ko s'ya.

Nagkaroon ng competition sa school namin, bawat section maglalaban laban sa sayaw at kung sino ang mananalo ay s'yang ipanlalaban sa ibang school. Sumali kaming dalawa. We were partners. We won, but after that biglang nagbago ang pakikitungo n'ya sa 'kin. Naging cold s'ya at distant. Hindi n'ya rin ako kinakausap na para bang may nagawa akong kasalanan sa kan'ya. I tried to talk to her during practice, but she kept on ignoring me. Nawala ang Sammy na una kung nakilala. Ang laki ng ipinagbago n'ya. Hindi na rin s'ya sumasama sa 'kin at madalas s'yang mag-isa, pero minsan nakikita ko s'yang nakikipagtawanan sa iba kung mga kaklase. Hindi ko alam kung anong nagawa ko bakit nagawa n'ya akong iwasan. Sa murang pag-iisip hindi ko na iyon pinansin. Bago dumating ang championship kinausap n'ya ako, but she was not as bubbly as before.

"After this competition, I want you to keep on dancing . . . No matter what," that was she said to me.

Hindi ko napag-isipan 'yong sinabi n'ya. Hindi ko na-realize na nagpapaalam na pala s'ya sa 'kin noon. After the competition, we won the championship. I still remember how happy I was that time, I felt so elated that I didn't realize I was already kissing her. She was my first kiss, my first and purest love. And when the universe decided to take her home, I just don't know what to do. She was suffering from brain tumor but she kept it a secret because according to her mother she doesn't want me to worry about her. What a stupid reason. After that, I promised to myself in front of her grave that I will not going to dance again if she couldn't be my partner. 5 years na rin pala. Limang taon na ang nakakalipas simula ng mawala s'ya at limang taon na rin ang nakakalipas simula ng abandonahin ko ang pagsasayaw.

Naupo ako sa malapit na bench ng makalabas ako sa cafeteria. Pakiramdam ko umuuga ang inaapakan ko. I closed my eyes, still battling with my mind kung pupunta ba ako sa band room kung saan sinabi sa akin nung babae na gaganapin ang audition.

"I want you to keep on  dancing . . . No matter what," muling um-echo ang boses n'ya sa ulo ko.

Mukhang nahulaan n'ya ang mangyayari sa future kaya n'ya 'yon sinabi sa 'kin. Mukhang naisip n'ya dati pa na mahihirapan akong ipagpatuloy ang passion ko kapag nawala s'ya.

Huminga ako ng malalim at inihanda ang sarili ko bago tumayo at naglakad patungo sa band room. Medyo naka-awang ang pinto kaya rinig ko ang boses ng mga tao sa loob. Mukhang kanina pa nila ako inaantay kaya maingat kung itinulak ang pinto at pumasok doon. Nakuha ko naman ang atensyon nila kaya agad silang napatingin sa 'kin.

KISS BUDDY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon