Chapter Sixty Four

345 14 1
                                    

Chapter Sixty Four

A Year Later

"Uy, Lush?"

Agad akong napalingon ng may tumawag sa 'kin. Nakita ko ang isang babaeng may hanggang balikat na buhok. She's walking towards me while smiling from ear-to-ear. Ilang segundo ko pa s'yang pinakatitigan ng mabuti bago ko naisip ang pangalan n'ya at kung sino s'ya.

"Jasmin? Hi!"

"Akala ko hindi mo na ako kilala." Natatawa n'yang saad ng makalapit s'ya sa 'kin.

Natawa rin naman ako sa tinuran n'ya. "Mas lalo ka kasing gumanda kaya hindi agad kita kilala."

"Asus! Nambola pa. Kumusta pala? Anong ginagawa mo rito?"

"Ayos lang naman. Na-miss ko lang 'tong school kaya naisip kung pumunta." Sagot ko habang inililibot ang paningin ko sa paligid bago muling ibalik sa kan'ya ang tingin ko. "Ikaw? Kumusta? Ano ring ginagawa mo rito?"

"Dito ako nagtatrabaho. Nagtuturo ako rito. Dalawang taon na. Dito rin naman ako g-um-raduate kaya naisip ko na rito na lang magtrabaho."

Wala pala s'yang idea kung anong nangyari kay Sean kaya ng mabanggit ko sa kan'ya ang kalagayan ni Sean ngayon ay halos mapaiyak s'ya sa harap ko. We were in the same club at kahit alam kung isa rin s'ya sa pinagselosan ni Sean noon ay nag-alala pa rin s'ya para sa kumag na 'yon. May pinagsamahan din naman sila.

"Wala man lang akong ka-alam-alam sa nangyari kay President. Pwede ko ba s'yang puntahan?" Tanong ni Jasmin habang nagpupunas ng luhang lumabas sa kan'yang mata dala ng pagkabigla dahil sa ibinalita ko.

Akala ko kasi alam n'ya. Dumalaw na kasi sa kan'ya 'yong dati n'yang mga kaklase noon, kasama sa dance club at dating ka-team sa basketball.

"Oo naman. Matutuwa 'yon kapag nakita ka." I gave her a reassuring smile while patting her back.

Pagkatapos ng maikli naming pag-uusap ay nagpaalam na kami sa isa't isa at meron pa raw s'yang klase. Sinabi kung magkita na lang kami sa hospital.

Tuluyan na s'yang tumalikod at naglakad papunta sa building kung saan naka-locate ang room ko dati.

There are so many unexpected things happened while I was studying in this school 7 years ago. Kahit mga bagay na hindi ko inaasahang mangyari ay nangyari. Marami ring alaala sa paaralang ito kahit sa maikling panahon na inilagi ko rito noon bago pa ako pilitin ni Mama na sumama sa kanila sa London at kahit yata tumanda ako ay maaalala at maaalala ko pa rin ang mga 'yon.

Ang paaralang ito ang naging daan para magkita kami ni Sean. I hate his presence before, but now I'm longing for him. I'm longing for his touch, for his kisses, for his voice, for his hugs. I'm longing for his presence.

Tungkol naman doon sa driver ng dump truck kung saan nabunggo ang sasakyan ni Sean. Dead on arrival ang driver. Sinabi ng pulis na nakainom ang driver dahilan para makatulog ito habang nagda-drive at inaatake naman si Sean no'ng nangyari iyon.

Hindi na sinampahan ni Tita ng kaso at hinayaan na lang. Hindi rin naman naghabol ang pamilya ng driver ng truck. Government ang sumagot ng lahat dahil doon naman nagtatrabaho ang driver ng dump truck.

Sean is alive and the operation was successful and that's all that matters—he's alive, but he's not opening his eyes nor talking to us.

Nakausap ko na rin si Clau at okay na kami. Hindi ko naman kayang magalit sa kan'ya ng matagal dahil sa paglilihim n'ya sa 'kin for the third time around. She said sorry and promised na hindi na s'ya maglilihim ulit sa 'kin kahit ano pang mangyari.

Ikasakit ko man o ikabuti ay sasabihin na n'ya sa 'kin and we're cool.

Matapos kung mag-ikot-ikot ay naisip kung lumabas na sa school. Ibinalik ko sa guard ang visitor identification card at nagpasalamat. Kumakalam na rin ang t'yan ko.

KISS BUDDY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon