Chapter Twenty

780 25 2
                                    

Chapter Twenty

LUSH,

"LUUUSH!"

"What?" Natatawa akong huminto sa paglalakad at humarap kay Ash na ngayon ay nakahinto na rin at nakasimangot.

"Ang bilis mo lumakad, e," kunwaring naiinis n'yang saad, pero hindi n'ya pa rin mapigilan ang pagtawa. Nakatayo lang s'ya doon habang dinadala ng hangin ang mahaba n'yang buhok. Naghahalo na rin ang dilim at liwanag, pero kitang-kita ko pa rin ang aliwalas ng kan'yang mukha. Muli akong lumakad palapit sa kan'ya at hinawakan s'ya sa ulo para guluhin ang kan'yang buhok. Marahas naman s'yang umiling at inalis ang palad ko saka tumatawang tumakbo palayo sa akin.

Nang makadistansya na s'ya sa 'kin ay inilagay niya sa kan'yang ulo ang dalawang kamay at ipinormang sungay saka inilabas ang dila na parang bata. Dahil sa ginawa n'ya ay naningkit ang aking mga mata at agad na tumakbo para lapitan s'ya, pero agad din  naman s'yang nakatakbo palayo hanggang sa nauwi kami sa paghahabulan sa tabi ng kalsada.

"Hoy, mag-picture tayo bilis!" Sigaw ni Ash habang may kinukuha sa loob ng kan'yang tote bag. Malakas na ang kan'yang boses dahil halos hindi na kami magkaintindihan dahil sa maingay na tunog ng nagdaraang mga sasakyan. Naghintay ako sa kan'ya hanggang sa itapat n'ya ang camera ng kan'yang cellphone sa aming mukha. Gusto ko s'yang asarin kaya sa tuwing matatapos na magbilang ang timer ay inihaharang ko ang aking palad sa mukha ko.

"Lush, ano ba! Ayos kasi!" May pagpadyak n'yang saad habang nakasimangot na. Tinawanan ko lang naman s'ya at hindi pinansin. Muli n'yang itinapat ang camera sa harap namin. Baka masuntok na n'ya ako dahil sa inis kaya umayos na rin ako at ngumiti na lang para masunod ang gusto n'ya.

Nanatili lang kaming nakatayo sa gitna ng kalsada. Malakas at malamig na hangin ang humahampas sa aming katawan at tuluyan na ring nagtago ang araw at napalitan ng kadiliman. Tanging ilaw na nanggagaling sa mga gusaling hindi pa nagsasara, ilaw ng mga sasakyan, at street lights ang nagiging tanglaw namin.

Sa 'di kalayuan, napansin ko ang isang stall na bilihan ng street foods. Biglang kumalam ang aking tiyan ng madala ng hangin ang amoy ng isaw na nakasalang sa apoy. Walang pasabi na hinawakan ko ang kamay n'ya at hinila papunta doon sa may stall.

"Sa'n tayo pupunta?" Nagtataka n'yang tanong, pero hindi ko s'ya sinagot.

"Tadaaa!" Energetic kung saad habang nakabuka pa ang dalawang kamay ko na parang sinurprise ko s'ya. Umakto naman s'ya na nagulat pagkatapos ay sabay kaming natawa sa mga kalokohan namin. Pati ang tindero ay napapangiti rin sa amin.

"Pumili ka ng gusto mo tapos bilhin mo." Wika ko habang kumukuha ng kwek-kwek. Hindi naman s'ya natinag sa kan'yang pagkakatayo kaya ng lumingon ako sa kan'ya ang nakasimangot n'yang mukha ang bumungad sa 'kin.

"Joke lang. Libre ko!" Natatawang saad ko dahil parang iiyak na s'ya. Ginulo ko ang buhok n'ya bago lumayo sa kan'ya at kinain ang kwek-kwek na kinuha ko. Para naman s'yang bata na tumalon bago pumili ng gusto n'ya. Kung hindi ko pa s'ya pinigilan ay baka maubos na n'ya ang tinda ni manong. Hindi naman ako mayaman at sakto lang ang dala kung pera, natira 'yon sa budget ko kanina dahil maghapon akong hindi kumain sa school para lang maiwasan si Sean na hindi rin naman nangyari dahil magkaklase kami sa PE at magkasama sa iisang club. Mas bangungot pa ang nangyari dahil sa lintik na performance na 'yon sa PE.

"Kayo ba'y magkasintahan?" Pag-uusisa ni manong tindero. May ka-edaran na s'ya dahil sa mga puting buhok na lumilitaw sa kan'yang ulo ngunit kahit gano'n ay hindi nawawala sa kan'yang mga labi ang ngiti na parang nakaukit na sa kan'yang mukha ang kasiyahan anumang hirap ng trabaho ang kan'yang ginagawa.

"Po?" Tugon ko naman sa nagulat na boses. Hindi ko inaasahan ang tanong n'yang iyon, "hi-hindi ho. Magkaibigan lang po kami." Lumingon ako kay Ash na tumatawa habang nakikipagkwentuhan doon sa ale na pinagbilhan n'ya ng soft drinks.

KISS BUDDY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon