Chapter Fourty Six

359 13 1
                                    

Chapter Fourty Six

1 MONTH HAS PASSED

LUSH,

A sigh of relief escaped my mouth nang mailapat ko ang aking likod sa sofa. Agad akong pumikit ng maramdaman ko ang kaginhawahan ng aking katawan, hindi alintana ang maalikabok na sofa na aking kinauupuan. Ibang-iba talaga ang pakiramdam kapag nasa sariling bahay. It feels so great.

And yes! Nakabalik na ulit ako sa Pilipinas pagkatapos ng tatlong buwan na pamamalagi ko sa London, pero ako lang mag-isa, as what I've said may stable na trabaho na si Mama roon at nag-aaral naman si Lyzee dahil s'ya lang ang pinaboran ni Mama mag-transfer at ipagpatuloy ang pag-aaral sa London. Saka isa pa si Tita naman ang nagpapa-aral sa kan'ya kaya wala akong karapatan na mag-reklamo.

Hindi rin ako magtatagal dito dahil tuloy pa rin ang pagbebenta nitong bahay at dahil wala naman akong ginagawa sa buhay kundi magpakasaya, ayon kay Mama, ay ako ang inutusan n'ya na mag-asikaso.

Nasa tamang edad na rin daw naman ako. Actually, may bibili na at magkikita kami bukas para mabisita n'ya 'tong bahay kasama na rin 'yong lote. Saka kailangan kung kausapin 'yong abogado na humahawak sa kaso ng Tatay ko. Yes! Sinunod ni Mama ang payo ni Tita Wins na sampahan ng kaso si Papa at 'yong kabit n'ya dahil kasal naman sila ni Mama at nag-refuse s'ya na bigyan kami ng sustento, o kahit si Lyzee na lang dahil hindi ko naman kailangan ang pera n'ya, dagdag pa na binalak n'yang sa 'min iwan ang kalahating milyon na utang n'ya sa kompanya. Dinahilan n'ya na sa 'min naman daw pinapadala 'yong pera ni wala nga akong matandaan na naambunan ako kahit isang daang piso no'ng hindi ko pa alam ang mga kagaguhan n'ya. Hindi ko alam na gano'n pala kasama ang ugali ng naging Tatay ko.

To be honest, hindi ko 'to gusto. Itong gagawin ko. Wala na naman akong paki, e, pero dahil ako ang panganay ako dapat ang gumawa ng mga ganito. Hindi ko naman kasalanan na naghiwalay sila. Hindi ko rin naman gustong maging anak nila o maging panganay para lang danasin ang lahat ng 'to. Ako 'yong naiipit.

Muli akong nagpakawala ng malalim na hininga saka nagmulat ng mata. Napahawak ako sa aking t'yan ng marinig ko ang pagtunog no'n. Nagugutom na ako.

Kinuha ko ang jacket na nakasampay sa inupuan kung sofa saka ang wallet ko at lumabas ng bahay. Naghanap ako ng malapit na resto at doon kumain.

Pagkatapos kung kumain, naisip kung tumambay muna sa labas at magpahangin. Nagpunta ako sa park na palagi kung pinupuntahan dati. Medyo na-miss ko rin naman ang hangin dito sa Pilipinas kahit polluted.

I'm wondering what Sean is doing right now. Excited na akong makita s'ya bukas, even Clau, and Calyx have no idea na nakabalik na ako. Siguradong ma-susurprise sila. Sayang lang kasi madaya si Ash. Nang-iwan s'ya agad. Ngayon medyo tanggap kong wala na talaga s'ya.

Kinabukasan matapos sabihin ni Clau through message na wala na si Ash. Tumawag sya kay Lyzee. I still don't have a phone that time dahil 'yong nasira kung phone ay hindi ko na pinalitan, kaya phone ni Lyzee ang ginagamit ko para lang matawagan ko s'ya, saka isa pa walang number ni Sean si Lyzee at hindi ko rin naman tanda kaya hindi ako mag-iisip na tawagan s'ya. Clau told me everything. Biglaan din ang lahat. 3 weeks ago bago kami mag-usap ni Ashley. Do'n n'ya pa lang nalaman na may sakit s'ya, wala pa ring alam tungkol doon sina Clau that time kaya sinabi n'ya sa 'kin na ako pa lang ang pinagsasabihan n'ya, pero sa ibang paraan dahil itinago n'ya sa 'kin na may sakit s'ya sa pamamagitan ng pagsasabing she's not into guys which is not true. No'ng sinabi ko kay Ashley na aalis na ako ng bansa, do'n lang s'ya nag-decide na aminin kay Clau ang kalagayan n'ya. No'ng aalis na ako, sinabi ng Doctor na kailangan na s'yang operahan as soon as possible, pero wala silang pera tapos bigla na lang daw s'yang nawalan ng malay at na-confine sa hospital. Hindi na raw nagigising si Ash no'n kaya sinabi ng Doctor na kailangang-kailangan na talaga n'yang operahan and when they proceed to operation, Ashley didn't survived dahil bumitaw na s'ya even before the Doctors, who were operating her, remove the tumor in her head.

KISS BUDDY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon