Chapter Eighteen

755 31 2
                                    

Chapter Eighteen

LUSH,

Pumasok ako sa school na tanging maluwag na gray t-shirt lang ang suot  saka shorts na kalahati sa hita ko ang haba. Madali lang naman akong nakapasok dahil sinabi kung member ako ng dance club at meron kaming practice ngayon. Bawal kasing pumasok ng naka-shorts sa school. Hindi na ako nakapunta sa room at agad na akong dumeritso sa gym kung saan kami palaging nag-papractice. Nadatnan ko ang mga kasama ko sa club na nagtipon-tipon sa labas ng gym. Agad ko namang nakita si Jasmine kaya tumakbo ako at lumapit sa kan'ya.

"Anong meron? Bakit nandito lang kayo sa labas?" Tanong ko kay Jasmine.

"Gamit kasi ng mga junior ang gym, meron silang program." Kibit balikat na sagot n'ya. Napa-ahh na lang ako saka sumandal sa railing kung saan din s'ya nakasandal. Ilang sandali pa nakita ko na si Sean na padating. Hindi ko alam, pero bigla akong nataranta kaya agad akong humarap kay Jasmine at kinausap s'ya.

Hindi ako tumingin sa direksyon ni Sean habang nagsasalita s'ya, ni hindi ko naintindihan kung ano bang sinasabi n'ya hanggang sa naramdaman ko na lang ang biglang paghawak ni Jasmine sa braso ko.

"Tara na." Sabay hila sa 'kin.

Naguguluhan naman akong sumunod sa kan'ya. "Sa'n tayo pupunta?"

"Sa quadrangle tayo mag-papractice, mukhang mamaya pang hapon matatapos ang program ng juniors," sagot n'ya habang nanatiling nakahawak sa braso ko.

Nang makarating kami sa quadrangle agad kaming pumunta sa aming pwesto at nagsimulang mag-practice. Mabilis ang bawat galaw ng aming katawan na sumabasay sa beat ng tugtog. Mabilis kung naramdaman ang pamumuo ng pawis sa noo at dibdib ko dahil sa sobrang init. Nabubulabog ang mga alikabok at sumasabay ito sa pag-angat ng aming mga paa. Sa pag-ikot ko, naramdaman ko ang pag-patak ng butil ng pawis sa mata ko dahilan para mapapikit ako at ng sandaling imulat ko ang aking mga mata ay muli ko s'yang nakita. Huminto ako sa pagsayaw at pinagmasdan s'yang mabuti. Nakaupo s'ya sa bench habang pinapanood ako. Kumaway s'ya sa akin at doon ko muling napagmasdan ang napakaganda n'yang ngiti. Tunay ang mga iyon, walang halong paghihirap, walang halong pagkukunwari. Parang sinasabi ng mga ngiti n'ya na gusto n'ya ang nakikita n'yang ginagawa ko. Dahil parehas namin itong gusto. Ang kaninang malakas na tugtog ay biglang naglaho sa pandinig ko ngunit ramdam ko pa rin ang init at pagod. Taas baba ang dibdib ko na parang sa lalim ng aking bawat paghinga ay sumasakit ang puso ko. Pakiramdam ko merong umiipit sa bawat ugat ng aking puso dahilan para mapahawak ako sa dibdib ko na parang kaya kung alisin ang sakit no'n. My heart's literally aching. Ramdam na ramdam iyon ng katawang lupa ko.

"Lush!" Nabalik lang ako sa ulirat ng marinig ko ang malakas at galit na pagtawag ng kung sino sa akin. "Tatayo ka na lang ba d'yan?" Dugsong pa nito sa sinabi.

Nag-angat ako ng ulo at nakita si Sean na nakakunot na ang noo. Ramdam ko ang mga matang nakamasid sa akin mula sa aking mga kasama.

"Lush, okay ka lang ba?" Bigla na lang sumulpot si Jasmine sa harap ko at hinawakan ako sa likod.

"O-Oo, okay lang ako." Marahan akong tumatango.

"I'm sorry." Baling ko kay Sean. Hindi ko alam kung narinig n'ya 'yon. Bumalik ang tingin ko sa bench na kaharap lang namin kung saan ko nakita si Sammy, pero wala na s'ya ro'n.

"From the top! Ayusin n'yo naman tangina dalawang linggo na natin 'tong pinapaulit-ulit! Sabihin n'yo lang kung hindi n'yo kaya, hindi namin kayo kailangan dito!" Para kung na-estatwa sa kinatatayuan ko ng marinig ang galit na boses ni Sean. Maging ang mga kalapit ko ay natahimik rin.

Tumugtog ang speaker at nagsimula kaming sumayaw muli. Nang dumating sa chorus ay nagpalit palit kami ng pwesto kaya napalapit ako kay Jasmine.

"From the top! May tanga sa likod!" Lahat kami ay napahinto dahil sa biglaang pagkawala ng tugtog at ang malakas na sigaw ni Sean. Lahat kami napalingon sa likod, pero wala naman kaming napansin na mali dahil pare-parehas lang kami ng ayos at lahat ay huminto sa tamang posisyon. Bumitaw ako sa pagkakahawak sa kamay ni Jasmine at hinawi ang buhok ko pataas dahilan para malantad ang pawisan kung noo.

KISS BUDDY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon