Kabanata 4

2 1 0
                                    

Nang gabing yun ay hindi ako nakatulog bukod sa hindi pa ako naliligo dahil hindi man lang ako binigyan ng kidnapper kong magaling ng pampalit na damit ay hindi ko makalimutan ang ginawa niya sakin!

Buong magdamag akong nagdasal at humingi ng tawad.

Tinawag ko na ang lahat ng pwede kong tawagin sa dasal ko para lamang malinis na ang pagkatao ko.

That's why today I'm planning to escape in this ugly house. Para na rin makalayo ako sa makasalanang lalaking yun.

Inaantay ko lang siya umalis at isasagawa ko na ang plano ko, kaso mukang wala atang balak umalis ang lalaking 'to dahil nakapang-bahay pa rin siya hanggang ngayon.

Andito ako sa sala at tanaw ko siya na tahimik na nagkakape sa may kusina.

"Hindi ka magwowork today?" Hindi na ako nakatiis. I should know his wherebouts!

"Why did you ask? Tatakas ka?" Huh? how did he know? Manghuhula ba siya?

"Huh? Ofcourse not! Masama ba magtanong?" Patay malisya kong sagot.

"You're suspicious. Anyways if you are planning to escape don't bother, I told you hahanapin at hahanapin kita."

"Hindi nga ako tatakas, napaka TH mo naman po." Inirapan ko siya at nagtimpla na lang rin ng kape.

Kagabi ko pa plinano to, pag alis nya ay tatakas ako at sa bintana ng kwarto ko ako dadaan. Hindi naman masyadong mataas ang second floor nya kaya ay keri ko bumaba don.

Pag nakaalis talaga ako rito ay magpapakalayo na ako at magrerent ako ng bodyguard, yung mala bigshow ang laki para naman maprotect talaga ako. Pag kaming dalawa lang ni Gina ay delikado pareho ang buhay namin.

"Nga pala, can you buy me some clothes? Di ka ba naawa sakin. 2 days na akong walang ligo!" Saad ko para naman mas maniwala siya na hindi talaga ako tatakas.

Totoo naman, kaya kong hindi maligo ng 2 days pero ang hindi magpalit ng damit? No way!

"Yeah," Maikling sagot nya. Napaka ayos talaga kausap.

"Yung maayos ha! I want the branded one, ayoko ng ukay ukay nangangati ang skin ko." I sipped my coffee, bahagya pakong napaso dahil sa init nun.

"Arte talaga." May binulong pa siya bago umalis pero hindi ko yun naintindihan.

KAKAALIS lang ni Marco and this is my chance! Sinilip ko muna siya sa bintana para masigurong wala na talaga siya.

Nang makitang nakalayo na ang kotse niya ay dun ko na sinimulan ang plano ko,

Kinuha ko ang white na kumot niya sa at kumot ko bago ipinagtali yun. Ito ang gagamitin kong lubid para makababa ako.

Itinali ko muna yun sa may bakal ng bintana, hinigit higit ko pa para makasigurarong mahigpit bago yun inilaglag.

Umabot ang laylayan ng kumot sa may ground floor.

Nakakatakot man na bumaba dahil wala naman akong lahi ni Robin padilla para magpaka action star rito pero wala akong choice, kung mabalian man ako ay gagaling pa yun pero pag nabaril ako ng marco na yun posibleng mamatay ako.

Para sa career mo! Kaya mo to,

Maingat akong humawak sa may kumot at ipinulupot ko yun sa kamao ko bago sinimulang lumambitin dun.

Unti unti ay bumababa ako, nararamdaman ko na ang saya ng kalooban ko. Makakatakas na ako!

Sabi na at matalino ako eh tinatago ko lang.

Nakahinga ako ng maluwag ng makababa na ako. Agad kong nilabas ang tsinelas ni Marco na nakaipit sa garter ng short ko at isinuot yun.

Maingat akong lumabas ng bakuran niya, para itong subdivision.

Wala rin akong nakikitang tao sa labas.

Dirediretso lang ang lakad ko hanggang sa makita ko ang isang guard na nakaupo malapit sa may entrance.

This is it!

Nilaputan ko ang guard.

"Uh excuse me, do you have a cellphone?" Magalang kong tanong.

"Yes mam!"

"Can i barrow it?" Nagulat ako ng ilabas niya ang maliit na cellphone na ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko.

Maliit ang screen non at may mga button na madami.

"Cellphone to?"

"Opo naman mam!" Kamot sa batok na saad niya.

"Uh, I don't know how to use it but can you dial the number I'm going to tell you?" Agad naman siyang tumango.

Binigay ko ang number ni Gina.

Nakailang ring yun bago niya sinagot.

"Gina? hello-" Naputol ang sasabihin ko ng magsalita siya agad.

"I don't talking to stranger." Bago ay pinatay nya ang tawag.

Siraulo talaga.

Tinignan ko si Kuya at peke siyang nginitian at pina-dial ko ulit ang number ni Gina,

"What the actual fuck Gina!" Bungad ko sa kanya, narinig ko ang pagsinghap at pagkataranta niya sa kabilang linya.

"Mam?"

"Yes! It's me you stupid!"

"Mam! It's you the only one nga! Buti napatawag ka! I very very miss you Mam, sana bumalik kana kasi wala akong sahod you knows."

"Maguusap tayo pagbalik ko, at bakit nga ba hindi ka nagtawag ng pulis nung nawala ako? Hindi mo man lang ako pinahanap!"

"Huh? Baliw ka ba Mam? Bakit kita ipapahanap eh nagbabakasyon ka?"

"Nagbabakasyon?" Taka kong tanong.

"Opo, sabi nung lalaki na gwapo at matso ay magbabakasyon ka daw dahil stress na stress ka na at gusto mo mapagisa kaya sinundo ka niya."

So yun pala ang sinabi ng gago na yun kaya hindi pumutok sa balita ang pagkawala ko.

"At naniwala ka naman?"

"Syempre naman po, gwapo eh"

"Pag gwapo maniniwala ka kaagad?!"

"Syempre, Mam pag gwapo masarap.at mapagkakatiwalaan."

Napairap ako sa sinabi niya, pag balik na pagbalik ko ay kailangan talaga namin magusap.

Tinanong ko kay manong kung anong lugar ito at yun ang sinabi ko kay Gina na lugar para sunduin ako.

Sana lang ay makarating na si Gina bago pa ako makita ni Marco.




KidnappedWhere stories live. Discover now