"OMG Kinidnap ka ni sir gwapo?!"
Gulat na gulat na saad ni Gina ng ikwento ko sa kanya ang buong storya kung bakit ako nawala.
"Yes, at ang kapal ng muka talaga ng lalaking yun-" Naputol ang sinasabi ko ng hawakan nya ng marahas ang dalawang balikat ko bago ako inalog alog.
"SANA ALL MAM!" Malakas na hiyaw sa muka ko,
Tinabig ko ang kamay nya at inayos ang nagusot na damit ko.
Kinidnap na ako't lahat ay yun pa rin ang sasabihin niya? Hindi man lang concern sa nangyari sakin! Anong klaseng assistant to?
"Gina nakidnap na ako at lahat ganyan ka pa rin? Puro kalandian ang iniisip mo."
Naupo siya sa harap ko at dumekwatro pa,
"Alam mo kung ganon ba naman ang kikidnap sakin ay baka naghubad na ako ng aking panty," Tumingin pa sya sa kisame at animo'y nagiimagine ng kung ano-anong kababalaghan.
Nakakaalibadbad sya!
"Landi, kanino kaba nagmana?"
"Edi kanino pa ba Mam? Syempre sa inyo! Sainyo ko lang naman natutunan kung pano kumekengkeng eh."
Ang kapal talaga ng face! Inosente ako no! wala akong tinuturo sa kanya na kahit ano.
"Anong sakin? Gina wag mo akong ginagawang kerengkeng. Sigurado ako kay Joseline mo yan natutunan, kakasama mo nga sa kanya nagiging magkamuka na kayo." Pananakot ko, si Joseline ang assistant ng kaaway kong model. Parati sila magkasama ni Gina dati,
"Hoy magtigil ka Mam, mas byutipul naman ako sa impaktita na yun. Manang mana sa amo niya mukang kulugo. Kung nagmodel ako baka mas matanyag pa career ko sa amo niya."
"Lakas naman ng hangin natin ngayon Gina ah? Anong nangyari sayi nung nawala ako? Siguro ay napabayaan mo na sarili mo kaya kung ano ano lumalabas dyan sa bibig mo."
Nagpatuloy ang kwentuhan namin ni Gina hanggang sa makabalik kami sa condo ko.
I was laughing the whole ride because Gina's face is so funny. Like wala pa syang gawin at nakakatawa na sya.
Bibigyan ko sya ng tip dahil don.
"BAKIT mo naman naisipan to? Biglaan ata Dana?" Seryosong usal ng manager ko, andito ako ngayon sa opisina nya. Sinabi ko sa kanya na gusto ko muna magbakasyon kahit 2 weeks. Gusto ko lang magpalipas at magisip isip.
"I need to unwind, naguguluhan ang isip ko. " Joke may pinagtataguan lang ako.
"Pano yung project mo? Sobrang laking project nun! Sayang Dana."
"2weeks lang naman eh, I promise pag balik ko pagbubutihan ko pa. Lahat ng project na gusto mong gawin ko ay tututukan ko talaga."
"Dana, sigurado kaba? Sino kasama mo at saan ka naman pupunta?"
"Don't worry kasama ko si Gina and sa isla lang kami. Gusto ko lang talaga maglibang,"
"Fine, ayoko naman na stress ang alaga ko. Sigurduhin mo na pagbalik mo ay nasa kundisyon ka na."
MARCO
Ang kulit talaga ng babaeng yun.
Sinabi ko ng hahanapin ko sya saan man syang lumalop magpunta tas sinayang pa ang oras nya sa pagtakas?
Pero pupurihin ko siya, ginamit nya ang utak nya sa pagtakas. Diko inexpect. Akala ko wala syang ibang alam kundi ang maginarte.
"Bro bakit hindi na lang si Kris ang ipahanap mo sakin? Kayang kaya ko yun."
Saad ng kaibigan kong si Julius sa kabilang linya ng sabihin kong hanapin nya kung nasaan mang lupalop naroroon ang babaeng pangalan ay Dana Aki Gutierrez.
Pinatignan ko na sya sa condo nya sa tauhan ko pero wala na don. Ineexpect ko na na magtatago siya pag nakatakas siya rito. That's my girl. Can't wait to see her again.
She's kinda smart huh
"She's interesting, i wanted to play with her more." I just said.
"Baliw ka na bro," I smirked to what he said.
"Hahanapin mo ba o hinde?"
"Fine, I'll search for her pero magkano ba ang ibibigay mo?" Mukang pera talaga ang gago.
"Are you serious, Julius? Magkaibigan na tayo since birth. Sisingilin mo pa rin ako?"
"Business is business." Tawa tawa niyang saad.
"Fine, magkano ba gusto mo?"
"Wow, galante para sa babae? Iba na yan wag mo na kaya hanapin si Kris?"
"Iba si Kris." Seryosong sabi ko.
"Whatever bro, malaki ka na alam mo na ang desisyon na gusto mo."
"I'll just send you the money, update mo na lang ako."
Pinatay ko na ang tawag.
Napaisip ako sa sinabi ni Julius.
Tama nga ba talaga ang desisyon ko?
Kailangan ko si Kris and that is enough reason to find her and stay with her.
But for now mageenjoy muna ako.
DANA
"Sobrang byutipul naman here!" Irit ni Gina ng makababa na kami at matanaw namin ang magandang view ng isla
Sobrang ganda ng dagat, ang linis at ang paligid sobrang payapa.
"Ano ba Gina, sobrang ingay mo naman!"
"It's my first time to be her in the bitch!" Excited pa rin na sigaw niya.
Kahit baliko ang mga salita nya ay naintindihan ko naman kahit papano.
Naglakad na ako papunta sa reception ng kwarto na pagstay-an namin.
Pinabook na kami ni Mayora. Para daw pag dating namin dito ay all goods na.
"Napakaswerte ko talaga Mam na ikaw ang amo ko, nafefeel ko ang mga ganito!" Patuloy pa rin ang pagdaldal ni Gina habang sumusunod sakin.
"Dahil sayo baka makahanap pa ako ng sugar daddy dito sa dagat, yayaman na kami! Naku Mam magbibikini ako para maakit sila sa mga bilbil ko, alam ko ganun ang tipo nila eh yung exotic."
Napatawa naman ako dun sa sinabi niya.
Maganda si Gina, nakakaturn off lang minsan ang bunganga nya dahil kung ano ano ang sinasabi niya.
"Sigurado matutuwa si Inay pag umuwi ako samin na may dala akong foringer na magaahon samin sa kahirapan."
"Can you stop? Ang daldal mo. Hindi ka ba napapagod?"
"Kung ganito ba naman kaganda ang view ay hindi ako mapapagod naku!"
"Pwes ako napapagod kaya pwede ba tumahimik ka muna."
"Ay okay pi." Sagot nya naman.
"Pi? What the heck is that word?"
"Ay dika trending Mam, uso yon sa millenials yung iniiba nila yung 'po' at ginagawa nilang 'pi' para cute."
Paliwanag naman niya. Dko alam na may ganun pala, katanghan naman pala ang ginagawa ng kabataan ngayon.
"Reservation for Dana Aki Gutierrez?
Tanong ko sa receptionist. Agad naman niyang binigay ang susi para don.
"Sa second floor po Miss, room 2."
YOU ARE READING
Kidnapped
RomanceDana Aki Gutierrez is one of the most paid model in fashion industry, everyone admire her because of her talent in modeling. Everything is fine until her bestfriend suddenly disappear. Hindi ito nagpaparamdam o tumatawag man lang sa kanya. Nakumpir...