Author's POV
Matapos ng insidente ay bumalik na sya sa bahay. Pasko na. 12:51 am na.
"[Sean] oh Gem? Bat di mo kasama si Dean?"
"I can't find him"
"[Kiel] weh? I'm sure na nandon lang sya" nandun nga sya, may kasama namang iba.
"Wala sya don. Wala naman sya"
"[Kiel] that's what he sent me eh"
"Baka umalis na sya don"
"[Kiel] maybe right ka. Di ka ba kakain?"
"I'm not hungry. Merry Christmas pala"
"[Sean] Merry Christmas din. Kung nagtataka ka at dahil wala sila sa baba, asa taas lang sila. Tulog na ata si Calix tapos yung dalawa naman naglalaro pa. Bumaba ka nalang dito kung sakaling magutom ka"
"Alright. I'm going to sleep na. I'm kinda tired eh"
"[Kiel] okay sleep well Gem"
Tumaas naman agad si Gem at dumiretso sa kanyang kwarto. Pagkapasok nya ay humilata agad sya sa kanyang kama at doon nagsimulang umiyak.
Sobrang hirap magpigil ng luha lalo na't sinusubukan nya pang ngumiti kahit kumikirot na yung puso nya.
Ngayon nya lang nailabas lahat ng emosyong kanina nya pang pinipigilan pumiglas.
"Akala ko sya na" bulong nya habang patuloy lang sa pag-agos ang mga luha.
"[Sean] Gem?" katok nya sa pintuan kaya naman agad na napapunas si Gem ng kanyang mga luha at inayos ang magulo nyang sarili.
"B-bakit?" gago napamura nalang sya dahil sa di inaasahang pagka-utal nya. Baka mahalata pa ni kuya, sana naman hindi.
"[Sean] pwede ako pumasok?"
"A-ano kasi eh ma-magulo"
"[Sean] ano naman kung magulo?"
"Eh a-ano—" naputol pa ang kanyang sasabihin ng biglang bumukas ng dahan-dahan ang kanyang pintuan. Hindi ko pa na-lock yung pinto. Napakatanga ko naman.
"Oh kuya"
"[Sean] are you crying?" taka nyang tanong at lumapit kay Gem na lumayo naman sa kanya at tumalikod.
"H-ha? H-hindi ah. An-ano
lang—""[Sean] wag ka nang magsinungaling. Pagkauwi mo pa lang, alam ko nang galing ka sa iyak, halata sa mata mo. What's the problem? Nag-away ba kayo ni Dean kaya di sya sumama sayo?" More than that, kuya. Hindi lang kami nag-away, wala na kami.
"N-no. H-hindi kami nag-away. A-ano lang—"
"[Sean] hayst. Wag nang magsinungaling. Kilalang-kilala na kita Javien, alam ko kung nagsasabi ka ng totoo o hindi. Now tell me, nag-away ba kayo?" tanong nya at pinaharap si Gem sa kanya. Pilit naman sa pag-iwas ng tingin si Gem at lingon ng lingon kung saan-saan habang pinipigilan ang mga bagong luhang nagbabadyang kumawala. Anong sasabihin ko? Na hiwalay na kami?
YOU ARE READING
Aking Sinta | ✓
Fanfiction"Please don't hurt him the way your friend did." ⚠️ -Purely fictional -The characters mentioned in this story doesn't reflect them irl -Will be written in Tagalog -This is a b×b so don't read if uncomfy -Will contain swear and bad words -Expect som...