CHAPTER 58

2.5K 107 43
                                    

A/n: Just wanna say sorry sa sobrang tagal kong hindi nagparamdam. I hope y'all understand and thank you so much sa walang sawang pagsuporta niyo pa din. This is rushed and not edited so bear with the errors, please. Enjoy and happy reading🌻❤️.


Serene

Its the Quadro's 7th birthday today kaya busy kaming lahat sa pag oorganize at paghahanda ng mga pagkain. Hindi ko din kasi inaasahang madaming dadalo dahil mula nung mga nakaraan ay madaming nagbago at madami na ding nakakilala sa mga bata. Ilan na dun ay sina Sir. Joaquin at sila Diana na talagang hindi nakalimutan ang birthday ng mga bata. Maya maya pa ang dating nila kaya madami pa kaming time para makapaghanda. It's been a week magmula nung makalaya sila Mom and Dad at hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala maski na ang mga bata na kasama na namin sila ngayon. Kahit isang taon lamang silang nawalay samin ay parang isang libong taon na din ang katumbas nun para samin.

"Bestfy, di naman sa pinag ooverthink kita ay ayaw kong mastress at ma sad ka ngayon, pero nagtext or chat na ba siya sayo?" saglit akong natigil sa pag aayos ng mga sapin ng tables dahil sa sinabi niya.

Iisang tao lang naman ang tinutukoy niya yun ay kundi ang taong hinihintay kong bumalik dahil ipinangako niya sakin na babalik agad siya. Pero lumipas na ang isang linggo ay wala padin siyang paramdam kaya agad naman akong nag alala. Napabuntong hininga nalang ako at napakurap-kurap.

"Tinanong ko si Sir kahapon sabi niya baka busy lang daw, ewan ko kung busy pa din hanggang ngayon." inis na bulong ko sa huli saka pinagpatuloy ang ginagawa.

"Eh maski siya hindi sure tsk naku talaga bestfy baka mamaya mabalitaan nalang natin kinasal na pala siya sa-"

"Pwede ba itikom mo yang bunganga mo kundi ipapakain ko sayo mga tira tira mamaya! kung ano ano na naman yang iniisip mo tsk. Alam mo ikaw ang sumisira ng mood at araw ko eh." iritang sabi ko.

"Hehe sorry na bestfy syempre nag aalala lang baka mamaya tinakasan na kayo ng-"

"Pwes hindi ko kailangan ng concern mo okay kaya pwede ba umalis kana sa harapan ko dahil naaalibadbaran na naman ako jan sa pagmumukha mo at baka masira pa ang birthday ng mga anak ko." kalmado pero naiinis kong sabi.

"Hehe fine bestfy check ko nalang yung mga foods tikman-"

"Don't you dare Andy mapapanis yung mga pagkain dahil jan sa bulok mong bunganga." sinamaan ko siya ng tingin at napakamot ulo nalang siya at tuluyan nang umalis.

Napabuntong hininga nalang ako at saglit na napahilot sa sentido ko. Ang totoo ay hindi talaga ako nakatulog dala ng pag aalalang baka maski sa birthday ng mga bata ay hindi siya makapunta. Wala din naman akong balita sa kanya kanila Diana dahil maski sila ay hindi alam ang ginagawa nung isa. Nahihiya naman akong kulitin sila saka baka kung ano pa ang isipin at tuksuhin na naman nila ako tsk.

Maya maya ay nagsidatingan na din sila Sir. Joaquin at sila Diana nalang ang hinihintay namin. Nagimbita din ako ng mga friends and classmates ng mga bata kaya binonggahan ko talaga ang party. May ilan ding kasamang employees si Sir kaya mas lalo naman akong nahiya pero natuwa naman sila nang makita ang mga bata. Hindi pa naman nasasabi ni Sir na pamangkin niya ang mga bata at ang kapatid niya ang ama nila. Nagulat ako kanina dahil nagdala din ng ilang pagkain si Sir at di na ako nakaangal pa dahil nandito naman na. May dala din siyang mga gifts para sa mga bata na sa tingin ko ay medyo mahal kaya nahiya naman ako at nag alala dahil baka maspoil lang niya yung apat. Nakilala na din kasi niya ang apat mula nung gabing yun dahil sinabihan din siya nung isa na tignan muna kami habang wala siya kaya minsan ay pumupunta din siya dito sa bahay at nakaka laro niya ang paborito niyang pamangkin na si CK.

"Popsy! Popsy! laro po tayo ng xbox popsy bukas huh!" narinig kong tumakbo si CK palapit kay Sir Joaquin at agad naman siyang nginitian ng isa.

"Of course, yun ay kung papayag ang Mom mo." sabay tingin sakin ni Sir at napabuntong hininga nalang ako.

TTHBF (UNDER REVISION | EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon