CHAPTER 21

1.1K 56 1
                                    

Serene

"Ced, date tayo sa Saturday please, after ng elimination ko sa Billard" pag papa cute ko kay Ced habang nagdadrive. Sinundo na niya kasi ako ngayon hays ilang days ko din siyang hindi nakakasabay tsk kung kelan hindi ko na red days saka lang niya ako uli sinundo tsk.

"Hmm, I'll think about it, Princess" mapanlokong sabi niya kaya hinampas ko siya tsk! Dati naman siya yung nag aaya tas ngayon hmmp!

"Dali na kasi! Lagi ka nalang walang time sakin hmmp!" inis na sabi ko kaya nagcross arm ako saka inirapan ko siya.

"Haha you're so cute talaga hmmp. Fine fine, Saturday is our day so wag ka na magtampo ho" sabi naman niya kaya ngumiti na ako.

"Fine sabi mo yan ha tss" tumango lang siya saka hinalikan ang likod ng palad ko.

I don't know kung anong pumasok sakin bakit inaya ko siyang mag date. Gusto ko kasi ibaling yung atensyon ko sa kanya tsk, ewan ko... pero feel ko may kakaiba kasi sakin pag si bonnet freak yung kasama ko hays. I don't know di ko magets sarili ko tsk kaya ito nalang yung naisip kong paraan para madistract ako at matanggal yung kung anong nararamdaman ko sa kanya.

Nandito na kami sa school kaya pinagbuksan na niya ako ng pinto, tsk naalala ko yung kahapon hmmp! Bwiset siya hindi man lang magpaka gentleman tss.

Kaya ngayon gagantihan ko siya bwahahaha I made some chocolate cake kasi and nilagyan ko ng secret ingredient yun BWAHAHAH! Evil grin*

"Princess, kita nalang po tayo sa uwian ok" tinanguan ko siya saka mabilis akong hinalikan at mabilis na akong naglakad papuntang cafeteria, kasabwat ko kasi yung tatlo haha saka idadamay na din namin si Marcus hmmp!

Pagkarating ko ay nakita ko agad sila at himala kasama nila si kumag, hmmp! Humanda ka sakin ngayon haha!

"Bestfy!! Waaa namiss—" "Baka gusto mong sayo ko isubo ng buo to!" bulong ko sa kanya nung makalapit siya sakin tssk parang kahapon di kami nagkita eh bwiset.

"Hehe, tara na gutom na yung mga baby natin eh ohh see" tinuro naman niya yung dalawa na magkatabi habang si Marcus ay kinawayan ako at yung isa naman poker face lang at nakacross arms na nakatingin sakin.

Hmmp Bipolar talaga, naalala ko yung kahapon na hinatid niya ako sa bahay hays, medyo nag alinlangan akong mag thank you sa kanya dahil ewan nahihiya padin ako tsk. Ewan medyo suplada siya nung time na yun tss napaghahalataang bipolar talaga siya eh, ni hindi manlang ako hinintay na makapag salita at basta nalang siya nag drive pauwi tsk. Pero chinat ko naman siya ng Thank you pero sineen nya lang tss ayos diba bwiset!

"Serene asan na! di na kami makapag wait sa free taste haha!" sabi ni Fiona, gumawa kasi ako ng para samin syempre ayaw ko namang madamay sila sa kalokohan ko hahaha!

"Oo na eto na" agad akong lumapit sa kanila saka umupo, bale kaharap ko ulit siya tss stupid lion.

"Oh, eto para satin mga tres marias" Nilapag ko yung Tupperware sa harap nila agad naman nilang kinuha tsk! Mga PG!!

"Wag niyo ubusin ha kundi nakuu! Malilintikan talaga kayo sakin" banta ko saka kinuha ko naman yung para sa dalawa... hmmp! This is it haha! Sana hindi sila makahalata tsk.

"and for Marcus and Jacey" nilagay ko naman sa harap nila yung Tupperware, tinaasan lang ako ng kilay ni Jacey habang yung isa naman ay naglalaway na yung mata kakatingin sa cake tssk! Kung alam niyo lang bwahahah!

"Wow, you really made this, Serene?" nakangiting tanong ni Marcus kaya tinanguan ko siya habang nakangiti.

"Ubusin niyo yan masarap yan, diba girls!" tanong ko saka kinindatan ko sila tssk "TRUEE!" sigaw naman nilang tatlo, bwiset nilalantakan na nila yung cake hindi pa nga kami nakakapag simula tss!

TTHBF (UNDER REVISION | EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon