CHAPTER 35

2K 54 2
                                    

Jacey

Maaga akong nagising dahil nagpromise ako kay Serene na ipagbebake ko ulit siya kaya papunta ako sa bahay nila ngayon. Inayos ko na yung mga gamit ko pati yung mga ingredients na binili ko kagabi pag uwi.

Naalala ko pa yung pinasuot sa akin ni Serene na bistida ni nanay dahil tsk niloloko lang pala niya ko na meron daw siyang sweatpants eh puro masisikip sa akin yun tsshh!

Kaya ayun pinagtawanan lang nila ko lahat magdamag kagabi nung kumakain kami hanggang pag uwi tsk! at ang mas malala nagphotoshoot pa kami at talagang pinagtripan nila ako ng todo tssh! pasalamat yung boys dahil pakana ni Serene yun kundi baka kagabi palang nakalibing na sila tsk!

Hindi na ako naligo dahil dun nalang ako makikiligo kasi sayang lang sa oras, 5:30 na kasi ng umaga at gusto ko makapagbake na ako habang hindi pa siya nagigising at ako na din ang magluluto ng breakfast namin tssh at least marunong naman akong magprito prito tsk.

"Dustin! take care of our home!" sabi ko saka kinuha na yung susi ng kotse at yung bag saka mga dala ko at naglakad na paalis.

Nagbusina na ako sa tapat ng gate nila at agad akong pinagbuksan ni manong guard dahil kilala naman na niya ako at sinabihan ko na din siya kagabi. Binuksan ko yung bintana at kumaway sa kanya.

"Magandang umaga po manong pogi" nakangiting sabi ko kaya napahaplos naman siya sa buhok niya.

"Magandang umaga, ang aga nang panliligaw natin ahh" nakangiting sabi niya kaya napailing lang ako at nagpark na sa gilid.

Bumaba na ako at kinuha na yung mga gamit ko at nagsalute na kay manong saka ngumiti at naglakad na ako papasok.

"Nanay good morning po" bati ko kay nanay dahil nadatnan ko siya sa living room.

"Oh anak magandang umaga din naku napaka aga mo naman, tulog pa si Serene eh" nakangiting sabi nanay at nilapag ko na yung bag ko sa sofa at binitbit ko na yung paper bag na may lamang ingredients at yumakap na kay nanay.

"Sinadya ko po talaga dahil magbebake po ulit ako nung paborito niya. Nagrequest po kasi yung tigre kaya eto po haha" natatawang sabi ko kaya natawa siya at hinaplos niya yung ulo ko kaya yumuko ako ng unti.

"Naku, napaka sweet mo talagang bata, hindi nga nanliligaw pero grabe naman yung pagiging sweet mo kay Serene, iha. Kaya gustong gusto kita eh naku bukod sa napaka gwapo at ganda mo eh bagay na bagay kayo ng alaga ko haha" napangiti ako saka napailing, tssh I know I'm handsome gorgeous haha!

"Oh siya gusto mo ba tulungan kita?" tanong niya kaya umiling lang ako.

"Hindi na po nay kaya ko naman na po, saka ako na din po magluluto ng agahan namin" nakangiti kong sabi.

"Naku ang sweet talaga, sige na maiwan na kita jan basta tawagin mo nalang ako pag may kailangan ka ha?" tumango ako habang nakangiti saka naglakad na papuntang kitchen at nilapag yung paper bag sa tabi ng sink.

Nagstretch muna ako ng katawan saka kinuha na yung speaker at phone at nilapag ko sa may lamesa saka nagpatugtog. Hininaan ko lang dahil mageecho kasi sa buong paligid at baka magising pa si Serene. Nagtanggal ako ng damit dahil gusto ko laging nakahubad ako pag nagluluto dahil mainit, nakasportsbra naman ako sa loob at naka sweat pants lang ako.

Sinuot ko na yung black apron at hinanap ko yung pantali ko sa loob nung paper bag pati dun sa mga gamit ko pero wala at nahagip ng mata ko ang isang plain black hair band kaya no choice kundi yun nalang ang nilagay ko sa buhok ko tssh.

Tinignan ko yung oras at 6 na, 1 hr lang naman dahil tag 30 mins lang naman mabake yung banana cake at brownies saka nagsimula na ako at bawat galaw ko ay sumasabay ako sa tugtog kaya medyo napapasayaw ako at napapakanta.

TTHBF (UNDER REVISION | EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon