CHAPTER 23

1.2K 47 2
                                    

Serene

"Huy! Bestfy tulala ka na naman" tawag pansin sakin ni Andy, nandito kasi kami sa Cafeteria and sa kanila ako sumabay kanina dahil buti nalang hindi ako ginulo ulit ni Cedrick.

"Oo nga Serene, pansin naming na kanina ka pa walang imik, ano bang meron may nangyari na naman ba?" tanong ni Karen kaya umiling ako saka bumuntong hininga.

"It's nothing guys, don't mind me" sabi ko saka nginitian ko sila ng tipid.

Totoo niyan hindi talaga ako nakatulog ng maayos kagabi kasi... kasi iniisip ko siya. Lahat ng sinabi niya sakin kagabi ay lalong nagpawindang sa isip ko. Hindi ko alam kung anong gusto niyang iparating pero... pero samut saring feelings yung hinahatid niya sakin habang sinasabi yung mga salitang yun.

I don't know... I'm getting confused...

"Hay nako, inalagaan mo lang siya kahapon nagka ganyan kana tsk" sabi ni Fiona kaya napacross arms nalang ako.

Naikwento ko kasi lahat sa kanila yung nangyare kahapon... liban dun sa mga sinabi niya and yung scenario namin sa bed... tsk private matter kasi yun mamaya kung ano pa isipin nila hays.

"Wala inaantok lang ako kaya ganito" bored na sabi ko kaya nagtinginan lang silang tatlo tss. Wala pa kasi si Marcus bumibili pa ng food nila ni Andy.

"Sus bakit naman eh diba maaga ka naman niyang naihatid pauwi" sabi ni Karen habang nakangiti ng nakakaloko.

"Tsk, basta wag na kayong magtanong ok, sinisimulan niyo na naman ako eh tss." inis na sabi ko kaya napasuko nalang sila.

"Ohh, here comes the person who occupies Serene's mind." nakangiting sabi ni Fiona kaya napalingon ako sa tinutukoy nila.

Pansin ko ang pagtigil ng mga nasa paligid ko... and there she is... looking at me, straightly in the eyes.

Tug dug... Tug dug...

She never dares to look around coz she's focus on me that makes me feel those butterflies again in my stomach.

Just like yesterday... when she speaks those sweet words... as her captivating sincerely eyes are staring at me.

"Akala namin hindi ka pa papasok, magaling kana ba?" natauhan ako nung magsalita si Karen at pinaupo naman ni Fiona si Jacey sa harap ko. Agad akong napaiwas ng tingin nung lumingon siya sakin.

Shit...

"I'm fine now... 

and it's because of Serene, who took care of me the whole day" napatingin ako sa kanya at pansin ko ang maaliwalas na awra niya ngayon. Pansin ko naman ang pigil hininga ng mga kasama ko, hmmp bahala kayo jan.

Her eyes are neutral again, I don't know if she's happy or what pero base sa tono niya ay... masaya siya.

"Yow prima! akala ko magkukulong ka na naman sa kwarto mo magdamag eh" naputol yung titigan namin nung dumating si Marcus.

Iniwas ko nalang yung tingin ko at sumandal nalang sa upuan.

"Whatever Primo" bored na sabi ni Jacey saka nagcross arms. Pansin ko naka complete uniform siya ngayon, hmmp.

Gusto ko sanang tanungin kung mainit pa ba siya or uminom ba siya ng gamot tsk kaso nahihiya ako baka kasi asarin na naman ako nung tatlo.

"So, what's our business here?" nakangiting sabi ni Marcus, buti pa to masayahin di gaya nung isa tsk, bagay na bagay talaga sila ni Andy parehas maligalig.

At same din kayo parehas mainitin ang ulo...

Whatever!!

"Wala naman... ay BTW Jacey alam mo na ba na magkakaroon tayo ng 1 week field trip sa tagaytay next week?" tanong sa kanya ni Karen.

TTHBF (UNDER REVISION | EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon