WARNING!!Pasensya na kung Masyadong mababago. xD Pero as you can see, this is only a fan fiction and a parody!
Kenjie's Point Of View
Bumuntong hininga ako.
Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa nangyari kay Abigail. Hindi ko inaasahan na mangyayari sa kanya 'to. I thought it was all over. Akala ko ay successful na.
Napatingin ako kay Athena na kasalukuyang nagpapamigay ng lugaw.
Nginitian nya ang matanda, saka binigay ang dala nito.
Pinagmasdan ko ang umiiyak na ina ni Abigail. She's still crying over the death of her daughter.
Noong tinuloy ni Abigail ang operasyon, hindi ito naging successful kaya ayun, namatay. Pangatlong gabi n'ya na ito ngayon. Sa sabado ay ililibing na.
Tatlong gabi na ring walang pahinga si Athena sa pamimigay ng lugaw sa mga naki-ramay.
"Athena." Tinawag ko sya. Saka naman sya lumingon at lumapit.
"Hindi ka ba napapagod?" Tanong ko, ngumisi naman sya sakin, bakit sya ngumingiti?
"Alam ko na yan eh..." Namula ang pisngi n'ya. Batid ko ang pag-iwas n'ya ng tingin at mukhang nahihiya. "K-Kasi maghapon akong tumatakbo sa isip mo?" Nakagat n'ya ang labi n'ya.
"Huh? Ang ibig kong sabihin, hindi ka ba napapagod, kanina ka pa nagpapamigay ng lugaw." Kunot noong sagot ko. "Ang tanga nito.."
"Ah.. ganun ba, hindi naman, para naman ito kay Abigail eh." Nakita kong lumungkot ang mukha nya. "Parang kelan lang buhay pa sya."
Napatango na lang din ako sa sinabi nya, pagkatapos mamatay ni Abigail, marami na din ang nangyari, sunod sunod pa.
Si Jigs ayun, naawa nga ako sa kanya eh, lagi na kasi syang nagkukulong sa kwarto n'ya, ang alam ko nagaadik na s'ya, minsan ngang pumunta kami dun, eh ang pula pula pa ng mata nya at parang luluwa na din, hindi ko sya masisisi, minahal nya kasi si Sarah. at si Sarah? Si sarah.. nag-asawa ng isang matandang Koreano. Lahat kami ay hindi alam kung bakit n'ya nagawa iyon, pati na rin si Athena hindi nya alam kung anong napasok sa isip ng kaibigan nya.
Tho I think it's because of the fortune, but who am I to judge? Baka naman mahal n'ya lang talaga? I don't know and I don't care.
"AHHHHHHHHHHHHHHH!" Nagulat kami ng biglang may nagsisigaw na babae at tumakbo ito palabas. "SUNOG! SUNOG!"
"OH MY GOSH!" Sigaw ni Athena at hinila ako.
Agad naman kami napatingin sa isang parte ng lugar na nasusunog.. ang masama pa nito, ay nasusunog na din ang kabaong ni Abigail, wala kaming nagawa kundi ang umalis.
Nakatingin na lang kami sa nasusunog nilang bahay.
Nagulat pa ako ng masira ang kabaong ni Abigail at bumagsak ang katawan n'ya, para syang buhay na nahulog lang sa kama.
Hanggang sa nasusunog na ang buong katawan nito, Huli na ng dumating ang fire ambulance. Nilamon na ng sunog ang buong kabahayan at pati na rin ang kawawang katawan ni Abigail. Kawawa naman sya.
Napatingin ako sa iba, habang nasusunog si Abigail, nagpapatuloy pa rin sila sa pagkakaraoke, at yung iba ay nagsusugal, at nagkakainan pa rin. mga bulag ba sila?
"ANG ANAK KO!!" Umiiyak na sigaw ng isang babaeng nasa 40s. Si tita Ann Tenna. Oo, 'yun nga ang pangalan n'ya, kaya magtataka pa ba kayo kung saan nakuha ni Athena Abigail ang pangalan nya?
BINABASA MO ANG
She's Dating the Gangster! [Ending Parody]
FanfictionAno kaya ang mangyayari kung naging tagumpay ang operasyon ni Athena? at kung may mga Big Twist na naganap?