Cousin Series #1: Chasing Her. (complete)
Noah De Castro.
Chey Astrid.
This story contains spoilers for Cousin Series #1.DISCLAIMER: This is a work of fiction. Characters, businesses, places, events, and incidents are just the author pure imaginations. The names i used for CS girls are just my friends' name.
★★★
Banas akong lumabas ng bahay dahil nagkasagutan kami ni Mommy. Kailangan kong magrelax.
"Ahh! Badtrip!!" asik ko saka hinampas ang manibela ng sasakyan.
I don't know what to do! Napagdesisyonan kong pumunta sa bar ng isa sa mga kakilala ko. Ayaw kong tawagan ang mga pinsan ko dahil may mga sarili rin silang problema lalo na si Chey.
Si Chey ang pinaka close ko sa apat, hindi naman sa favoritism siguro dahil matagal kaming nagkasama ni Chey kaysa sa tatlo.
"Uy 'te! Wala kang kasama?" bungad sa'kin ni Vince pagpasok ko sa loob ng bar.
"Obvious ba?" pambabara ko. He just rolled his eyes.
"Oh teka ikukuha kita ng maiinom." saka siya umalis sa harap ko.
Hindi ko alam ang tunay na kasarian ni Vince basta ang sabi niya ay straight siya. Hindi niya sure.
I turned off my phone para hindi ako makontak ng mga pinsan ko if ever na hanapin ako sakanila.
Nilapagan ako ni Vince ng bote ng beer at saka naupo sa tabi ko.
"Lolobo na ang tiyan ko kakabeer!" reklamo ko sakan'ya.
"Ay ang arte! Maganda kaba?? Libre ko na nga 'yan sa'yo huwag kana magreklamo!"
Pumunta ako malapit sa bartender para manghinge ng margarita. Iniwan ko si Vince doon sa inuupuan namin. Wala akong gana makipag-usap.
Nilagok ko ang margarita saka kumuha ng isang bote ng alfonso para bumalik kay Vince.
"Ay 'te! Gago ka may trabaho ako!" reklamo niya pero siya naunang tumungga ng alak.
Hindi pa namin nauubos ang bote ng Alfonso ay umiikot na ang mundo ko. Iniwan na rin ako ni Vince dahil kailangan niya pang magtrabaho.
"Alone?" sabi ng lalaki at tumabi sa'kin.
"Hindi ba obvious?" Hindi ko siya pinansin at lumagok ulit ng alak.
Narinig ko ang pagtawa niya kaya lumingon ako sakan'ya. Halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang makita siya.
Thick eyebrows, tayong tayo na pilikmata na akala mo ay sto. niño, brown eyes, pointed nose, heart shape lips.
Makalaglag panty ampota!
"Are you done examining my face?" iniwas ko naman ang tingin sakan'ya at lumagok ulit ng alak.
Tumayo na ako dahil ayaw akong lubayan ng lalaking tumabi sa'kin. Hindi pa ako nakakahakbang ay muntikan na akong matumba mabuti nalang ay nasalo niya ako.
Narinig ko pa ang pagmura niya kaya napatitig ako sa mukha niya.
"Gwapo mo.." Hinalikan ko siya sa labi na agad niya namang pinatulan. Wala pa sana akong balak lumayo kaso siya na ang lumayo kaya napanguso ko.
"Why?? Am i not a good kisser??"
"Give me your address.. Ihahatid na kita." Hindi niya pinansin ang tanong ko.
"Sagutin mo ako!"
"Hindi ka naman nanliligaw." He said while laughing. "You're a good kisser honey."
"Then kiss me!" ngumuso pa ako para mahalikan niya. Natawa lang siya sa ginawa ko.
"You're drunk.. Ayain mo akong halikan ka kapag nasa tamang pag-iisip kana." mas lalong humaba ang nguso ko sa sinabi niya. Nasa tamang pag-iisip naman ako ha!
Binuhat niya lang ako at hindi ko alam para akong tanga na nakangiti habang nakatingin sa mukha niya.
Lakas ko naman kay lord may sumundo sa'king hottie!
I touch his nose down to his lips. Naglabas siya ng malakas na buntong hininga.
"God! Save me from this woman..." rinig kong bulong niya kaya napahagikgik ako.
Nagising ako dahil sa may humahampas sa'kin na kung sino!
"Gumising ka diyan bruha ka! Pinagalala mo kami!" Napabangon ako dahil sa boses ni Chey. Hindi ko ininda ang sakit ng ulo ko.
"Aray ko! Potangina naman!" sigaw ko dahil ayaw pa rin itigil ni Chey ang paghampas sa'kin.
Nang itigil niya ay taka akong tumingin sakanila ni Noah at alam kong hindi ko ito kwarto fvck!
"Nasaan naman ako? Anong ginagawa niyong dalawa rito?" pagtataka ko.
Tumingin sa'kin si Chey na parang hindi makapaniwala sa'kin.
"Wala kang maalala ha? Ginamit mo lang naman ang kalandian mo kapag nalalasing." Agad akong tumayo nang maalala ang kagagahang ginawa ko kagabi. Tangina!
Tumakbo ako palabas ng kwarto dahil sa hiya.
"MAUUNA NA AKO! SUSUNOD AKO SA SCHOOL!" sigaw ko para tuluyang makaalis.
Halos sabunutan ko ang sarili ko palabas dahil sa ginawa ko kagabi. Nanghalik lang naman ako ng hindi ko kilalang lalaki!
Mabuti ay mahal pa ako ni lord dahil hindi manyakis ang lalaking hinalikan ko pero pumatol siya sa halik ko! Gusto ko nalang umiyak!
YOU ARE READING
LOST IN YOUR NEVER ENDING PARADISE (cousin series #2)
RandomNOTE: "THIS SERIES IS NOT A FAMILY STROKE OR INCEST, TRY TO READ FIRST!" COUSIN SERIES 2.