CHAPTER 3

5 1 0
                                    

★★★

"It's okay Philo.. Don't mind your mother." pag-aalo ni papa sa'kin.

Wala naman akong choice kung hindi, maging okay. Lagi naman nangyayari 'to.

"I'm fine Pa! Napuwing lang ako." sabi ko at kumalas sa yakap niya.

Naglabas siya ng buntong hininga, "You can't lie to me Philo."

"Hahahaha ayos lang po talaga!" natatawa kong sambit, "Baka hindi po ako dito magtanghalian Pa.. May pupuntahan lang."

"Sige. Ako na ang bahala sa Mommy mo. Mag-iingat ka." aniya at iniwan ako.

Wala sana akong balak siputin si Nikolai pero dahil sa nangyari may rason na akong sumama sakan'ya!

Bwiset namang buhay 'to oh!

Lumipas ang oras ay nagkulong lang ako sa kwarto. Nang dumating ang oras ng tanghalian ay nagbihis lang ako ng off shoulder knee length dress. Nagdala rin ako ng sling bag.

NGM;
Nandito ako sa labas niyo.

Halos takbuhin ko ang palabas sa bahay dahil sa message niya. What if makita siya ni Mommy?! Panibagong issue na naman kung sakali!

"Ah, yes po tita... Magpapasama lang po." Rinig kong sagot ni Nikolai.

Huli na ako dahil magkausap na sila ng Nanay ko. Lumingon sa'kin si Mommy at binigyan ako ng makahulugang ngiti.

"Mag-iingat kayo Nikolai." Ani Mommy at hinalikan ako sa pisnge bago pumasok sa loob.

Naestatwa lang ako sa kinatatayuan ko dahil sa ginawa ni Mommy. Unang beses na halikan niya ako bilang paalam. I feel so special..

Nawaglit lang din 'yon dahil alam kong isa lang 'yon sa mga palabas dahil alam niyang nandito si Nikolai.

"Hey, why are you crying?" Hinawakan niya ang balikat ko kaya napalayo ako.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako bwiset!

"A-ah wala! Napuwing lang.." Ani ko at nagmadaling pumasok sa kotse niya.

Kahit takang taka si Nikolai sa kinilos ko ay pumasok na rin siya sa loob ng sasakyan.

"Where do you want to go?" tanong niya.

"Kahit sa jabee nalang. Magl-lunch lang naman."

"Jabee?"

"Oo.." ani ko at tumingin sakan'ya.

Nakakunoot ang noo niya kaya nagtaka ako.

"What's with that face?"

"Uh? I don't know what jabee is.." Aniya kaya humagalpak ako ng tawa.

"Omygod! It's Jollibee.. Stupid!" Inirapan niya lang ako kaya natawa ako lalo.

"Mas maganda ka lalo kapag tumatawa." Napatikom ako ng bibig at tinuon ang tingin sa bintana. Fvck!

LOST IN YOUR NEVER ENDING PARADISE (cousin series #2)Where stories live. Discover now