★★★
"May something talaga kay Noah saka Chey eh." bungad ni Dale sa'min habang nakatanaw kay Noah at Chey na nasa backstage.
Nakapuwesto kami sa pinaka harap at nakakandong sa'kin ang kapatid ni Noah. Naging instant yaya tuloy ako dito! Mabuti nalang magaan siya.
"Issue mo 'te, pero true lang ha." sagot naman ni Alsy.
"Hindi na ako magugulat kapag nag-announce 'yang dalawa na sila na." singit ko sa usapan nila.
Pumuwesto na si Selah sa harap kasama si Wade. Tuwing may ganap dito sa School si Selah saka Wade nagiging emcee o kaya announcers.
“The competition is going to start any minute from now. All the contestants and the guest are invited to come inside the gym and take your seats. Thank you.” panimula ni Wade.
Nilibot ko ang tingin ko sa loob ng gym at nadako ang tingin ko sa lalaking nakasumbrero at shades. Hindi naman tirik ang araw sa loob ng gym bakit naka shade?! Pangit naman ng style niya.
Nagulat ako ng dumako ang tingin niya sa'kin. Binaba niya ang shades niya at kumindat pa gamit ang mata niyang may black eye kaya napangiwi siya sa sakit. Binalik ko ang tingin sa harap dahil mag-uumpisa na.
What the heck is he doing here?! Oo nga pala pwede ang outsider dahil apat ang school na nandito.
“A very good morning to all of you. On behalf of the organising committee, we are pleased to welcome all of you to our school who is responsible for this year competition. I would like to ask permission to start on the program. For your information, there are 5 schools altogether who participate in this year beauty pageant.” Ani Selah at halos yumanig ang buong gym sa sigawan ng mga estudyante sa loob ng gym. Parang nanonood lang kami ng basketball dahil sa tilian nila.
Hindi ko na alam ang sunod na sinabi ni Selah dahil dinaldal na naman ako ni Alsy.
"Alam mo ikaw? Napansin ko para kang aligaga simula ng sunduin ka ni Chey sa apartment ng hindi mo kilalang lalaki." inemphasize pa ang salitang hindi mo kilalang lalaki.
"Huh? Pinagsasabi mo?" Taas kilay akong bumaling sakan'ya.
"You can't hide anything to me Sage."
"Lakas ng tama mo! Kulang ka lang sa tulog." Ani ko at tinapik ang balikat ko para patulugin siya roon.
Sasagot na sana siya kaso nagsigawan ang mga tao kaya tumingin kaming dalawa sa harap. Halos madurog ang braso ko dahil sa kakahampas ni Alsy, kinikilig kila Noah at Chey.
"They're so bagay talaga." napatingin ako kay Nathan na kandong kandong ko.
"Lakas maka aldub!" sigaw ni Dale. Tumawa lang kami ni Alsy pati si Selah na nasa stage mukhang narinig ang sigaw ni Dale.
Parang lumindol sa loob ng gym dahil sa sigawan ng mga estudyante nang matapos ang performance nila. Lakas ng chemistry nilang dalawa.
Nagsilabas na ang mga tao sa gymnasium dahil may lunch break na 15 minutes. Ipinabantay ko muna kay Alsy si Nathan dahil naiihi na ako.
Tumakbo ako sa comfort room. Nang matapos ay nag-ayos ako ng sarili sa salamin dahil ang haggard ko na.
"Ay anak ka ng nanay!" Nagulat ako sa biglang paghigit ni Nikolai sa kamay ko.
"Bitawan mo ako! Sinusundan mo ba ako?!" asik ko sakan'ya nang bitawan niya ako.
"May utang kapa sa'kin. Kailangan mong bayaran ang ginawa mo sa'kin."
YOU ARE READING
LOST IN YOUR NEVER ENDING PARADISE (cousin series #2)
RandomNOTE: "THIS SERIES IS NOT A FAMILY STROKE OR INCEST, TRY TO READ FIRST!" COUSIN SERIES 2.