★★★
Walang nagbago sa nagdaang dalawang linggo. Kain, tulog, school, paulit-ulit na routine nagmumukha na tuloy akong tamad. Madalang nalang din kami magkita ni Nikolai simula noong inaya niya ako sa kaarawan ng kaibigan niya."Lalim ng iniisip ah? Hindi kapa ba lunod?" pang-aasar ni Hazel.
Nandito kami sa cafeteria dahil breaktime malamang. Matapos ang pagsabog ng ulo namin kanina sa patest ng bruha naming prof ginutom ang bruha kong kaibigan.
"Gusto mo ikaw lunurin ko?"
Inirapan ko lang siya at wala lang ito sakan'ya dahik naupo pa siya sa tabi ko nangalumbaba habang nakatingin sa'kin.
"Hindi ko na masyadong nakikita 'yong sugar daddy mo. War kayo?"
Nakatitig lang siya sa akin at parang tangang nagpapacute. Kung hindi ko lang siya kaibigan kanina ko pa siya nasampal.
Hindi ko naikuwento kay Hazel ang nangyari sa'min ni Nikolai, kahit ang mga pinsan ko ay wala ng alam sa ganap ko sa buhay.
"Shala kung ako sa'yo, liligawan ko na 'yang si Nikolai. Walking green flag 'te!" Aniya ng matapos kong ikuwento sakan'ya ang nangyari.
"What does he mean to Fuck off she's mine, siya lang ba dapat tumikim sa'kin ganun ba 'yon?"
"Ang tanga mo na nga sa computation ang tanga mo pa dito. Hindi ko naman alam na sinalo mo na lahat ng katangahan." Aniya at umayos ng upo. Gusto ko siyang suntukin sa sinabi niya pero hindi ko naman talaga naintindihan ang ibig sabibin ng sinabi ni Niko! "It's either gusto ka niyang makasex or may gusto siya sayo."
"Hindi na ako magtataka kung bakit magkaibigan tayo." ani ko at inirapan siya. Ginawa niya lang sosyal 'yong sinabi kong tikman.
"Bakit? Baka may gusto talaga siya sa'yo!" Ulit niya pa.
May pumukaw sa'min habang nag-uusap kaming dalawa. Hindi ko siya kilala pero sa palagay ko ay freshmen ito.
"Ate may naghahanap po sainyo." Aniya at tinuro ang lalaking agaw atensyon na nasa entrance ng cafeteria.
"Speaking of your sugar daddy. Miss kana yata." Ani Hazel at nginuso si Nikolai na naghihintay.
"Sige, salamat." Ani ko sa babae.
Nagpaalam ako kay Hazel para puntahan si Nikolai na prenteng nakatayo sa labas ng cafeteria.
"What are you doing here?" I asked. Bawal ang outsider.
"I came here to see you." Diretso niyang sagot. Alam ko namang kamiss miss ako, ganito ba naman ako kaganda?! Char.
"You don't have a class?"
Alam ko may klase pa siya ng ganitong oras eh. Nagtataka lang ako kung paano siya nakapasok dito. Umiling lang siya sa'kin bilang sagot.
"May gagawin ka ba after class?"
May gagawin ba ako? Inisip ko mga gawain ko at lahat sila ay matagal pa ang deadline. Umiling naman ako. Mag-aaya na sana ako mag-inom sa mga pinsan ko kaso baka may gagawin sila kaya wala talaga akong gagawin bukod sa tumunganga sa kisame.
"Okay then, see you later." He said then walked away. Hindi hinintay ang isasagot ko.
Habang nagkaklase ay hindi ako mapakali sa upuan ko. Hindi ko alam naeexcite ako sa pagkikita namin ni Nikolai.
YOU ARE READING
LOST IN YOUR NEVER ENDING PARADISE (cousin series #2)
RandomNOTE: "THIS SERIES IS NOT A FAMILY STROKE OR INCEST, TRY TO READ FIRST!" COUSIN SERIES 2.