CHAPTER 4

6 1 0
                                    

★★★

Nang matapos ang klase ay dumiretso kami ni Hazel sa cafeteria. Balak namin kumain sa classroom kaysa makipagsiksikan dito.

"Ikaw na ang mag-order!" sabi ko sakan'ya.

Binigyan ko na siya ng pera na kasama siya para wala na siyang reklamo. Nilibot ko ang tingin sa loob at natanaw ko si Chey na parang tangang kinakausap ang sarili.

"Huli ka balbon!" Muntikan pa siyang malaglag sa upuan niya dahil sa panggulat ko.

Nag-usap lang kaming dalawa at alam kong may gusto na 'to kay Noah, indenial lang. Pustahan after week malalaman kong sila na. Nagsinungaling pa akong galit ako kay Nikolai pero ang totoo ay hindi. Magkaibigan na nga yata kami n'on eh.

Alam kong mang-aasar lang sila kapag sinabi kong nagkasama kami ni Nikolai noong sabado.

Nagpaalam na ako para umalis dahil nakita ko si Hazel na naghihintay sa labas ng pinto.

Nakarating kami ni Hazel sa classroom at as i expected kaming dalawa lang ang tao sa room.

"Grabe! Amoy putok sa pila kanina!" reklamo ni Hazel ay kumagat sa burger na hawak niya.

"Kaya nga ikaw pinapila ko."

"Kung hindi lang libre 'yon, hindi na ako pipila!" reklamo niya pa.

Hindi ko nalang siya pinansin at nilantakan ang pagkain ko. Nagulat pa ako sa biglang pag-ring ng selpon ko.

"Sino 'yan?" Nagkibitbalikat ako dahil hindi ko naman kilala. Unknown number.

"Hello? Who's this?" Panimula ko at ininom ang juice na binili no Hazel.

["Kumain kana?"] nadura ko kay Hazel ang iniinom ko dahil sa boses ni Nikolai.

Sobrang sama ng tingin sa'kin ni Hazel kaya nagpeace sign ako. How did he get my number?!

"How did you get my number? Stalker ba kita?"

["Sort of... Kumain ka na ba?"]

"I'm eating!" Ani ko at binaba ang tawag. Humarap ako kay Hazel at halatang sasapakin na ako.

"Gago ka! Wala akong extra shirt!" aniya at puputok na ang ugat sa ulo.

"Sorry.... Papahiramin kita, may extra ako sa locker."

Pumunta kami ni Hazel sa locker para pahiramin siya ng shirt. Hindi ko naman sinasadya na bugahan siya.

"Kapag nilanggam ako, kakagatin kita!" aniya.

"Kadire ka!" Binato ko sakan'ya 'yong t-shirt para makapag bihis na siya. Sinamahan ko rin siya sa restroom baka kasi mawala kawawa naman.

"Bagay sa'yo." Ani ko nang makalabas siya. Inirapan niya lang at nilagpasan kaya hinabol ko siya para makasabay.

Lumipas ang oras na puro lesson lang ang ginawa. Muntikan pa akong mabato kanina dahil nakatulog ako!

"Ayos ka ha, sa room ka natutulog. Bahay mo?" pang-aalaska sa'kin ni Hazel nang matapos ang klase.

"Inggit ka? Matulog ka rin." inirapan ko siya.

Sabay kaming naglakad palabas. Hindi ko nakakasabay ang pinsan ko dahil si Chey hinahatid sundo yata ni Noah, 'yong tatlo hindi ko alam kung nasaan pero panigurado si Dale may lalaki na naman.

LOST IN YOUR NEVER ENDING PARADISE (cousin series #2)Where stories live. Discover now