★★★
Nawaglit ang iniisip ko dahil sa biglang pagsulpot ni Hazel sa harap ko.
"Iniisip mo na naman ba ang kagagahan mo tuwing nalalasing?" Inirapan ko naman siya. "Kalimutan mo na 'yon hindi naman na yata magk-krus ang landas niyo." dagdag niya pa.
Isang linggo na ang nakakalipas simula ng mangyari 'yon at hindi ko na masiyadong nilalasing ang sarili ko dahil baka maulit na naman. Abala si Chey para sa pageant at ang tatlo ay hindi ko alam kung nasaan.
"Ditch tayo!" nabatukan ko si Hazel dahil sa pag-aaya niya.
"Gago ka! Baka magalit sa'kin Nanay ko."
"Charot lang naman! Aayain lang kita sa bilyaran saka wala tayong klase kaya ayos lang 'yan." Hindi pa ako pumapayag ay hinila na ako ni Hazel sa likod ng school para doon lumabas.
Tuwang tuwa pa siya nang makalabas kami at ako ay parang lalabas na ang puso sa kaba. Paano kapag may nakakita sa'min?!
"Tara na!" Hinila ako ni Hazel sa hindi ko alam na eskinita at pumasok sa isang bahay yata.
Bumungad sa'kin ang usok na nagmumula sa sigarilyo pagpasok palang namin. Pumasok kami sa isa pang pinto at tumambad sa'kin ang mga lalaki saka babaeng naglalaro ng billiard. Halatang puro mayayaman ang nandito dahil sa tindig at mga alahas na suot. Mabuti ay hindi sila naholdap.
Pumuwesto kami ni Hazel sa billiard table na walang naglalaro at binigyan niya ako ng cue stick.
"Pustahan tayo! Kapag natalo mo ako, ililibre kita ng kahit anong gusto mo sa isang buwan kapag naman natalo kita, ikaw ang manlilibre sa'kin." Ani Hazel.
"G! Makakatipid din ako ng isang buwan." Ani ko.
Inayos niya ang mga bola at nagbato bato pick pa kami kung sino ang mauunang tumira. Pumuwesto na ako sa gitna dahil ako ang nanalo. Tumuwad na ako para sana tumira pero tumalon lang bola dahil may poncio pilotong humampas sa pwet ko.
"Bastos ka ha!" Ani ko at sinapak siya. Ayon bagsak.
Tumayo siya habang hawak hawak ang mata niyang sinapak ko.
"Hindi mo naman kailangang manuntok! Aray! S-sorry akala ko kapatid ko.." Aniya at kumamot pa sa batok.
Nanggagalaiti kong kinuha ang kwelyo niya.
"Whoa whoa kalma miss... Hindi ko sinasadya." aniya at tinaas pa ang dalawang kamay.
Nilingon ko si Hazel na tuwang tuwa sa panonood sa'min. Nilingon ko ulit ang lalaki at halos takasan ako ng dugo ng mamukhaan siya! Fvck! Tinulak ko siya para makalayo sa'kin dahil para akong aatakihin sa puso.
"Sa susunod maniguro ka muna! Manyak!" sigaw ko sakan'ya. Nagulat pa ako ng lumapit siya sa'kin.
"Yes, honey..." he whispered to my ear.
Lumayo ako sakan'ya at hinila si Hazel palabas ng bilyaran. Hindi ko alam kung dapat na ba akong mahiya dahil nagkita kami ulit o dapat ba akong mabwiset dahil hinampas niya ang puwet ko!
"Nakita ko 'yon 'te!" Si Hazel na abala sa paghabol sa'kin. Hindi pa ako nakakasagot nang may tumawag sa'kin.
"What are you doing here? Oras pa ng klase." Halos takasan ako ng dugo nang makita si Mommy si harap ko.
YOU ARE READING
LOST IN YOUR NEVER ENDING PARADISE (cousin series #2)
RandomNOTE: "THIS SERIES IS NOT A FAMILY STROKE OR INCEST, TRY TO READ FIRST!" COUSIN SERIES 2.