File 22
[MAXENE's POV]
Nagising ako at pamilyar ang lugar na 'to. Hindi ako pwedeng magkamali.
Bigla kong naalala ang mga nangyare sa amin ni Mico habang nasa byahe kami kaya bigla akong napabangon.
"Ouchh!" Naramdaman kong sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako sa ulo ko. May bandage na nakalagay. May mga sugat din ako sa katawan.
Tumingin ako sa paligid.
Nasaan si Mico?
Tinanggal ko ang mga nakakabit sa akin na sweros at lumabas.
Pumunta ako sa Information Area para ipagtanong kung nasaan si Mico. Sinabi na sa akin kung nasaan si Mico. Bago ko siya puntahan ay pinuntahan ko muna si kuya.
"Kuya?" Sabi ko nang makapasok ako sa room ni kuya pero nakita ko ang doctor niya na nakatayo katabi ng kama niya.
"Doc ano na pong lagay ni kuya?" Tumingin naman si doc sa akin.
"Medyo umaayos na ang kundisyon ng kuya mo. Buti nalang ay naagapan. Hindi na din kita nakausap pa kasi nabalitaan kong naaksidente ka nung isang araw. Kamusta ka na?" Nung isang araw pa akong tulog?
"A-ayos na po ako doc. Sige po kakausapin ko po muna ang kuya ko." Pagkasabi ko niyon ay lumabas na din si doc at naiwan ako sa loob.
"Kuya sorry ah. Ang tagal kong hindi ka nakausap. Alam mo ba kuya, habang papunta kami dito ni Mico, nabangga kami and good thing kasi umayos na ang kalagayan mo. Kuya pupuntahan ko lang po si Mico ah. Nasa ICU pa din po kasi siya eh. Feeling ko kasi kasalanan ko kung bakit siya nandoon. Dapat ako iyong nandoon eh kung hindi niya lang ako niyakap. Saglit lang ako kuya. Promise. Labyu kuya." Hinalikan ko sa noo si kuya at umalis na para puntahan si Mico sa ICU.
Habang papalapit ako nang papalapit sa ICU, bumibigat ang bawat paghakbang ko. Nakita ko sa ate Mady sa labas ng ICU. Nginitian niya lang ako at pinapasok sa loob.
Nanghina ako nang makita ko si Mico na nasa hospital bed at ang daming nakakabit sa kanya. Ang dami niya ding sugat sa katawan compare sa akin.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na hindi umiyak. Sobra akong nasasaktan.
Umupo ako sa upuan na katabi ng higaan niya at yumuko. Sobra-sobra ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Sana hindi ikaw ang nandyan ngayon. Sana ako ang nandyan. 'wag ka naman ganyan. Mas okay pa sa akin na ako ang nandyan kesa ikaw. Mas masaya pa ako kung ganoon ang mangyayari." Tuloy-tuloy lang ang pagpatak ng mga luha ko.
Bigla kong naramdaman na gumalaw ang kamay niya kaya tumawag ako ng doctor para tignan ang lagay niya.
Masaya ako kasi gumalaw na siya.
"Ayos ka na ba Maxene?" Sabi ni ate Mady kaya lumingon sa kanya.
"Opo ate pero mas magiging maayos ako kung ako ang nandoon sa hinihigaan ni Mico ngayon. Na sana ako nalang yung may mas malalang damage sa katawan." Naramdaman kong niyakap ako ni ate Mady.
"Sshh. Wag kang magsalita ng ganyan. Magiging maayos din siya." She's trying to calm me down pero tuloy-tuloy pa din ang pagbagsak ng luha ko.
Lumabas na ang doctor sa loob ng ICU at kinausap si ate Mady. "Ma'am hinahanap ka po ng kapatid mo and he's fine now."
Agad na pumasok sa loob si ate Mady at sumunod ako.
Tinitignan ko lang silang dalawa at natutuwa ako na maayos na ang kalagayan niya.
"Grabe ate. Ano ba? Ang ingay at ang drama mo pa din.."
"Loko ka talaga. Nandito ka na nga't lahat-lahat inaaway mo pa din ako. Bad brothaaaa.."
"Hahaha ahm ate. Who's that girl beside you? May bago kang chix na irerecommend sa akin?" With that napaiyak na naman ako.
"Really brothaaaaa!!!"
"Sino ka ba?"
BINABASA MO ANG
[MMR] My Mr. Right ♥o♥ (ON-HOLD)
Fanficminsan sa buhay natin, hindi lahat nang nakikilala natin, nagiging permanente. May mga taong dumarating, para pasayahin tayo. May mga ilan-ilan namang dumating para paiyakin at saktan tayo. At may mga tao ding dumating para iwanan tayo.. pero kahit...