File 20- Adobo
[MAXENE's POV]
"Hello? ... " sabi ko pagkasagot ko ng tawag.
Hindi ako makapagsalita dahil tuloy-tuloy ang pagsasalita ng nasa kabilang linya. Natulala din ako at hindi ko alam kung paano ako gagalaw dahil namanhid ang buong katawan ko.
"Maycee anong nangyayari? Sino ang kausap mo? Bakit?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Mico. Bigla ko nalang nahulog ang cellphone ko at hindi ko pala namalayang tumutulo na pala ang luha ko.
"S-si.." hindi ko makayang sabihin. Nanghihina na ang tuhod ko.
"Sino? Bakit ka umiiyak?" lumapit silang lahat sa akin. Nakita ko sa peripheral vision ko na kinuha ni Cass ang nahulog kong cellphone.
"Bakit tumawag si Kuya Mark?" lalo akong napahagulgol sa iyak nang narinig ko ang pangalan ni kuya.
"S-si k-kuya M-mark sinugod sa ospital k-kaninang umaga" hindi ko talaga alam kung bakit sinugod si kuya sa ospital. Ang nakausap ko kanina ay ang barkada ni kuya na si kuya Leo. Basta ang sinabi lang sa akin ni kuya Leoj na kailangan ko na daw umuwi kasi malala na daw ang kalagayan ni Kuya Mark.
"Bakit? Anong nangyari kay Kuya Mark?" nag-aalalang tanong ni Mico sa akin. Instead of answering his question-a question that I don't know what's the answer-I hugged him.
"Let's go home." yun lang ang tanging nasabi ko. Gusto kong makita kung ano ang kalagayan ni Kuya Mark ngayon. Nag-aalala na talaga ako sa kanya.
Inayos na namin ang mga gamit namin at sumakay na ko sa sasakyan ni Mico. Si Cass, sumabay kay Jace. Tahimik lang ako sa buong byahe. Hindi ko kinakausap si Mico at naiintindihan niya rin siguro ako kaya hindi niya din muna ako kinakausap..
Sumabay pa ang lakas ng ulan kaya maingat na nagdadrive si Mico. Bigla namang nagring ang cellphone niya kaya agad niya itong sinagot.
"Hello?....Yes...What?..Sige papunta na kami." Ano kayang nangyari? Ibinaba na niya ang cellphone niya at diretsong nakatingin sa kalsada.
BINABASA MO ANG
[MMR] My Mr. Right ♥o♥ (ON-HOLD)
Fanfictionminsan sa buhay natin, hindi lahat nang nakikilala natin, nagiging permanente. May mga taong dumarating, para pasayahin tayo. May mga ilan-ilan namang dumating para paiyakin at saktan tayo. At may mga tao ding dumating para iwanan tayo.. pero kahit...