Yuri's POV
"WHAT THE HELL?!" gulat na gulat ako. Ang bilis ng pangyayari at ngayon sobrang inis talaga ang nararamdaman ko.
"Stupid girl." aasta na sana siyang aalis pero hinablot ko ang braso niya at iniharap sakin.
"What did you say? I'm stupid? Ikaw ang bumangga sakin kaya ikaw ang Stupid! Tingnan mo nga ang ginawa mo sa uniform ko, may klase pa ko alam mo ba yun?" galit na sigaw ko sa kanya. Damn! Kainis! Di manlang nagbago ang reaksiyon niya. Cold eyes kagaya din ni Florieze. Arrgh. Bakit ba ang hilig nila sa cold eyes?
"Tsk" tinalikuran niya lang ako.
Mabilis akong pumunta sa kotse ni Florieze at hinablot ang coke float na iinumin palang niya sana. Inis kong hinabol ang lalaking bumunggo sakin at ibinuhos sa kanya ang laman ng hawak- hawak kong coke float. Napangisi ako sa ginawa ko.
"Now we're even." nanatili siyang nakayuko.
Tumingin lang ako sa kanya ng bigla na lamang niya hinablot ang mga braso ko at ibinalibad sa likuran ko. Waaah. Ang sakit nun ha? Pinilit kung kumawala sa kanya, inapakan ko siya at ginaya rin amg ginawa niya sakin at nagtagumpay nam ako. Sa kasamaang palad, naka heels ako ngayon kaya nang hinatak niya ko bigla paharap sa kanya ay na out balance ako at natumba.
Dahil na rin sa mahigpit na pagkaahawak ko sa mga braso niya ay naisama ko siya sa pagbagsak ko. Nagkatinginan kaming dalawa. Bigla na lang ako nakaramdam ng kakaiba ng tumingin ako sa mga mata niya. Ang cold nito ngunit parang nahihipotismo ka kapag nakatitig dito. Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko.
"OMG! Chlein! Rozen! Anong ginagawa niyo?!"
Nagulat ako sa sigaw ni Maddie at ngayon ko lang din na realize na nasa ibabaw pala ako ng lalaki na to. Agad naman akong tumayo at lumayo sa kanya at tiningnan siya ng masama pero siya, ang cold pa rin.
"Kilala mo pala yang walang modong lalaki na iyan?" tanong ko kay Maddie na may tonong pagkainis. Nakakainis talaga ang lalaki na to.
"Yeah. Pinsan siya ni Hiro kaya kilala ko siya. Pinasundo niya sakin yan kaso ito ang naabutan ko. Kayo ba?" takang tanong ni Maddie.
"What?! The hell. Asa siya. Tingnan mo ang ginawa niya sa uniform at pagkain ko. Arrgh. Bahala nga kayo. Pagsabihan mo yan pati ang Hiro na yun. Mga panira sila sa buhay." agad ko silang tinalikuran at pumasok sa kotse. Siguro mamaya na lang ako sa hapon papasok. Di ko inaasahang masiaira ang first day ko. Arrrghh.
"Iuwi mo na ko. Bilis!" agad naman niyang pinaandar ang kotse ng mabilis. Wala na kong pakialam dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/21810309-288-k512878.jpg)
BINABASA MO ANG
Everything Is A Mistake
Teen FictionKapag nabuhay ka sa isang mundo na pinupuno ka ng saya at pagmamahal ,halos lahat ng oras iisipin mong maswerte ka dahil sa mga taong yun na nakapaligid sayo. Sa tuwa na binibigay nila sayo. Sa pagsama nila sa bawat kalungkutan mo. Sa pagpapaintindi...