Chapter 6: Chlein: You Are My Friend

43 3 0
                                    

Yuri's POV

Inayos ko na ang mga gamit pagkarating ko sa suit ko. Inalagay ko lahat ng stuff toys sa kwarto at ikinabit na rin ang mga paintings na binili ko. Inalagay ko na rin ang mga pigurins at vase. Hinanap ko sa mga gamit ko ang mga picture frames na dala ko at albums at inilagay ito sa sala. Inayos ko na rin ang mga damit ko at inilagay sa closet ganun rin sa mga sapatos.

Nakakapagod din pala pag ikaw lang gumagawa ng lahat na ito. Mabuti na lang talaga at padadalhan ako ng yaya ni Kuya. Mabuti na yon kasi hindi naman ako marunong maglaba at magluto. Inayos ko na rin ang mga uniforms na gagamitin ko at black shoes. 

Nahagip ng mata ko ang brown envelope na naka patong sa study table ko dito sa kwarto. Ay oo nga pala, hindi ko pa alam kung saan ako mag-aaral. Binuksan ko ito at agad binasa ang mga papeles. Mga accounts lang na binigay sakin ni Kuya ang nababasa ko. Nasaan naman ang about sa school?

Hinalungkat ko ulit ang laman ng envelope at nakita kong may isang maliit na puting sobre at naka address ito sakin. Binuksan ko ito at may larawan akong nakita. Ang laki at ang gara ng school na to. Kitang- kita sa picture ang lawak ng sinasakop ng skwelahan. Binasa ko na rin ang sulat.

"Dear Miss Thompson, 

            We are very pleased to have you in our school. You will never regret upon choosing our school to be a part of your journey. Enjoy your stay here and welcome to Shinuahzae (zhinwazay) Integrated Academy."

Wow ha. Ang hirap naman bigkasin ng school na ito. ngunit ang ganda ng pakiramdam ko. Parang magiging masaya ang pagpasok ko dito. I'm so excited.

*ding dong*

Oh, it must be Maddie. Agad ko naman tinungo ang pinto. At pagbukas ko, tama nga ako, siya nga.

"Hi Chlein. Ang boring sa suit ko. Pwede dito muna ako? Pretty please?" at nag puppy eyes na naman siya.

"Pasok" walang ganang sabi ko sa kanya. Ewan ko ba, naalala ko nman kasi ang lalaking yon kanina. Sigurado akong kaibigan siya ni Maddie.

"Hey. Pasensiya ka na pala kanina." sabi niya habang bumubukas ng fresh milk at isinalin sa baso niya. Feel at home siya ha.

"Ang ano ba yon?" tanong ko na puno ng pagtataka ngunit alam ko naman talaga ang gusto niyang iparating.

"Yung kanina na sinabihan ka niya ng masasakit na salita. Ganun talaga yun pag may nakakagawa sa kanya ng kagaya ng nagawa mo. Pero sorry kasi di kita napagtanggol." sabi niya na parang batang maiiyak kahit anong oras ngayon.

"Bakit ka naman humihingi ng tawad? Wala ka namang ginawang mali. It's his fault afterall. Nag sorry na ko kaya nasa kanya na yon kung tatanggapin niya o hindi." umupo siya sa sofa kaya umupo na rin ako.

"Pero. Ang init ng ulo nun sayo. You're just the one you did that to him, you know that? Kahit kami hindi nakakapag salita ng ganun sa kanya." medyo may pag aalala sa boses niya.

Everything Is A MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon