Chapter 7: Shinuahzae Integrated Academy: First Day Of School

40 5 0
                                    

Yuri's POV

Ang bilis lumipas ng oras. Parang kailan lang, nandoon pa ko sa London kasama ang Kuya ko. Miss na miss ko na siya. Ang sabi pa naman niya kahapon tatawag na lang siya ulit ngunit nakatulog lang ako wala naman. Hinintay ko din siyang mag online sa FB o kaya Skype pero naghintay lang ako sa wala. Nakakalungkot lang isipin na natiis niyang hindi ako maka musta araw- araw.

Inayos ko ang soot kong dress at sinoot ang 5 inches wedge ko. Ngayon ako pupuntang mall para bumili ng school supplies. Pagkalabas ko ng suit ko, napatingin ako sa suit ni Maddie. Gusto ko sana siyang yayain pero baka galit pa siya sakin. Tinungo kong mag- isa ang mall at namili ng mga gamit ko.

 ✔Bag

✔ 12 Notebooks

✔4 set of papers

 ✔10 Gtecs

✔ Art materials

✔ 1 bind of short bondpaper

✔ 1 bind of long bondpaper

✔Harry Potter 1-8 Book

Nabili ko na ang lahat na kailangan ko para bukas. Hindi ko na namalayan na hapon na pala. Ni hindi manlang ako naka kain ng tanghalian. Kung sa bagay, past 11 narin naman ako umalis ng hotel. Dumaan na lang ako sa jollibee at nag take out nang kakainin ko sa hapunan. Nang nakarating ako sa suit, inayos ko na ang mga gamit na dadalhin ko bukas. Kinuha ko ang laptop sa kwarto at inilagay ito sa mesa habang hinahanda ko ang kakainin ko. Siguro naman wala nang trabaho si Kuya sa mga oras na to, Sunday naman ngayon kaya sana free siya. Nag open ako sa Skype and I'm glad that he's online. Agad naman akong nag call sa kanya at sinagot niya naman kaagad.

"Hey Kuya. Nagtatampo na ko sayo a, hindi ka tumawag kahapon. Hinintay pa naman kita." sabi ko sa kanya sabay pout. Kainis lang kasi.

"I'm sorry baby. Busy lang ako masyado at pagod ako kaya hindi agad kita natawagan." pag eexplain niya. Kita nga sa mata niya na sobrang stressed siya at parang walang tulog.

"May problema ba sa bussiness mo Kuya?" pag- aalalang tanong ko.

"Wala naman baby. May mga inaasikaso lang ako. Bukas na pala ang pasukan, ready ka na ba?" alam kong may tinatago siya sakin pero sa ngayon hindi ko na muna siya kukulitin na sabihin iyon.

"Kakarating ko lang nga galing ng mall. And I'm so tired Kuya." natawa ako sa reaksiyon niya.

"Bakit? Anong bang nangyari sayo?" 

"Wala. Napagod lang ako kakalibot ng mall. Kuya, can I ask a favor?" 

"Ano yun? Sabihin mo lang at gagawin ni Kuya basta kaya ko lang." yes. Success.

"Can you buy me a car? Please? Pretty please?" pagmamakaawa ko sa kanya with matching puppy eyes. Ewan ko na lang kong tanggihan niya pa ko.

"Arrgh. You're too wise Chlein. Alam na alam mo talaga kung kailan ako hindi makakahindi sayo." napatawa na lang ako sa kanya.

Everything Is A MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon