X. Love

4.3K 92 1
                                    

“I’m not sure about this,” kagat-labi si Olive na nakatingin kina Sugar at Melody. Mukhang nagkamali yata siya sa paghingi ng tulong sa mga ito. She was shocked to receive a phone call from Jeddah. She wants to see her husband, Rafael.

“Don’t worry, wala ka bang bilib sa’min ni Melody,” si Sugar, kapag mga ganitong bagay ay ito ang magaling magplano.

“I’m so excited,” ani Melody, parang tutang kumikinang ang mga mata.

Kinabahan siya sa kislap ng mga mata nito. She knows her too well.

“Don’t look at me like that,” ingos nito sa kanya. “I’m hurt.”

Natawa siya. When Melody’s like that, no one can resist her.

“Now, what you need to do for us is to distract Ysrael,” ani Sugar.

Her heart pounded hard upon hearing Ysrael’s name. Nag-aalala siyang baka namumula ang magkabilang pisngi niya.

“Pwede ba’ng ikaw na lang ang magdistract sa kanya?” ungot niya kay Melody.

Pinameywangan siya nito. “Ngayon, nilalambing mo ako? Ayoko nga.”

“Sige na,” she can’t face him. Mula ng mangyari ang gabing iyon, iniiwasan na niya ito. Ginusto niya ang nangyari. They’re both consenting adults. Isinuko niya ang sarili rito dahil mahal niya si Ysrael. Ngunit alam niyang hindi naman siya nito mahal, she was there when he needed someone.

Ouch… ang sakit naman!

“Ikaw Olivia ha,” anang babae. “Did something happen for you to avoid Ysrael?” umiral na naman ang pagiging tsismosa nito.

“Wala,” agad na tanggi niya. “Baka mabuking tayo kung ako ang maiiwan dito. You know how bad I am at lying. Mahuhuli tayo ng lalakeng iyon.”

Tiningnan siya ng dalawa, hindi naniniwala.

Inakbayan siya ni Sugar. “You can do this, Olive,” anito. “For Jeddah, Rafael and Angel.”

She bit her lip. It’s emotional blackmail in a subtle manner.

“Olive?” si Jeddah iyon, nakasakay ng wheelchair. Nasa tabi nito si Angel. The woman looked livelier than usual. Is this how love can affect a person?

Hinawakan nito ang kamay niya. She could see tears welling from her eyes.

Agad niya itong pinalis. Angel is a receptive child. Mag-aalala ito sa ina kapag nakitang umiiyak.

“Just leave everything to us, okay?” aniya, nakangiti.

“Thank you,” anitong niyakap siya.

Bahala na si Batman.

“Thank you din sa inyo,” baling nito sa dalawang kaibigan niya.

“Wala iyon,” si Sugar. “Anything for our Olivia. Lahat ng mahal niya, mahal din namin.”

Natouch naman siya. Alam niya kunggaano katibay nag pagkakaibigan nila.

“Okay,” si Melody. “Tama ng emote natin, you have to look good for your husband,” nakuha pang magpatawa nito.

She saw Jeddah smile. Nagmukha itong teenager na ngayon lang na-in love.

“And you,” baling nito sa kanya. “Distract him well.”

Sumimangot siya rito.

“Do what it takes. Use your body if that’s the only solution left,” anito na ikinatawa nina Sugar at Jeddah.

She blushed. Paano ay biglang nagflash-back sa isip niya ang gabing pinagsaluhan nila ni Ysrael. She wanted to tell Sugar and Melody but she’s too shy to tell anyone. But she will have to tell them when she’s ready. She has no intentions of keeping a secret from them.

Book 1:  Miss MelonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon