VI. And... Suddenly... Crazy

4.2K 91 3
                                    

Nakasanayan na ni Olivia ang araw-araw na routine magmula ng maging tutor siya ni Angel. She would have to spend an hour or two in the morning for physical and extracurricular activities and four hours in the afternoon tutoring her.

Hindi naman mahirap maging tutor ng bata. She’s now calling her tita. Nagkapalagayan na rin sila ng loob ni Jeddah bagaman madalang lamang niya itong makaharap. Mas madalas itong nasa loob ng silid niya.

She noticed that despite her smiles and lively voice, her eyes are sad.

Napakalungkot nito. Marahil ay dahil sa sakit nito at sa biglaang paghihiwalay nilang mag-asawa. She can only imagine her hurt… Ngunit ang mahalaga ay pilit pa rin itong lumalaban para sa anak.

Ayaw man niyang aminin, malaki ang bahagi ni Ysrael kumbakit tila mas magaan ditto ang dinadalang suliranin. She has witnessed his devotion to Jeddah and Angel. Kahit halos tumira na ito sa opisina, walang palya ito sa pag-uwi bago mag-alas siete ng gabi upang makasama sa hapunan ang mag-ina.

Sa tuwina ay pinipilit siya nina Jeddah at Angel na duon na maghapunan.  Hindi naman siya makatanggi dahil natatakot siyang sumama ang loob ng mag-ina. As much as possible, she would prefer to see Ysrael less.

Pakiramdam kasi niya ay tinitingnan nito ang bawat kilos niya, pinapakinggan ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Para bang sinusukat nito ang kapasidad niyang maging guro ng pamangkin nito.

Maximum tolerance. Her guard is always up whenever she feels his presence.

Mabuti ng nag-iingat…

“Where’s your mom?” tanong ni Olive kay Angel. Ilang araw na kasi niyang hindi ito nakikita. Maging ang mayabang na si Ysrael ay ni hindi niya rin nakikita kahit anino. Well, he doesn’t count. Wala siyang pakialam kahit buong taon niya pang hindi ito makita. Hindi pa siya makukunsumi.

“She’s at the hospital again,” matamlay na sabi nito. “Every time she gets sick, I can’t even see her at the hospital.”

Naawa siya sa bata. Ibig sabihin, hindi lang ito ang unang beses na mag-isang naiwan ang bata kasama ng mga katulong sa bahay at yaya nito.

“Would you like to see her?” she wanted to see her smile. Awang-awa siya sa bata.

“But tito-ninong said, I can’t,” anito, namimilog ang mga mata. “Kids are not allowed in the hospital.”

“Do we have to tell him?” nakangiting sabi niya rito. “Don’t worry, hindi ako magsusumbong.”

“Talaga?”

She nodded.

Nagtatalon sa katuwaan ang bata.

Kinakabahan siya sa biglaang pagdedesisyon. Ngunit kapag tinitingnan niya kung gaano kasaya ang maliit na bata, nawawala ang takot niya.

Magiging masaya din tiyak si Jeddah kapag nakita sila, lalo na si Angel.

Karga-karga niya ang bata sa elevator. Nasa third floor ng hospital ang room ng mommy nito.

“Wait here,” ibinaba niya ang bata. “I’d go first and check whose inside.”

Masayang tumango ito.

Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura ng pinto. Walang tao sa loob. Good, mabuti na lang at wala ang mayabang na lalake.

Madilim and silid, tanging isang ilaw lang ang nakabukas.

There she saw Jeddah lying lifelessly on the hospital bed. Humpak ang mga pisngi nito. She must be tired, tulog na tulog ito. Dark circles surround her eyes. Maputlang-maputla ito.

Book 1:  Miss MelonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon