Napaungol si Olivia nang tumama ang liwanag sa mukha niya. Nananakit ang mga mata niya sa labis na pag-iyak. Daig pa niya ang lumaklak ng isang drum na alak. Her head hurts like hell.
How long was it since she opened her window? Two weeks? A month? Maging ang mga araw na lumilipas ay hindi na niya alam.
She quit working. She stopped talking and feeling altogether. Para siyang robot. She would sleep, wake up, cry again, eat a little, and then cry some more. She’s waiting ‘til she can’t shed any tears anymore. Frustratingly, she would still end up crying one way or the other.
“Olivia,” boses iyon ni Melody. Nagtakip siya ng unan sa mukha.
“We’re very sorry,” si Sugar iyon, naupo sa tabi niya.
“Leave me alone,” pagtataboy niya sa dalawa.
Pinilit na kunin ni Melody ang unan. Hinatak naman niya ang kumot. “We have given you enough time to be alone.”
“Kung galit ka, ilabas mo,” she heard Sugar’s broken voice. Sa kanilang tatlo ay ito ang pinaka hindi iyakin. “Kung gusto mong umiyak, sasamahan ka namin. Don’t push us away. Hindi lang ikaw ang nahihirapan.”
Mahabang katahimikan. She felt her tears flowing again. Kailan ba siya titigil sa pag-iyak. Hanggang kailan niya mararamdaman ang sakit?
Hinayaan niya si Melody na kunin ang kumot na pinantatakip sa sarili.
“Look at you,” hinaplos-haplos ni Melody ang ulo niya. “Let’s go to the spa and parlor. Ayokong may isa sa ating mukhang losyang.” She said it while crying.
Pinigil niya ang mapasigok.
Hinawakan ni Sugar ang kamay niya. “Narito lang kami, Olive. Huwag mo sanang kalimutan na kapag nasaktan ka, nasasaktan din kaming lahat. Lahat kami hindi mapakali. Lahat kami ikaw ang inaalala.”
She felt miserable. Lalo na at alam niyang nadadamay sa kalungkutan niya ang mga taong mahal niya. Nang tumigil siya sa pamumuhay ng normal, maging ang mga kaibigan at pamangkin niya tila tumigil din ang pag-inog ng mundo.
Alam niya ang nangyayari, but she’s too consumed with her own suffering.
Ang masakit pa, ang taong nagdulot ng sakit sa kanya ang tanging hinahanap ng puso niya. She wants to see him so badly.
Ysrael.
But he hates her.
Ipinagtabuyan siya nito.
Could she blame him?
Hindi niya ito masisisi. Jeddah was comatose for three days. Halos mabaliw si Ysrael sa naging kalagayan ng kapatid. It was traumatizing for him.
Hindi siya nito sinumbatan. He became cold and distant. Ni tapunan ng tingin ay hindi nito magawa. She literally felt she didn’t exist.
For the first time mula ng tuluyang maghiwalay ang landas nila ni Ysrael, she cried in front of her friends. Madalas ay nagkukulong siya sa kuwarto para hindi makita ang kanyang pag-iyak.
She feels emotionally and physically exhausted.
Two weeks after Jeddah was confined at the hospital, she saught for Ysrael. She has seen him a few times before but very briefly. Abala ito sa kalagayan ng kapatid o talagang iniiwasan siya?
Inabutan ni Olive si Ysrael na nakasubsob sa paperwork ang lalake. She had been replaced as Angel’s tutor. Wala man lang pasabi. Basta na lang siya inalis nang walang kaabug-abog.