III.The Stranger's Embrace

5K 105 1
                                    

"Tita, gising," kanina pa naririnig ni Olive ang boses ng pamangking si Juriz. Hindi niya maimulat ang mga mata. Anong oras na ba at ayaw siyang tantanan ng dalagita.

"Tita," may yumuyugyog sa kabila niyang braso. Ayaw siyang tigilan.

"Wake up," isang kamay ang humihila sa paa niya.

Napaungol siya. It's a Saturday morning. She's craving for more sleep. Napagod talaga siya dahil midterms ng mga bata nuong nakaraang linggo.

Nakailang kusot siya ng mata bago pupungas-pungas na naupo sa kama. "Well?" aniya sa tatlong batang nakapaligid sa kanya.

Siniko ni Julia si Juriz na siyang mas matapang sa kambal.

"Tita," umpisa ni Juriz, ito ang mas responsible sa kambal kaya laging ito ang spokesperson ng magkakapatid. " Tita Ganda invited us to a swimming party." Ang tinutukoy nito ay si Melody. Dahil sa insidente sa bar ay kibuin-dili niya ito. Hindi na siya galit, nagpapakipot na lang siya.

"Don't get mad at her na tita," si Julia na siyang mas malapit kay Melody. "She said sorry already. Peace offering niya daw 'to sa'yo."

Wala siyang inililihim sa mga ito maliban sa tunay na dahilan ng pagkakatampuhan nila ni Melody. Parehong labing-apat na taong gulang ang kambal at labindalawa naman si Jeremy.

Pinigil niyang mapangiti. Julia is the replica of Melody. Sa ayos at kilos nito, sa paraan ng paglalambing. Pilya din at weird mag-isip. Habang si Juriz naman ay mukhang kay Sugar nakuha ang malakas na personality.

"Anong kapalit kapag pumayag ako?"

Nagkatinginan ang tatlong bata.

Sa tatlo, pinaka worried siya kay Jeremy. Napakatahimik kasi nito at secretive. Marahil ay dahil babae siya, nahihirapan siguro itong magreach out sa kanila na puro babae. At times, lalo niyang gustong umuwi nag kapatid. Lalake ito, kailangan ng mga bata ng daddy.

"We'll clean your car for a week," si Juriz. Ito ang tagapagdesisyon ng grupo.

"Deal!" aniya.

"Yes!" panabay na sigaw ng kambal. Nakangiti lang si Jeremy.

"Asan na ang fifty pesos ko?" si Julia nakalahad ang palad sa dalawa. Aba't mukhang pati ang pagpayag niya ay pinagpustahan ng magkakapatid.

Napailing na lang siya. These kids enjoy bets. Iyon ang tanging pinagkakasunduan nila.

Abot-teynga ang ngiti ni Melody nang datnan nila. Nasa isang exclusive resort sila na halatang pangmayaman, na talagang ipinagtataka niya kasi nuknukan sa kakuriputan ang bruha. Ang mahal namang peace offering 'to, sa loob-loob niya.

"Bati na tayo ha," malambing na sabi ni Melody, agad na nakakapit sa braso niya.

Napabuntunghininga siya. "Ano pa nga bang magagawa ko?" kunwa'y napipilitang sabi niya.

Bigla siyang niyakap ng kaharap. "Narinig ninyo 'yun kids? Bati na kami ng Tita ninyo," tuwang-tuwang sabi, parang bata.

"We want to go swimming na Tita Ganda," si Julia na likas na mainipin.

"Sige, pero mag-iingat kayo ha," parang nanay na paalala nito.

Napangiti siya. Silang tatlo na nina Sugar ang halos nagpalaki sa mga bata. Amongst the three of them, si Melody ang pinaka-linient, habang siya ang laging kontrabida. Strict kasi siya lalo na sa studies ng mga ito.

Nagulat siya nang may iabot ang babae.

"Ano naman 'to?" aniya.

"Swimsuit," anito, patay malisya nang manlaki ang mata niya. "Anong isusuot mo rito, shorts?"

Book 1:  Miss MelonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon