The whole unit now smells like cream, pasta, and a lot of aromatic spices.
Hininaan ni Yumi ang stove bago kinuha ang sandok at tinikman ang niluluto niyang tuna carbonara. Ngayon ang kanyang housewarming kaya naman ay napag-isipan niyang gawin ang isa sa mga bagay na animo'y napakanatural sa kanyaㅡang pagluluto. At hindi lang basta luto, kundi masarap na pagluluto.
"Hmm?" She tilted her head sidewards while looking up, as if in deep thought.
"Ma, parang may kulang pa."
Katawagan niya ang Mama niya ngayon na siyang instant mentor niya pagdating sa pagluluto, na kung 'di ba naman dahil sa ilang henerasyon ng pagmamay-ari nila ng karenderiya sa kanilang lugar ay hindi niya rin mamamana ang talentong ito.
"Baka jowa?" Ani ng ginang habang na sa kabilang linya, naka-loud speaker.
Inirapan niya lang ito.
"Ma, seryoso nga! Parang ang creamy na masyado. Parang kulang sa ano..."
"Pagmamahal?"
"Paminta!"
Napatuwid siya ng tayo nang naalala kung ano ang kulang na sangkap sa niluluto niya. Pinalabas nalang niya sa kabilang tenga ang pasimpleng turan ng ina, at sa halip ay hinalungkat ang grocery bag niya para hanapin ito. At nang napagtantong hindi siya nakabili ay naisipang bumili nalang mula sa convenience store sa may first floor nitong building.
"Bili muna 'ko sa baba, pakibantay nalang muna ng niluluto ko bye!"
Nang nakalabas ng pintuan ay siya pang pagpapakawala niya ng buntong-hiningang kanina pa niya pinipigilan. Napapalampas naman niya kadalasan ang pagpaparinig ng ina ngunit ewan nga ba kung bakit medyo naging sensitibo siya kanina, na ipinagpasalamat pa niyang hindi siya nakabili ng paminta upang makaliban lang sa usaping ganoon.
Isa sa mga rason kung bakit napakasupportive ng kanyang ina sa desisyon niyang humiwalay na sa kanila ay dahil anito'y kaya hindi nagkakanobyo ang anak dahil palagi lang itong na sa bahay at hindi nakakatiyempo ang mga manliligaw nito.
Kung kontra man ang ama niya sa desisyong ito ay siyang kabaliktaran naman ng kanyang ina, na halos ipagtulakan na siyang mag-entertain na hindi niya nagagawa habang na sa kanila.
Napairap na naman siya sa naisip. As if naman kasi may nanliligaw, sa loob-loob niya.
Palakad na sana siya nang makita niya ang isang matandang babae na dahan-dahan ang lakad patungo sa unit na kaharap nitong sa kaniya. May hawak itong supot ng pagkain at biglaang nanlaki ang mata niya nang mapagtanto kung ano ang tatak ng dinadala nito.
Jollibee?
Tila napansin siya ng matanda kaya magalang niya itong binati at nginitian bago nagkumaripas ng takbo patungo sa elevator nang nakatutop ang kamay sa bibig.
Si Lola kaya 'yung Good Samaritan na nagbigay sa kanya ng pagkain kahapon? Baka nga coincidence lang, pero baka lang rin naman, diba?
Ito ang naging pala-isipan niya hanggang sa nagkatawagan sila ng mga kaibigan niya.
"Mimi, sorry na. Sorry talaga bawi nalang kami next time," ani ni Reian habang nagfe-Face Time sila.
Yumi pouted at her friend's apologies. She just finished preparing everything and was expecting them to come over to celebrate with her, but they suddenly called to say they cannot make it.
"Yeah, I'll have to take a rain check this time as well. My damn boss is killing me with errands," ani naman ni Lovi.
"Sige lang, ganyan naman kayo, e. Sanay na 'kong hindi priority. Sayang lang 'tong effort ko," nakasimangot na saad ni Yumi, tunog nagpapa-guilty.
BINABASA MO ANG
Neighbor, Ohayo!
HumorNaomi Kwan has just finally moved in. And to celebrate, she prepares food and shares it to the elderly woman whom she believes lives alone right across her unit. Delighted by the free and scrumptious meal, Yumi decides to share more of her homecooke...