02 | Grocery Day

9 1 0
                                        

Tumunog ang biometric scanner matapos pinwesto ni Yumi ang kanyang hintuturong daliri rito. Inayos niya ang sling bag sa balikat bago sinuot ang kanyang airpods sa tenga at tinaklob sa ulo ang hoodie ng jacket niya.

"QA, uwi ka na?" tanong ng isang katrabaho habang naglalakad siya palabas ng opisina.

Tumango lamang siya sabay ngiti.

"Sanaol!" Napailing nalang si Yumi at winagayway ang kamay sa lalaki habang papalayo.

Tiningnan ni Yumi ang relos niya at nakitang alas onse na nga pala pero may magsisimula pang pumasok ng trabaho sa oras na 'to. Siya naman ay natapos lang ang shift bilang isang Quality Analyst sa international Business Process Outsourcing (BPO) company na pinagtatrabahuan niya. Naglalakad lang siya pauwi dahil walking distance lang din naman ang unit niya sa kanilang office building.

Ramdam na ramdam na niya ang pagod at puyat habang papalapit na siya sa bahay. She yawned one too many times and stretched her arms wide to shake off the sleepy feeling.

Bago paman siya makalagpas sa convenience store sa first floor ng unit building ay tila nakaramdam na naman siya na kumakalab ang tiyan niya. So with teary eyes from exhaustion, she paused and stared at the store in front of her.

"Ano ba naman 'yan Yumi, kakakain lang natin kanina e," turan niya sa sarili habang pilit na binubuka ang matang nagluluha na sa pagod.

She yawned and stretched for the nth time while still looking at the store, not realizing that all the while, she was unintentionally staring at someone who was eating inside!

"What the fuck!" Lutong niyang mura, nawala ang antok na kanina'y dala-dala ng maliliit niyang mata.

She immediately looked away from embarrassment. But just out of curiosity, which she regretted seconds after, she slowly turned to where the person was and jumped a little again after realizing that the stranger she stared at was also staring right back at her! Even if all she saw in a glimpse was his black hoodie, it felt as if he was intensely staring right through her, so she found herself sprinting away from the situation.

"Omygosh what a creep!" Hindi niya napigilang sabihin habang dali-daling pumasok sa entrance at sumakay ng elevator patungo sa kanyang floor. Nanginginig ang kamay niya habang pinipindot ang tamang button at pilit na pinapaayos ang kanyang paghinga.

"Ang hirap maging babae, shutanginang 'yan," nasabi nalang niya habang sinasandal ang noo sa malamig na dingding ng elevator.

Tirik na tirik na ang araw nang magising si Yumi, hindi dahil sa alarm clock niya, kundi dahil sa sunod-sunod na pagngawa ng cellphone niyang tiyak na kanina pa may tumatawag.

"Istorbo naman 'yan kitang natutulog pa 'yung tao e!" Pagdadabog niya habang pilit na inaabot ang aparato sa kanyang bedside table. "Sabadong-sabado oh, so please let me sleep huhu--Hello?" Sagot niya sa tawag.

"Good morning apo, did I wake you up?"

Tila parang kidlat na tinanggal ni Yumi ang kanyang sleeping mask at prenteng napaupo sa kanyang kama nang marinig ang boses ni Lola Lily sa kabilang linya.

"Ay hello, La! Good morning po," pilit niyang pinasigla ang boses niya para hindi nito mahalatang bagong gising pa lamang siya. "Naku hindi po, nagse-stretching nga ako ngayon eh," tinaas-taas pa niya ang kanyang mga braso na tila ba'y nakikita ito ng matanda.

"Ganoon ba? Aba'y maayos! Kasi iimbitahan sana kita. Gusto ko sanang maggrocery kaso ayokong pumunta mag-isa. Free ka ba ngayon to do groceries with me?"

Napatingin muna si Yumi sa kanyang paligid at pati na rin sa kanyang sarili. She's not even ready yet and she hasn't even showered!

"Don't worry, ako naman magbabayad pati na rin 'yung sayo kaya samahan mo na ako, please?" Nagpapaawang sabi ni Lola Lily na hindi niya magawang tanggihan kaya't napakagat-labi na lamang siya at umoo na siyang ikinatuwa ng matanda.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Neighbor, Ohayo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon