Chapter 1: Mistaken

111 10 10
                                    


Aiana Sabina PoV!

"Miss Sabina, nandito na po tayo."

Inayos ko ang pagkakaupo sa pagkakasandal sa seat ko at tumingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan.

Mula dito sa loob ng kotse nakita ko ang mala-palasyong bahay. Dinaig pa nito ang Mansion namin sa sobrang laki at lawak.

Nakita kong bumukas ang gate at pumasok kami sa loob. Habang papalapit sa mismong Mansion mas lalo akong napapahanga sa ganda at laki nito.

White Mansion ito puro kasing puti ang kulay nito.

Naramdaman ko ng tumigil na ang Van.

Pinagbuksan ako ng pinto ng driver agad naman akong lumabas.

"Good morning Ma'am Sabina."

Nakangiting bati sa akin ng katulong pagkalabas ko sa Van. Bali tatlo silang maid.

May katandaan na babaeng sa gitna habang bata-bata pa dalawang kasama nito na nasa side niya pareho.

Nginitian ko lang ito wala ako sa mood na makipagusap parang inaantok na kasi ako maaga kasi akong ginising ni Mom kanina kaya heto ako ngayon inaantok na. Hating gabi na ako nakatulog kagabi dahil hindi ako kaagad dinalaw ng antok, hindi din ako nakatulog ng maayos sa eroplano at sa byahe kanina.

"Ma'am amin na po 'yong mga gamit n'yo. Kami na po ang magdadala sa kwarto n'yo."

Tumango ako agad naman nilang kinuha ang dalawa kong maleta at isang backpack.

Marami ang dinala kong gamit dahil medyo matatagal sina Dad bumalik galing sa Italy.

"Good morning hija, dumating ka na pala."

Narinig kong bati sa akin ng lalaki na 40's na yata ang edad na kakalabas lang sa Mansion. Naka-formal attire ito.

Nakangiti ako nitong yinakap ako at winelcome sa kanilang Mansion.

I think siya na si Tito Demien Sandejas. Ang matagal ng kaibigan at business partner ng parents ko.

"Good morning din po."

Bati ko rin dito nung bumitaw na ito sa yakap. Sinadya kong pasiglahin ang boses kahit inaantok na ako.

Muli itong ngumiti sa'kin.

"You look so sleepy, hija. I think you need to rest. Manang Ylena dalhin ninyo na siya sa magiging kwarto niya. Para makapaghinga na muna siya. Malayo din ang naging byahe niya papunta dito sa Manila." Utos nito sa matandang babae na nasa gitna.

Napansin yata ni Tito Demien ang sleepy face ko.

"Masusunod po, Sir."

Muling tumingin sa akin si Manang Ylena ang name.

"Hali ka na po Ma'am Sabina, dadalhin ka na namin sa kwarto niyo." at nagsimula na itong maglakad papasok sa loob ng Mala-palasyong Mansion.

Nagpaalam muna ako kay Tito Demien bago ako sumunod kina Manang Ylena. Nginitian lang ako nito at tinanguan.

Pagkapasok ko sa loob pinasadahan ko ng tingin ang bawat sulok ng Mansion na aming nadadaanan.

Sobrang lawak talaga ng Mansiong 'to! At kita rin na mamamahalin ang mga kagamitan at mga furnitures na nandidito karami dito lahat gawa sa glass. Ngayon tanggap ko na mas mayaman ang mga Sandejas kaysa sa amin pero hindi naman ako naiingit na mas mayaman sila, kontento na ako at masaya kung ano ang mayroon ako ngayon.

Umakyat kami sa second floor. Naglakad uli kami. Teka! Ang tagal naman naming makarating sa magiging kwarto ko. Magdadalawang minuto na kami naglalakad eh! Malayo pa ba ang kwarto? Inaantok na talaga ako.

BEHIND THE COLD (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon