Chapter 4: Dream

50 7 2
                                    


Aiana Sabina PoV!

Nang mapagsiyahan kong kausapin si Demielle. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa pool side kung saan ito naroroon.

Habang papalapit dito hindi ko alam ang nararamdaman tila kinakabahan ako pero naroon din ang excitement ma may malaman mula sa kanya.

Ganoon pa rin ang itsura niya, nakatayo malapit sa pool side at kahit nakatalikod ito sa gawi ko, alam kong nakatingala pa rin siya sa langit at tila malalim ang iniisip.

Tumigil ako sa paglalakad, sa mismong tabi niya.

Kaya ngayon magkatabi kami habang nakatayo pero may gap pa rin na pagitan sa aming dalawa.

"Oh, Demielle, gabi na, bakit nandito ka pa?" I asked her para makua ang atensyon nito dahil kahit alam kong naramdaman niya ang presensya ko hindi siya lumingon sa akin.

"Alam mong gusto kong palaging mapag-isa, kaya alam mo na ang sagot sa tanong mo." Nababagot nitong tugon na hindi pa  rin inaalis ang tingin sa langti.

Oo nga no?! Dapat talaga hindi na ako nagtanong ng ganoon!

Hays....

"Ikaw ano ang ginagawa mo dito? Di'ba dapat nasa kwarto ka na ngayon at nagpapahinga. Bakit ka nandito?" Ngayon siya na ang nagtanong sabay lingon sa akin. Ang seryoso ng mukha niya, as usual naman!

"Gusto ko lang mapaghangin dito. Tumingin sa mga bituin. Masama ba?" Saad ko at inilayo dito ang tingin.

Ayaw kong tingin ang nanghuhusga niyang tingin.

"Pwedi mo namang gawin 'yan doon sa balkonahe sa kwarto mo. Kita naman doon ang mga bituin kung gusto mong tingnan ang mga 'yon." I heard she said kaya muli akong lumingon sa kanya.

"Eh, sa gusto ko dito. Ikaw lang ba ang pweding tumambay dito?!" Matapang ko naman sabi sa kanya at tiningnan siya ng seryoso.

Napansin kong unti-unti siyang lumalapit sa kinatatayuan ko kaya unti-unti naman akong lumalayo sa kanya at nawala ang paging seryoso ng mukha ko, napalitan ito ng pagtatakba at kaba.

What's with her ba?

"Tapatin mo nga ako, Aiana Sabina Madrigal!" Aniya at patuloy pa rin siya sa paglapit sa akin habang nakatingin sa akin ng maigi ang seryoso niyang mukha. Mukhang kinikilatis niya ako ng mabuti. "Ano ba talaga ang pinuntahan mo dito? Ang tumambay o makausap ako?"

Tumigil siya sa paglapit kaya tumigil na rin ako.

"Hala! Huwag ka ngang magassume na gusto kitang makausap. Mas maganda pa yatang kausap ang puppy kaysa sa'yo." Lumayo ako sa kanya at tiningnan siya ng masama. Wala kasing sarap, kausap!"

"Stop that nonsense, I'm serious! What do you want from me?!" Hatalang nainis siya sa sinabi ko pero kalmado pa rin itong nagtanong.

Ang galing din!

"Okay, fine!"

"Nandito ako para itanong sa'yo mismo kung bakit ka nagkaganyan? Ano ba ang dahilan behind the—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ng magsalita siya at hindi ko ito nagustuhan.

"First day mo palang masyado ka ng matanong. Paano kaya kung magtagal ka pa dito, gossip girl!"

"Hoy, ang harsh mo naman?! Nagtatanong lang naman ako." Hindi ko mapigilang hindi mairita sa sinabi niya.

Gossip girl?! Hmp.

"It's none of your business, Aiana Sabina. Kung sasabihin ko man o malalaman mo ang dahilan, may magbabago ba? Mababalik ba ang dati?"

BEHIND THE COLD (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon