Chapter 3: Reason

57 5 2
                                    


Sabina PoV!

"Oh my goddddd!" Halos mailayo ko ang cellphone sa tenga ko ng biglang sumigaw ang bestfriend kong abnormal minsan.

Tumawag kasi ito sa akin para mangamusta at 'yon hindi ko na rin napigilang sabihin sa kanya na nakita ko na si Denielle at sa bahay pa nila ako titira pansamtala.

Napailing na lang ako dito.

"Ang swerte mo Aiana Sabina Madrigal. Akalain mo, ang babaeng matagal mo ng hinahangaan at pinapangarap na makita. Ngayon, Nakita mo na siya at makakasama mo pa talaga siya sa isang bubong. Makikita mo na siya araw-araw, makakasama mo pa. You're so lucky, Bess! Ikaw na! Sana all na lang talaga."

Natawa na lang ako sa mga sinabi niya.

"Akalain mo 'yung pagalis nina Tita pa ang magiging dahilan para makita mo si Denielle at makasama. So, it means destiny. Tininadha na kayong magkitang dalawa. You're so lucky talaga."

Napaisip naman ako bigla dahil sa narinig.

Baka nga tinadha na talagang umalis sina Dad at magstay ako kay Tito Demien para makita ko na si Denielle.

Yes, nalulungkot ako sa pagalis nila Mom dahil nasanay ako na palagi silang kasama at buhay doon sa probinsya pero I'm happy at the same time dahil sa wakas nakita ko na si Denielle at makakasama pa siya ng matagal-tagal at mararanasan ko pang mamuhay sa Manila.

"So ano? Anong ganap? Nagusap na kayo? Nakilala ka niya ba? Is she more beautiful in person? Mabait ba talaga siya? Hey, Bess! Tell me!"

Dahil doon nagkwento na ako sa kanya na nanagkausap at nakilala niya na ako ni Denielle. Na mas lalo siyang maganda sa personal. She's too attractive that I can't resist her charm. Sobrang bait niya talaga, palangiti at nagbibiro din siya. Nasabi ko din na malambot ang kamay niya ang sarap ngang hawakan, at naikwento ko din na habang nakikipagusap ako kay Denielle puno ng paghahanga ako habang nakatingin nakikinig at nakatingin sa kanya. Halos na ikwento ko na sa kanya lahat except nga lang doon sa kitchen scene.

Gusto kong sabihin 'yon sa kanya pero nahihiya ako at saka pano ko ito sasabihin sa kanya na hindi si Denielle ang naging first kiss ko kundi ang kakambal niya dahil sa napagkamalan ko ito.

Ano ba 'yan! Sa susunod na lang siguro. Kung si Denielle na lang sana ang naghalikan ko kanina hindi sana ako ganito ngayon, proud na proud ko sanang sasabihin sa kanya na nahalikan ko na si Denielle and she's my first kiss pero ang pangit ka bonding ng tadhana kanina.

Nabalik ang atensyon ko sa cellphone ng marinig kong magsalita si Heiley.

"Yes, I really knew that bess! Hindi kita masisisi na naging girl crush mo si Denielle noon pa. Support pa nga ako sa'yo. If hindi na 'yan simpleng paghanga lang susuportahan at tatanggapin pa din kita, Aiana Sabina."

Abot-tenga naman ang naging ngiti ko dahil doon.

"Thank you so much talaga, Bess! The bess ka talaga!"

Naging friend ko si Heiley, 11 years old pa kami. She's approachable and friendly. Nagkasundo nga kami agad dahil magkasundo kami sa halos sa lahat ng bagay. Thankful nga ako na siya ang naging best friend ko. Palagi niyang akong sinusuportahan at palagi siyang nandiyan pala sa akin kahit hindi ko siya kailangan. Nung sabihin niyang may crush akong babae kaagad niya akong sinuportahan. Pero syempre ganoon din ako sa kanya.

"Sus! Walang anuman. Basta masaya ka doon ako kahit maingit pa ako." Aniya sabay tawa kaya natawa din ako.

Baliw talaga 'to!

Marami na siyang naging crush pero wala ni isang nagparamdam daw sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Crush lang talaga ang naramdaman niya, walang special feeling.

BEHIND THE COLD (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon