Aiana Sabina PoVMapahanggang-ngayon nandito pa rin ako sa loob ng kwarto ko. Natagalam ako magbihis, hindi ko kasi alam ang isusuot. Gusto ko kasi presentable dapat maayos akong tingnan, ayaw kong magmukhang PA ni Denielle. Ang ganda ko naman maging ganoon.
"Okay, outfit check."
Naglakad ako papunta sa salamin. I we're my simple but elegant dress.
"You're so pretty, self!"
Baka magustuhan na ako neto ni Dein.
Natawa na lang ako sa naisip. Kinuha ko ang sling bag ko at lumabas na ng aking kwarto na may ngiti sa labi. Nadaanan ko 'yung kwarto ni Devil. Ay este Demielle pala.
Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad. Naabutan kong nakatayo si Dein sa paanan ng stairway na halatang nagaabang.
"Dein!"
"Kanina ka pa ba diyan?"
"No. Kakababa ko lang ilang segundo palang ang nakakaraan."
"Ah okay."
"You ready?"
"Ready na ready syempre kasama ka, matagal ko na kayang pinapangarap ang makasama ka, Denielle Sandejas!"
Yan sana ang gusto kong sabihin pero syempre may hiya ako.
"Oo naman." Sinabi ko na lang.
"Okay, let's go then." She said at ipinulupot ang kanyang braso sa aking braso dahilan para hindi ako makagalaw dahil sa gulat at sa naramdaman na kilig syempre.
Hindi ako makapaniwala na nangyayari ito ngayon, feeling ko nag day-dream lang ako.
Parang hindi totoo pero totoo. Basta hindi ko mapaliwanag ito.
Abot-tenga ang naging ngiti ko hanggang sa makarating kami sa kotse na nakaabang sa labas ng main door.
Pinagbuksan kami ng pinto ng driver pinauna ko ng pumasok si Dein syempre then sumunod naman ako.
Hindi nagtagal ay kaagad pinaandar ng driver ang sasakyan paalis nv Mansion. Pagkarating sa Mall hindi kami kaagad bumaba. Sinuot niya muna ang dala niyang black cup at glasses para magdisguise upang walang makakilala sa kanya dahil panigurado dudumugin siya ng mga tao na obsessed fans niya.
Pagkapasok nagtungo sa school supplies at namili ng mga gamit na gagamitin namin bukas. After that, pumunta kami sa ilang clothing brands at namili ng mga brand new clothes. Bumili ako ng couple t-shirt at ibinigay ang isa kay Dein na masigla nitong tinanggap.
Fangirl. Superstar.
'Yan ang nakalagay sa t-shirt which is tamang-tama sa amin dalawa dahil I'm a fangirl admiring Denielle Elmira Sandejas (My superstar)
Magpahanggang-ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko si Dein ang babaeng matagal ko ng hinahangaan.
After naming bumili, napagpasiyahan naming bumili ng drinks.
"Shopping with you is awesome, Sabina." I heard Dein said sabay sipsip sa binili nitong bukofrio. Kasalukuyan na kaming naglalakad sa hallway.
"You too." Sabi ko naman sa kanya.
"I'm reall happy when we are together, Dein."
Gusto ko sanang sabihin pero nahihiya ako. Siguro sa susunod na lang, may susunod pa naman di'ba?!
"Wait." Tumigil ito sa paglalakad kaya ganoon din ako.
"Bakit?"
"I need to go to the restroom. I think, nasubrahan ako sa drinks."
BINABASA MO ANG
BEHIND THE COLD (GL)
RomanceDenielle Sandejas is Aiana Sabina's biggest crush since she was 11 years old. But what will happen if she and Denielle's twin sister are engaged. Ano kaya ang gagawin niya? Tututol ba siya o susunod sa pasya ng kanyang magulang? Kung papipiliin siya...