Aiana Sabina PoV!
Kasalukuyan akong nandito sa dining area. Kumakain ng lunch kasama si Tito Demien at ang kambal nitong anak.
Nasa isang dulo ng mahabang hapagkainan nakaupo si Tito Demien habang ang kambal ay magkatabi sa right side habang ako ay nakaupo sa pangalawang upuan sa left side. Bakante ang isang upuan dahil ito ang upuan ng magiging ina ng Sandejas twins.
Stepmother nila to be exact!
Napagalaman ko kasi na namatay na pala ang Ina nila at nagkaroon ulit ng relasyon sa ibang babae ang kanilang ama na magiging pangalawa nitong asawa.
Pansin ko na sobrang tahimik ni Demielle habang kumakain.
Habang ako heto hindi mapakali at nahihiya dahil sa nangyari doon sa kusina kanina. Naiilang din ako.
Kaya pala kakaiba ang nararamdaman ko dito at ibang-ibang ang expression at dating niya sa'kin ay dahil hindi naman siya ang babaeng crush na crush ko pero hinalikan ko at nasabi ko din sa kanya ang salitang hindi dahil doon ay mas lalo akong nahiya sa kanya.
Magkahawig talaga ang mukha nila at saka pareho din mahaba ang itim nilang buhok ang pinagiba lang ay yung style nila. Nakalugay ang wavy hair si Denielle habang nakaponytail naman sa likod ang straight hair ni Demielle.
Napalingon ako kay Tito Damien ng marinig kong nagsalita ito.
"Kumain ka lang, Hija! Ipinahanda ko talaga lahat ng 'yan para sa pagdating mo." Nakangiti itong nakatingin sa akin.
"Sige po, Tito Demien! Salamat po." I said to him at pinagpatuloy ang pagkain.
Maya-maya ay sinulyapan ko si Denielle na masiglang kumakain. Halatang gutom siya pero ang cute niya pa rin tingnan. Ang ganda-ganda niya talaga. Hindi-hindi ako magsasawa na tumingin sa napakaamo niyang mukha.
Inalis ko na ang tingin sa kanya. Baka mapansin pa nito na tiningnan ko baka ano pa ang isipin niya tungkol sa akin.
Magpahanggang-ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nakita ko na ito in person at nasa harapan ko na siya at kasabay ko pa siyang kumain. Ang saya lang sa pakiramdam na ang matagal mo ng crush ay nakita at kaharap mo na ngayon. Nakakataba ng puso!
Maya-maya ay muli kong tiningnan ang kakambal nito. Tulad kanina ay seryoso at cold pa rin ang expression ng mukha nito at tahimik pa rin na kumakain. Ni walang pinagbago pero kahit na ganyan ang itsura niya nahihiya pa rin ako sa kanya ginawa ko sa kanya baka ano-ano na ang iniisip niya ngayon tungkol sa'kin.
Ang tanga ko kasi! Hindi ko siniguro na si Denielle ba talaga 'yung kaharap ko kanina. 'Yan tuloy sising-sisi ako ngayon.
Natapos ang lunch namin na iba-iba ang nararamdaman ko dahil sa kambal na 'to.
---
Kasalukuyan akong nandito sa malawak na field dito sa Mansion ng mga Sandejas. Naglalakad-lakad para mafamiliarize ang kabuohan ng Mansion. Kanina sa loob ako naglibot kasama si Manang Ylena as tour guide ko.
After lunch hindi ko na ulit nakita si Denielle nasa kwarto yata. Sayang!Kahit yung kakambal niya. Busy yata sila.
Gusto ko sanang si Denielle ang mag-tour sa akin dito. Para nalibot ko na ang buong Mansion nakasama ko pa 'yung crush ko. Pero hindi 'yon nangyari, eh!
Tumigil ako sa paglalakad ng makita ko ang isang upuan na kahoy malapit sa may pond. At may iilang puno din doon.
Lumapit ako dito at umupo sa upuang kahoy at inilibot pa ang tingin.
Ang ganda naman sa lugar 'to! Napakapeaceful! Ang sarap tumambay!
"Oh, you're here pala." Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa may gilid ko. Yung ang tahimik tapos may biglang magsasalita magugulat ka talaga.
BINABASA MO ANG
BEHIND THE COLD (GL)
RomanceDenielle Sandejas is Aiana Sabina's biggest crush since she was 11 years old. But what will happen if she and Denielle's twin sister are engaged. Ano kaya ang gagawin niya? Tututol ba siya o susunod sa pasya ng kanyang magulang? Kung papipiliin siya...