Chimay POV
Nang mag ring na ang bell ng school ay inayos ko agad ang bag ko at lumakad papunta kay Madz. Hindi ko na pinansin ang ibang kaklase ko na nakatingin sakin Dahil sa init ng mga Pangyayari kanina.Pa'nong Hindi iinit ikaw ba naman tawagin sa first day of school.
"Hahaha ano?"bungad ni Madz
Ano den?!sabi ko
"Galing mo kanina so proud of you"sabi ni Madz habang pumapalakpak ng kamay.
Eh. Wala yon hahaha chamba lang yun. Sagot ko na pahumble mwehehehe.
Lumabas na kami ng room at naglakad palabas.
"Picture tayo?"aya sakin ng magandang si Madz!
Hay ayoko talaga sa lahat yang picture picture. 'Di naman kasi ako photogenic isa pa hindi rin ako kagandahan. Pero maganda ko ha? Hindi lang masyado hahaha!
Eh ayoko.sagot ko na may onting pagmamaktol.
"First day ih."
"Sigi na Chimay"pagpupumilit nito.Oo na oo na.sagot ko naman
"1,2,3 smile"Madz
Ako naman si tangengak nag peace sign hahaha. Gag* ganon ba talaga kapag jologs ka? Kapag may camera automatic nagpe-peace pose.
"Chimay wala pang wacky hahaha! Formal muna,smile lang"sabi nya habang natawa.
Aba! Sorry naman-.- sagot ko.
"1,2,3 smile ayan!"
"Tapos wacky naman!"
"Hehe ok na 'to Chimay.Ipopost ko nalang to mamaya pag nasa bahay nako"chimayGanon din ba talaga pag mayaman o maganda?Talagang ipopost pa ang mukha. Palibhasa gusto nilang ipaglandakan ang maganda nilang peys,lugeeeee! Ako kase sa kalye lang nagpapakalat ng magandang mukha. Hahaha.! Tsaka wala kong sariling cellphone kaya ganon.
"Sige babye chimay!"
"Bukas nalang ulit!"pagpapaalam nya habang natakbo sa direksyon ng isang room.Oo nga pala mga teh may pinsan syang kabatch namin.Doon ata sya sasabay sa pag-uwi at naka car sila! Oo sila na may car! Hahaha.
Habang naglalakad ako natutuwa ako na kahit ganon yung first day of school ko ay medyo masaya nadin kasi may thrill. Tsaka Masaya din akong tumitingin sa mga taong naglalakad,yung iba may kasamang magulang yung iba naman grupo-grupo,yung iba naman solo.
Sumakay na'kong jeep at tricycle.Nakauwi narin ako sa wakas.hahay.
"Ate!"tawag sakin ni chuchay.
Si chuchay yung pangatlo saming magkakapatid,babae sya. Palayaw nya lang yang chuchay hahaha.Ang pangalan nya talaga ay Panda Nawq Endique. Hehe cute padin. 7yrs old sya tapos chubby na mahaba yung buhok tapos mabalbon kaya parang panda Talaga hahaha.
Bakit? Kumain kana chuchay?sagot ko at tanong habang nanggigigel sa pisnge nya.
"Ah chakit ate!"sabi nito.
Chuchay wala pa si kuya chey?pagtatanong ko ulit.
"Ala pa"tugon niya sakin.