chapter 01 (first day)

0 0 0
                                    

Dahil first day ng pasukan namin ngayon halo-halong pakiramdam ang nararamdaman ko. May onting kaba na may excitement at syempre tuwa.

Kalmado kong naglalakad papuntang kanto para sumakay,at dahil talagang kinakabahan ako. Kumuha ko ng bubble gum sa bulsa ko at nginuya ito. Alangan naman kasing lunukin bwahahaha! Taon taon namang may pasukan  na nangyayari pero ang nakaka excite kasi don,Yung part na hindi mo alam kung sino yung mga magiging kaklase mo every year Tapos iisipin mo kung mabait ba yung teacher mo.At syempre....................kung may gwapo kayong kaklase! Harot level 99.9999

Nang tumigil ang tricycle na sinasakyan ko,may mga nakikita nakong mga estudyante na naglalakad,yung iba naman ay may service pa. Sumakay ulit ako ng isa pang sasakyan kasi malayo pag nilakad pa yung school. Sumakay ako ng jeep at nagbayad.puro estudyante ang kasabay ko sa jeep kaya hindi awkward.

"Paki abot po" sabi Nung katabi ko.

Nilahad ko naman ang kamay para kunin ang Bayad nya. Pero ang nakakainis may isang babae ang kinuha ang bayad ng katabi ko mula  sa kabilang upuan. Hay nako!  Agang aga naiinis ako,pano kase nakakahiya yon. Oo,para sakin nakakahiya yon! Naka abang na nga kamay mo tapos aagawin pa sayo. Tsk! Mang aagaw.

"Para po! Dyan nalang po sa tabi."

Dahil dito narin ako,nakisabay nakong bumababa doon sa isang bata.
Onting-onti nalang maabot ko na ang school namin,unang pasok amoy usok! Kapag wala kang service o sariling sasakyan ang kalaban mo Talaga ay ang usok.

Dahil malapit na malapit nako sa school namin. Yung to the point na ilang steps nalang ay andon kana,tinapon ko na ang bubble gum ko. Mamaya  'di pa'ko papasukin ng guard eh.

"Beep! Beep!"

Ay oh! Agang aga talaga high blood nako. Muntikan pa ata kong mabangga. Pano kase halos lahat ng mga nag-aaral sa school namin ay puro may kotse.usigi!kayo na mayaman!

Tadaaaaaa! Hahaha dai andito nako sa school namin. Naka pasok nako,Ang shala din talaga ng school namin eh. Kada year may inaayos sila.well dapat lang naman ata dahil sa mahal ng binabayad ng mga tao dito.except sakin kasi scholar lang ako hahaha  'di ko dama ang pagbabayad ng pera sa school na ganito.

"Chiiiiiiimaaaaaaaaaaaaay!"
Tawag sakin ng kung sino.

Nagulat ako dahil si Madz pala.
Ay nako jusko! Agang aga mamamatay ako sa gulat.

"Oy chimay isang yakap naman dyan"  sabi nya.

Nakakahiya ka Madz! Hahahah

"Eto naman! Syempre joke lang!"

"HAHAHHAHAHAHAHAHHA!"
-sabay naming tawa

Tara na?  Pagtatanong ko

"Sige"

Habang naglalakad kami paakyat ng building ay napatanong nalang ako.

Anong section ka nga Madz?

"Ahmmm............"

Ano?

Minsan nakakainis din 'to si Madz eh.pabitin lagi kala mo namang kung sinong maganda. Char! Hahahha. Maganda 'to noe.

" Tangeks ano kaba chimay,magkaklase lang tayo. Nung tinignan ko yung list ng mga section hinahanap ko din yung sayo tapos magkaklase pala us"

Ah hahahhaha ok? Edi Parehas pala tayong section 3. Parehas bob*

"Hoy hahahaha! Gagi ka. Anong bobo Baka ikaw lang,gaya mo pa'ko sayo teh"

Edi ikaw na.

"Yes talaga."

Nang nakarating na kami sa room namin ay naghanap agad kami ng upuan. Kaso puro punuan na ata,I mean wala nang dalawang upuan na magkatabing bakante.

"Hoy teh!"  Tawag sakin ni Madz
Habang busy naman ako na tumitingin sa mga upuan,baka kasi may bakante pa para saming dalawa.

"Pst!Chimay! Dito na me ha? Hanap ka nalang ng upuan mo"

Tamo tarantado,iniwan ako bigla ah.

Hi? Pwedeng umupo dito? Tanong ko sa isang lalaki na nasa harap ko.

"Pwede"bored nyang sagot

Ah ok hihi

Itong lalaki na katabi ko ngayon ay hindi ko nakita dito dati sa school.Siguro bago lang 'to dito. O baka naman  'di lang sya nagpapakita dito sa school kaya hindi ko nakikita.

Medyo puno na ang room namin,biglang pumasok ang teacher namin. Ang alam ko ay 45 kami dito na magkakaklase. 23 girls tapos 22boys. Napapaisip tuloy ako,kawawi naman yung isang babae hahaha! 'Di man lang naghanap pa ng isang lalaki para equal 23-23 na.

"Good morning class"panimulang bati ng teacher namin.

"Good morning ma'am Alvarez" sabay sabay naming bati.

"Okay for now,wala muna tayong lesson.Dahil sa nakagawian puro pagpapakilala muna. Para Syempre makilala natin ang isat isa"

Walang sumagot samin non habang may  inaayos si ma'am sa bag nya.

Tinititigan ko ang bawat isa sa room namin dahil Syempre baka may mahanap na gwapo hahaha!habang nasagip ng mata ko si Madz. Ay nako! Walang pinagbago,simula elementary madaldal si Madz. Si Madz yung uri ng babae na madaldal tapos friendly,palibhasa dalawa lang silang magkapatid tapos bunso pa sya.Siguro hindi nya nakakausap ang ate nya. Ganon ata talaga  pay mayayaman walang usap usap sa bahay.Paranas nga nang walang usap usap na yan hahaha! Mayaman sila Madz pero oo,sa public school sya nag-aral ng elementary.

"Hoy!"tawag ng katabi ko

"Ako ba?"paglilinaw ko naman.Mahirap na! Baka masabihang feelingera.

"Oo oo"

Ah okay. Bakit ba?

"Kilala mo yon?"tanong nya habang nakanguso kay Madz

Bakit?tanong ko

"Wala naman,I'm just asking noe"

Ah hahaha oo naman.kilalang kilala ko.sagot ko na nakatawa

Tarantado din pala to. Pagkatapos magtanong wala man lang salamat o ano. Dahil ginigigel ako nito,pano munang gigel chimay? Hahaha

Anong pangalan mo?tanong ko

"Mamaya"

Ah nice to meet you mamaya.

"Patawa kaba? "Patakang tanong nya

Ha?

Bwisit to muka ba 'kong nagpapatawa?

"Hindi mamaya pangalan ko. I mean mamaya kapag nagpakilala na tayo sa unahan saka mo malalaman."

Edi wag!

"HAHAHAHA!"pagtawa nya

Pangalan na nga lang pinagdadamot pa. May pa mamaya mamaya pa. Buseeeeeeeeeeeeeeet!

It's always youWhere stories live. Discover now