Chimay maganda POV
Nagising ako ng banda 5:30am at nag inat inat ng katawan.kumain at naligo narin ako.Medyo matagal ako maligo mga portipayb minits ganern haha.
Umalis na'ko sa bahay. Naglakad ng onti at sumakay sa tricycle,jeep.Onting lakad at yowwn! School na hahaha!Pag pasok ko sa school ay medyo Marami nang tao at hayop hahaha joke.Tao lang Tao lang pala hahaha.
Umakyat nako ng second floor papuntang room namin at nakita ko agad ang monkey face. Nakita ko si kingkong,yung nakaaway ko kahapon!
Naglakad ako papunta ng upuan ko sa tabi parin ni Rid.Yung kahapon naming upuan ayun narin yung sa ngayon eh. Hindi ko alam kung may Balak pa kaming ayusin ni ma'am Alvarez."Good morning"bati sakin ni Rid.
Sinuklian ko naman sya ng ngiti.Hindi naman kasi uso sakin yung good morning good morning na yan! Hahaha. Maya maya dumating narin si Ma'am Alvarez samin.
"Magandang umaga"bati ni ma'am.
Good morning ma'am Alvarez....
"Nako dapat simula ngayon tagalog na lengguwahe na ang gagamitin natin. Ang bati nyo ay magandang umaga.Filipino subject ang tinuturo ko."ma'am.
......
"Magandang umaga"ulit na pagbati.
Magandang umaga Binibining Alvarez....
"Maupo na ang lahat"sabi ni ma'am.
" Ngayong araw ang ating aralin ay Pang-uri"
"Ang pang-uri ay salitang naglalarawan sa pangngalan."......
"Tama ba?"pagtatanong ni ma'am.Opo.Rid.
"Salamat sa pagsagot."
Nagulat ako ng sinagot ni Rid ang tanong ni ma'am hahaha bait na bata pala eh.Ang boring talaga ng Filipino o ako lang naboboringan? Tahimik lang ang lahat samantalang si ma'am naman ay patuloy sa pagtuturo.
"Dahil nalinawan na kayo Tungkol sa pang-uri at alam nyo nadin ang pang-uri.Gusto ko na magsalita kayo isa isa sa harap at magbigay ng tatlong pang-uri tungkol sa sarili nyo"ma'am Alvarez.
Oh eto nanaman po tayo. Andami ko nanamang naririnig na mga alulong dito.Este andami kong naririnig na mga side comments.
Madali lang 'to Selen.Rid.
Osya ikaw na.ikaw na.sabi ko.
Hahaha.idedescribe mo lang naman sarili mo.pagpapaliwanag ni Rid.
Ay ewan ko bahala na si batman tsaka si superman,sama mo na si spider man.baka magtampo!sagot ko na pabiro.
Hahahaha!Rid.
Isa-isa na silang napunta sa unahan at nagsasabi ng Tungkol sa kanila.Ako naman wala.Nag-iisip ano bang pwede kong masabi sakin.Ayoko kasi na ulitin yung mga sinasabi nila eh! Hahahah.Baka sabihin gaya gaya.
Natapos nang magpakilala si Elisha tsaka yung John kapal! Makapal kasi mukha hahaha.Tapos na din yung kennedy at Ruby. Oh diba? Pak! Medyo marami na'kong kilala sa room namin.Don't touch me second day palang to.Hanggang sa mapansin ko na may kinakausap pala tong si Rid.At ang unggoy pala yon!