Chapter 10

365 19 13
                                    

There was a service van waiting for us outside the airport when we landed. Ito na ang naghatid sa amin sa restaurant kung saan kami nag-breakfast maging sa tutuluyang hotel.

Dalawang kuwarto ang kinuha ni Papa para sa amin. Sinamahan muna ako ni Papa sa silid ko at tinulungang mag-lagay ng gamit.

"I will review the papers for the congress later. If you need anything, just knock on the adjacent room," Papa said after I settled.

Tumango ako at hinatid siya sa pintuan. Nang maisarado ay inilibot ko ang paningin sa kuwarto. Malaki ito para sa akin lang. May living room pa, small dining table, at king-size bed. I even saw a tub when I opened the bathroom door earlier.

Dahil naisaayos ko na rin naman ang gamit ay humiga ako sa kama upang matulog ng ilang oras. Nagising lamang ako at lumabas ng kuwarto nang tawagin ni Papa para sa tanghalian.

After our lunch, I worked on the tasked essay. Pagkatapos ay kumain lang ulit at natulog, hanggang sumapit ang dalawang oras bago ang congress at kailangan ko nang magbihis at maghanda.

I wore a white v-neck blouse and slacks. To make it formal, pinatungan ko ng itim na long coat at saka ako nagsuot ng sandals. Ipapakita ko kay Papa mamaya ang suot ko para masiguro na angkop naman.

For my hair, I decided to tie it. While staring at myself in the mirror, I realized that my ponytail made me look mature. And I've been watching make-up tutorials lately that's why I was able to fix my eyebrows on my own.

Maya-maya ay nakarinig na ako ng katok sa may pintuan. Sigurado akong si Papa na 'yon kaya naman kinuha ko na ang dala kong bag at lumabas ng kuwarto.

"Okay lang po ba ang suot ko?" tanong ko kay Papa habang naglalakad kami patungong elevator.

My father is quite tall— about six foot and a half. His haircut and soft features made him look younger than his age. And the extravagant suit he's wearing... pretty sure he'll be an eye catcher.

"It's perfect. You look like a professional in that fit," he complimented.

Ngumiti ako at kumapit sa braso ni Papa. Like I thought, I looked more mature. Mainam talaga na natututo na akong mag-ayos kahit papaano.

If only my sisters would teach me. I've always admired Ate Amor and Ate Lyka's make-up skills. Iyon nga lang, hindi ko naman sila ka-close. Si Ate Leira lang talaga. Kaya naman wala akong choice kung hindi matuto mag-isa.

Maybe I should ask Mama? Kung sa kanya kaya ako magpaturo? Feeling ko kasi ay mas maganda kung actual kaysa sa video tutorials.

Bahala na nga! Saka ko na lang iisipin 'yan.

Kung hindi pa ako tinawag ni Papa ay hindi ko pa mamamalayan na nasa ground floor na pala kami. Lumabas kami ng hotel at sumakay sa sasakyang nakaabang doon.

Mabilis lamang ang biyahe at walang traffic. Tantiya ko ay dalawampung minuto lamang ay nakarating na kami sa isang mukhang convention center.

There was a registration area at the entrance. Mayroon ding medyo mahabang pila roon. Akala ko, kakailanganin naming maki-pila kaya naghanda na akong pumunta roon pero may nag-usher sa amin patungo sa isang separate na entrance.

Papa talked to the staff and a few seconds later, they gave us our IDs. Nagulat ako dahil meron din akong natanggap kung saan nakasulat ang pangalan ko at may label na guest. Papa registered me beforehand, for sure.

"You haven't told me what's this congress about, Papa," usal ko nang makapasok na kami.

Sobrang formal ng itsura sa loob. Hindi iyong tipo ng formal party gaya ng kasal o debut na sobrang engrande ang gayak. It was more like a business one, probably because of the lights. There was a dining hall for the dinner later maybe.

Scarcity of ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon