Chapter 6

399 15 25
                                    

"Just get a room, you guys!"

Dahil abala sila sa panunukso roon ay walang nakapansin ng pagtayo ko at paglayo sa grupo.

Uuwi na ako.

Mabigat ang dibdib na tinakbo ko ang daan palabas. Nakakailang mga hakbang pa lamang ay hindi ko na naagapan pa ang pagtulo ng aking mga luha.

"Hello there, sexy," a drunk-looking guy catcalled me, a few meters away from the pool.

I gulped and walked faster, not paying attention to him. I just really want to go home. Bahala na si Shannon.

Sa paligid ay may nadaanan akong mga naghahalikan din. Nasaksihan ko iyon kahit pa nanlalabo na ang aking paningin. Dahil doon ay pumasok sa isipan ko ang tagpo kanina. Kung paano nila ninamnam ang labi ng bawat isa.

Akala ko pa naman, magiging masayang karanasan ito sa akin. Akala ko, kaya ko ring makibagay. Subalit nagkamali ako.

Halos kapusin na ako ng hininga nang makalabas ng mansyon ng mga Salvador. Napakapit ako sa gate upang mabalanse ang sariling nais manlambot dulot ng sakit sa dibdib.

Hindi ko na napigilang mapahagulgol. Siguro, kung ibang babae ang makikita kong kahalikan ni Hans ay hindi ako masasaktan ng ganito. Subalit dahil si Shannon ang babaeng iyon ay tila mas dobleng sakit pa ang nararamdaman ko ngayon.

I know that wasn't just a simple dare. If it was, I don't think Shannon would let it take longer.

Alam niyang gusto ko si Hans! At kung nirerespeto niya iyon ay hindi siya makikipaghalikan ng ganoon sa kanya!

Halos hindi ako makapaniwala na magagawa iyon ng tangi kong kaibigan sa akin. Hindi ko akalaing mas pinahalagahan niya ang laro kumpara sa pagkakaibigan namin.

O baka hindi naman talaga ang laro ang dahilan?

"Pick up your phone, dumbass!"

I immediately held my sobs when I heard a pissed voice. Drying my tears up, I look around and saw a tall man wearing a grey hoodie and black pants. His hand's up on his right ear, probably holding a phone.

Inis niyang pinatay ang telepono nang mukhang walang sumagot. Huli na dahil bago ko pa maiiwas ang tingin ay nagtagpo na ang aming mga mata.

Pamilyar ang lalaking 'to ah.

Awang ang labing dahan-dahan siyang humakbang palapit sa akin.

"Hi, Miss. Can I ask something?" he asked.

Kinalma ko ang aking sarili at nakayukong tumango.

"It seems like you just came out of the party so by any chance, have you seen a tall, masculine, and long-haired guy with a flame tattoo on his chest?"

Not recognizing the person he asked, I languidly shook my head.

"Oh, okay. Thanks," he replied.

Hindi ko na siya pinansin matapos no'n at mabilis na kinuha ang cellphone para mag-book ng grab. Hindi na rin naman siya nagsalita at naging abala sa pagsubok na tawagan ang kung sino man mula marahil sa loob.

"Shit," I whispered when 20 minutes passed and there's still no available cab.

Naiiyak na naman ako. Paano ako makakauwi nito?

"Are you booking a ride?" the man asked. I lifted my gaze to him again, slightly shocked by his sudden starter.

"Yes," mahina kong tugon. "But I'm getting no response."

"This village is far and exclusive, Miss. I don't think taxi drivers typically offer rides around the location. Especially late at night."

Naalarma ako. "Talaga?"

Scarcity of ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon