Chapter 11

362 18 31
                                    

Tulala ako habang pabalik ng hotel. Hanggang ngayon ay hindi pa rin napo-proseso ng utak ko ang pagkikita namin dito ni Kylo.

What are the odds that I'll meet him and his brothers here in Singapore? Kylo, of all people?

He even acted differently! He was as cold as ice earlier.

Was he that mad at me for shutting him out?

Sabi ko pa naman ay magso-sorry ako sa susunod na pagkakataong makikita ko siya. Kaso nga lang, nagmamadali siya at tila ba ayaw akong makausap kaya hindi ako nakahingi ng paumanhin. Idagdag mo pa na naroon ang mga kapatid niya at hindi ko nagawang makapagsalita.

Hindi ko na talaga maintindihan ang buhay ko!

"Vine, it seems like you have to go home alone," sabi ni Papa nang makabalik na sa hotel room.

Nakaayos na ang mga gamit ko at siya na lamang ang hinihintay kanina pa. At ngayong nakabalik na siya, hindi ko inaasahan ang sasabihin niya.

"Huh? Bakit po?" naguguluhan kong tanong.

"They requested my stay for two more days. Unfortunately, you cannot stay here anymore. You still have to attend your class. Kung sanang bakasyon," tugon niya at binuhat ang mga gamit ko. "Huwag kang mag-alala, sasamahan kita sa airport. Tinawagan ko na rin ang Mama mo. Siya na ang bahalang sumundo sa'yo."

Hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba. "G-Gano'n po ba?"

"I'm so sorry, Vine. As much as I wanted to come with you, my stay is requested."

Bumuntonghininga ako. "It's okay, Papa. May mga attendants naman. They will surely guide me, right?"

"Of course. I'll make sure of that."

Pinilit kong ngumiti at tinulungan siya sa pagbubuhat ng mga luggage ko. Tinulungan din ako ni Papa na makapag-check out bago kami lumabas ng hotel.

He rented a cab that took us to the airport. Sinamahan ako roon ni Papa hanggang sa tinawag na ang flight ko.

Flight number SQ201.

"You take care, okay? Malaki ka na at alam kong kaya mo na rin ang sarili mo kahit papano. Call me when you landed? I'll be online," bilin ni Papa.

"Yes po. Take care as well, please. We'll see you soon."

Niyakap ko siya bago ako tuluyang umalis. After inspections, pinapasok na rin kami sa wakas sa boarding gate. Sumusunod lamang ako sa mga kasabay na pasahero hanggang sa makasakay na sa wakas sa loob.

This is my first time riding a plane alone. I am quite nervous and excited at the same time. I don't know why but I feel like I took one step ahead towards independence. Such a new but unforgettable experience for me for sure.

I was delighted when the seat my father booked was beside the window. Tinanaw ko ang labas habang hinihintay ang paglipad.

Bigla na namang pumasok sa isip ko si Kylo. I cannot deny that his brothers are cute. Nang dumating din siya, doon ko lang napagtanto na grabe rin ang pagkakahawig niya sa mga ito. Ang kulay lang ang nag-iba dahil moreno siya at may kaputian ang kambal.

Sigurado akong paglaki ng mga 'yon, guwapo rin katulad ng Kuya nila.

Pero bakit ba panay ang isip ko sa kanya? Tapos, hindi mawala sa utak ko ang itsura niya, pati yung paraan ng titig niya na kahit galit, parang hindi ko magawang magdamdam.

Epekto siguro ito ng konsensya ko.

A few minutes after this aircraft flew into the air, I fell asleep. I don't know for how long but I was awakened by my inner urge to pee.

Scarcity of ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon