~ Prologue ~

13 2 0
                                    

Nasan na ba ang lalaking yon?

Kanina pa akong twelve nandito pero hindi parin sya dumadating. Malapit na mag-umaga . Mahigit limang oras na yata ako naghihintay e.

Gab nasan ka na?..

Umupo muna ako sa may upuang kahoy dito sa gilid ng park. Binaba ko muna ang malaking sako bag na dala ko . Magtatanan daw kami sabi ni Gab pero mag-uumaga na wala pa rin sya.

Kaya naman namin naisipan na magtanan kasi ipapakasal sya ng mga magulang nya don sa anak ng mga kaibigan nito.

Dahil sa tagal ng paghihintay ay nakatulog na ako ngunit nagising ako ng  biglang tumunog ang cellphone ko. Agad kong binuksan iyon at nakita ko na tumatawag si  Cel . Agad ko namang sinagot yon.

" Hello Cel, napatawag ka? " tanong ko agad dito.

" Ate! Nasan ka? " tanong nito

" Nandito sa Parke . Bakit? " tanong ko

" Ate!! Umuwi ka na!! Ikakasal na si Kuya Gab  sa nobya  nya! " sigaw nito.

" Ha? Ei ako ako ang nobya non e. Ano bang sinasabi mo?" Inis na tanong ko

" Hindi.. yong ano.. yong fiance nya? Tama ba ate? Fiance ba ang tawag don?" Tanong nito.

"HA? Ano? Saan ? Saan sila ikakasal? Bilis at pipigilan ko!" Sabi ko dito at agad kong kinuha ang bag ko at dali daling umalis.

Pagkatigil na pagkatigil ng tricycle na sinasakyan ko ay agad akong nagbayad sa driver at bumaba. Lakad-takbo ang ginawa ko para makarating agad sa loob ng simbahan.

Tinulak ko ang malaking pinto upang makapasok sa simbahan.

" Itigil ang kasal!!! " malakas na sigaw ko dahilan para mapunta sa akin ang atensyon ng lahat ng tao dito.

" Walang kasalang magaganap! " dagdag ko pa.

" Sino ka!? At anong karapatan mo para itigil ang kasalang ito?!" Galit na tanong  ng matandang lalaki sa may unahan ng simbahan. Sya ang tatay ni Gab, sya ang ama ng taong mahal ko na ikakasal na ngayon.

" Sino ako? Ako lang naman ang babaeng tunay na minamahal nya!! Ako lang naman ang babaeng dapat pakakasalan nya!!" Galit na sigaw ko dito. Maya maya pa ay bigla syang tumawa.

Bakit sya tumatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"  That waman is Crazy!! Hinding- hindi papatulan ng anak ko ang hampas-lupang yan!" Malakas na sambit  nito.

" Diba anak? " tanong pa nito habang nakatingin kay Gab.

" Y-yes . Don't mind her, i dont Love her " seryosong sabi ni Gab

Dahil sa sinabi na yon ni Gab ay nagsimula nang mamuo ang mga luha sa mata ko. Marahas ko yong pinunasan para hindi tuluyang tumulo.

" Sinungaling!! Alam kong mahal na mahal mo ko Gab!! Walang oras at araw na hindi mo pinaramdam sakin yon! Siguro.. siguro tinakot ka ng mga magulang mo noh! Na pag hindi ka nagpakasal at hindi mo ako iniwan ay hindi ka nila bibigyan ng mana! Tama ba ako Gab? Tinakot ka lang nila diba? " Tanong ko

Ganon kaya ang nangyayari sa mga pelikula.

" Poor woman, sa pelikula lang nangyayari ang mga sinasabi mo. Hindi namin sya tinakot, nagkusa sya na magpakasal kasi ayaw nya sayo dahil Bobo ka!! Tanga ka ! At higit sa lahat pera lang habol mo sa kanya!! You are gold digger! " sigaw na  sabi nito sakin.

" Hoy tanda! For your imformation, hindi ako Bobo!! Dahil kahit papaano ay nakapagtapos ako ng highschool! Oo, inaamin ko na tanga ako! Pero paminsan-minsan lang naman!! At higit sa lahat hindi ako gold digger!! Wala akong pakialam sa kayamanan ng anak mo dahil sya ang mahal ko ! Hindi ang pera nya!." Paglaban ko dito.

" Enough !! Guard ! Paalisin nyo ang babaeng yan!! " galit na sigaw ng nanay ni Gab habang nakaturo sakin. Maya maya pay hinawakan na ako ng Mga guard at pinipilit ako palabasin.

"  Hindi nyo ko pwedeng paalisin ! Gab tara na !! Magtanan na tayo!! Alam mo ba hinintay kita kanina , diba sabi mo hintayin kita kaninang 12:00 am . Gab hinintay kita pero hindi ka dumating!! Gab tara na parang awa mo na . Gab!" Umiiyak na saad ko habang inaalis ang kamay ng mga guard.

" Umalis ka na Beatrice dahil hindi kita mahal at buo ang desisyon ko na magpakasal kay Kianna . At hindi ako pinilit ng mga magulang ko. " seryoso at malakas na sabi ni Gab dahilan para sunod sunod na pumatak ang mga luha ko

~~

-Lady Spade♠

His Mistress  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon